Chapter 34

2.9K 166 12
                                    

SHANRA REALTY. Ang real real estate company kungsaan consultant si Ray ang sunod na pinagdalhan ni Safhire kay Athrun. Mula sa parking area ay matatanaw ang high-rise building at ang aroganteng tower kungsaan nakaukit ang mga gintong litra na SHANRA REALTY.

"Shanra? Sounds familiar to me," wika ni Athrun habang nakapako ang asul na mga mata sa tower. "One of the biggest real estate companies in the country I suppose. Still, there's something." Hinugot ng binata ang cellphone at may tinawagan. Ang secretary general ng Andromida Conglomerate. "Athrun here, I'd like you to check the latest accredited companies for the unification, the real estate especially," utos nito.

Napasulyap si Safhire kina Jrex at Airey. Nagtatanong ang mga mata ng dalaga pero parehong nagkibit-balikat lamang ang dalawa. Wala ring ideya ang mga ito.

"Are you sure about that?" tanong ni Athrun sa kausap. "No, nothing. That's just a clarification. Thanks, see you soon." Ibinaba nito ang cellphone.

"May problema?" tanong niya sa binata.

Umiling ito. "Sigurado kang nagtrabaho sa kompanyang iyan si Ray?"

"Consultant nga siya."

"Shanra Realty is the latest real estate company that the Andromida Conglomerate accredited for the unification."

"Anong ibig sabihin niyon?"

"That means, the Andromida Conglomerate is the major shareholder of Shanra Realty."

"Sa madaling salita, property ng Andromida ang kompanyang iyan." Singit ni Jrex.

Maang si Safhire at hindi nakahuma. Pero sinabi ni Athrun na nangako noon si Ray na hindi kailanman magtatrabaho sa kahit anong kompanya ng Andromida Conglomerate. Wala na nga sigurong ibang mapuntahan ang lalaki kaya pumasok ito sa Shanra Realty kahit labag sa kalooban nito.

"I think there's no need for you to go there. You can summon the president of the company to meet you at your office when we get back." Airey suggested.

"No," umiling si Athrun. "Nandito na rin lang tayo."

Nilandas nila ang isa sa mga covered hallway patungong main entrance ng building. Kaagad silang hinarang ng dalawang gwardiya para i-check. Kinapkapan ng mga ito sina Athrun at Airey. Kinakabahang tumingin siya kay Jrex. Alam niyang nagdadala ito ng kargada. Nakita niya kanina bago sila umalis ng condo. Naalarma siya nang bumulong ang isang guwardiya sa kasama nito. Ngunit bago pa nakapagsalita ang mga ito para sitahin si Jrex ay una ng nag-abot ng identification card ang lalaki.

JAN REXUR R. ANDROMIDA

U.N. SPECIAL FORCES COMMANDER

UNITED NATION PEACE-MAKING FORCE, PHILIPPINE BASE

Nalaglag ang panga ni Safhire kahit pasulyap lamang niyang nabasa ang nasa I.D. Ang mga guwardiya ay nataranta.

"Sir! Sorry po! Hindi po namin alam... Sorry po..." hindi magkandaugaga sa paghingi ng tawad ang mga ito.

"Okay lang, I can understand," sabi ni Jrex na bahagyang ngumiti. "You're just doing your job."

"Pasensya na kayo. SOP po kasi dito."

"I know."

Nakahinga ng maluwag si Safhire. Bawal magdala ng anumang baril o patalim sa loob pero pumayag ang mga ito na dalhin ni Jrex ang service gun lalo na ng ipaliwanag ng lalaki na bodyguard ito ni Athrun.

They've entered the censored glass door of the very intimidating reception area. Tumuloy sila sa desk ng receptionist na nakangiti ng matamis sa kanila habang papalapit. Hindi ito ang receptionist na madalas niyang madatnan at mapagtanungan noon tuwing pinupuntahan niya si Ray. Bago siguro ito.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon