Chapter 39

2.7K 157 9
                                    

ITINAPAT ni Safhire ang sarili sa malakas na buhos ng tubig sa shower. She felt her lips were swollen from Vhendice's kiss. Why did she allowed him to have his way? It's disgusting. She was disgusting.

Niyakap ng dalaga ang sarili at napaiyak. But she can't push him away. She can't say no either and shut him out. She knew it was wrong but she liked it. She liked it. It was not only his lips but he was putting his heart on that kiss.

Ray, please...tell me what should I do?

Hindi alam ni Safhire kung gaano siya katagal nanatili sa loob ng banyo. Nang makadama ng lamig at ginaw ay saka lamang niya naisip na lumabas. Nabigla siya nang madatnan sa loob ng kanyang silid si Jenni May. Nakaupo ito sa gilid ng kama at halatang hinihintay siya.

My God...Nalaman kaya nito ang milagrong ginawa nilang dalawa ni Vhendice roon sa garahe?

"Kumatok ako pero walang sumagot. Bukas naman ang pinto kaya pumasok na ako. Pasensya ka na," sabi nito.

"Okay lang. May kailangan ka?" Halos puputok na ang dibdib niya sa kaba.

Tumango ito. "I need your help. Vhendice told me he'll talk to me about something. I had this awful feeling that he wanted to break- up with me."

"Jenni..." Hinaplos ng awa ang puso niya para sa babae.

"I can't lose him, Saf. I love him so much." The singer started crying. "He's in love with you. He told me."

That stupid Vhendice! How could he? "A-Anong gusto mong gawin ko?"

"Don't give him a chance. Push him away if you could."

"Jenni, I..."

"Please... I beg you. Vhendice never lied to me, not even once. Kung may nagawa siyang pagkukulang sa akin, inaamin niya iyon. Without any excuse. He's just like that. Pero minsan mas gusto kong magsinungaling na lang siya lalo na pagdating sa iyo. Masakit marinig ang katotohanan na ibang babae ang mahal niya samantalang nakatakda na siyang ikasal sa akin."

Hindi niya alam kung paano mag-react at kung anong sasabihin. Naaawa siya kay Jenni May. Pero sapat na tulong ba kung iiwasan niya si Vhendice? Even if she turned him down, he'll never give up that easily. Anong gagawin niya?

Pareho silang napatingin ng singer sa may pinto nang bumukas iyon at pumasok ang lalaki.

"Why are you here, Jenn? Come back to our room. We need to talk ," sabi nito.

"Pagod si Jenni sa biyahe. Saka mo na siya kausapin. Makapaghihintay naman iyan, di ba?" Iniharang niya ang sarili sa pagitan ng dalawa.

"No, there's no more time. I'm leaving tomorrow and I need this one to be settled before I went off," sagot nito. "Jenni, come on."

"Bakit ba ang lupit mo? Gusto na niyang magpahinga. Pagbalik mo galing sa misyon saka kayo mag-usap. Huwag mong ipilit iyan ngayon." Argumento niya.

Huminga ng maluwag si Vhendice at tumingin sa ibang direksiyon. "Before you interrupt, can you at least wear something proper?"

Saka lamang niya naalala na maiksing towel lamang ang nakabalot sa kanyang katawan.

"I'm sorry..." Pulang-pula ang pisnging hinablot niya ang robe at isinuot. Hindi na niya tinanggal ang towel.

Muling binalingan ng lalaki si Jenni May na nagtatago sa likod niya. "Sa tingin mo ba may magbabago kung tatakbuhan mo ako, Jenn? Kung ayaw mong makinig, hindi kita pipilitin. Kakausapin ko na lang muna ang parents mo."

"No...!" Biglang nag-panic ang singer. "Don't do that! I beg you, don't." Pagsusumamo nito.

"Pwede ba maging considerate ka naman sa feelings ng fiancée?" Sumingit na naman siya. "Nasasaktan na siya."

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon