Chapter 15

3.4K 144 11
                                    

NAGISING si Safhire ng madaling araw. Nauuhaw siya. Bumangon ang dalaga. Sinipat ang kanyang tabi. Wala doon si Vhendice. Saan kaya natulog ang lalaki? Bumaba siya ng kama at lumabas ng kwarto. Dapat pala ay nagdala na siya ng tubig bago siya natulog. Dumadalas na itong nagigising siya dahil sa uhaw.

Habang naglalakad sa maluwang na pasilyo ay napansin niyang bukas pa rin ang ilaw sa guest room. Gising pa ba si Vhendice? Silipin kaya muna niya. Hindi nakasarang mabuti ang pinto. Sumilip muna siya. Pero walang tao sa loob. Ang naroon lang ay ang laptop ni Vhendice na nasa ibabaw ng isang glass table. Nilakihan niya ang awang ng pintuan at pumasok. Nasaan kaya ang lalaki?

Walang kama sa loob ng silid. Ngunit may mahabang sofa sa isang sulok. Puno ng iba't ibang kagamitan. Mga musical instruments. Electric guitar, drum set, piano at bass guitar. May bookcases na puno ng libro. Mga sports equipment at body-building tools. Sa isang bahagi ng silid, sa dingding na salamin na may lamat ay nakasabit ang iba't ibang high-powered guns na tila ginawang decorations.

Nilapitan niya ang table. Umandar na naman ang pagka-curious niya. Sinilip niya ang laptop. Ano kayang mayroon doon? Gusto niyang malaman kung anong ini-imbistigahan ni Vhendice. Kinalikot niya ang laptop.

COMMANDERS' GUILD


Code no: 01-11AB

Code Name: Hheven

Division: Alpha/ Omega

Range: Supreme Commander

ID no: 01-11

Name: Athrun Larrañaga Andromida

Field: Chairman - Andromida Conglomerate


Code no: 02-22 AB

Code Name: Gabrylle

Division: Alpha

Range: Division Commander- Information Control

ID no: 02-22

Name: Gabrylle Villaranda Andromida

Field: President- Villaranda Monarch


Code no: 03-33AB

Code name: Big Boss

Division: Omega

Range: Division Commander- Mission Control

ID no: 03-33

Name: Vladimir Cuellam Andromida

Field: President- Cuellam Component


Code name: 04-44AB

Code name: King

Division: Alpha

Range: Commander- Guardian Square

ID no: 04-44

Name: Rheeva Ragenei Andromida

Field: King, Afro Regenei Tribe


Code no: 05-55AB

Code name: Haydees

Division: Omega

Range: Commander- Reapers' Guild

ID no: 05-55

Name: Vhendice Queruben Andromida

Field: Deputy Chairman- Andromida Conglomerate

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon