Chapter 23

3.2K 163 10
                                    

MAY kausap sa telepono si Zedrick nang pumasok si Ray. His father gestured for him to sit down on the couch and wait. Tumango siya at tinungo ang mahabang corner sofa.

Limang minuto pa at natapos din ang pakikipag-usap ng Papa niya sa kliyente. Agad itong bumaling sa kanya.

"You wanna discuss something?" tanong nito.

"Yeah," tumayo siya.

"Must be very important that it had to bring you here. You hated this place if memory serves."

"I'll do what you want. But in one condition." Lumapit siya sa desk at dinampot ang picture frame na naglalaman ng picture nilang tatlo nina Athrun at Shannon.

"Name it." Naniningkit ang mga mata ni Zedrick. He knew his father never ever liked to be manipulated by stupid conditions.

"Let me marry Shannon when she grew up. Ibigay mo siya sa akin," he declared.

"You're crazy," napapailing na sabi ni Zedrick.

"You know me. Hindi ko gagawin ang gusto mo kung wala akong mapapala." Nakipagsukatan siya sa ama. Hindi niya mabasa kung anong nasa isip nito ng mga sandaling iyon. Kahit ang emosyon na bumalong sa mga mata nito ay hindi niya matukoy. His father is an eccentric man. He is a very difficult person to deal with.

"Guess crazy blood ran through this family," sabi nito kasabay ng buntong-hininga. He plunged on his swivel chair as a sign of submission. "She's yours, Rayden." He finally obliged and dismissed him.

"Thank you, Papa."

Lumabas siya ng opisina at nakipagtagisan ng matalim na titig kina Vhendice at Ghaile na naghihintay doon. Isinama niya ang dalawa at iniwan sa labas. Sinadya niyang huwag isarang mabuti ang pinto nang pumasok siya kanina para marinig ng mga ito ang sasabihin niya sa kanyang ama.

"What's with the deadly stare, hotshots?" He's grinning sarcastically at them. Daring them. Are they going to punch him? Looks like they want to. This is just getting interesting.

"Why are you doing this to your brother?" Si Vhendice ang naglakas-loob na magtanong.

"Doing what?"

"Taking the princess to be your bride."

" Why? Any problem with that?"

" Masasaktan si Athrun."

" I know." Parang may sumuntok sa dibdib niya habang iniisip ang kapatid. Pero hindi na siya pwedeng umatras. He made a deal to his father and he should keep his end of the bargain. "Let's go." Binawi niya ang paningin at humakbang.

"Hindi ka namin hahayaang saktan siya." Nagsalita si Ghaile habang humahabol sa kanya.

Huminto siya at nilingon ito. "Do you think you have the balls to stop me? You're talking to Rayden Andromida, boy. I am the person you don't want to trifle with."

HABANG nasa hospital si Athrun, si Shannon ay araw-araw na nag-eensayo sa pangangabayo. May invitational tournament na parating at nangungulit na sumali ang dalagita. Pinagbibigyan na rin ito ni Ray. Gusto niyang masulit nito at ma-enjoy ang mga natitirang araw kahit papaano, bago sila bumalik ng America.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon