Chapter 41

2.9K 173 19
                                    

VILLAMANOR

WALA sa loob ng kwarto si Safhire nang pumasok si Leih pero dinig ng binata mula sa loob ng banyo ang maingay na buhos ng shower. Naupo siya sa mahabang sofa at naghintay. Hindi pumayag ang dalaga na roon mag-stay sa mansion. Mas pinili nitong dito manatili sa villa pansamantala. Lumipas ang mahigit thirty minutes ngunit hindi pa rin lumabas ng banyo si Safhire. Another fifthteen minutes and still no sign of her coming out.

Tumayo si Leih. Tinungo ang pinto na bahagyang nakabukas. "Saf! Safhire! Are you there?" Walang sumagot. "I'm going in, Safhire," aniya at pumasok.

Tumambad sa kanya sa loob ang dalaga na nakahandusay sa tapat ng walang tigil na buhos ng tubig sa dutsa. Maagap na sinaklolohan ito ng lalaki at buong pag-iingat na pinangko palabas ng banyo. Napaungol ito at kung ilang ulit na kumislot na tila nasasaktan. She hasn't lost consciousness but she's burning with fever. Her half-naked body was trembling.

Banayad na ibinaba ito ni Leih sa kama at binalot ng makapal na comforter. "You will be alright. You have to." Buong pagsuyong hinaplos niya ang pisngi ng dalaga na namumula dahil sa nag-aapoy nitong lagnat. Kinapa ng binata ang kanyang phone at tumawag ng ambulansya sa pinakamalapit na hospital. "Hang in there, Saf. Help is coming." He whispered and pressed a tender kiss on her forehead.

Kumislot si Safhire na nangangatog dahil sa lamig sa kabila ng comforter na nakabalot dito.

CHRYSANTHEMUM MANSION

Hinatid ni Athrun si Lora hanggang sa may porch sa labas ng mansion. Mauuna sa kanya ang dalaga sa Sky Garden at doon na maghihintay para sa engrandeng engagement nila mamayang gabi. Nandoon na rin at nag-aabang ang mag-aasikaso rito.

"Time to go now." Banayad na pinisil niya ang kamay nito. "I'll see you later at the party."

Tumango ang dalaga. Nakangiti ng matamis at namumula ang pisngi. She closed her eyes as a sign of submission for his kiss before going. Hinapit niya ito at binigyan ng banayad na halik sa labi.

"I love you, chairman. I can't wait to see you again this evening." She confessed.

He could just smile slightly. Tinawag niya ang kanyang mga bodyguards. Five of them were ordered to bring Lora safely to Sky Garden.

"You take care of her." He instructed before sending them away.

Umusad ang sasakyan. Pumihit si Athrun at bumalik sa loob ng bahay. Maagang nagpaalam sa kanya kanina si Ghaile. Kahit walang sinabi kung saan ito pupunta, may kutob siyang kay Safhire ang destinasyon nito. Siya man ay nag-aalala rin. Pero hindi napilit ni Ghaile ang dalaga na rdoon na muna manatili sa mansion. Mas pinili nitong tumuloy sa villa kasama si Leih. Pakiramdam niya ay iniiwasan nitong makausap siya.

"Chairman," isa sa mga maid ng mansion ang lumapit dala ang cordless telephone. "Para po sa inyo. Captain Benjie Castillo raw."

Benjie Castillo...He must be Ray's best friend. Bianca's younger brother.

Kinuha niya ang telepono. At humakbang patungong drawing room.

"Athrun here."

"Chairman, this is Captain Benjie Castillo of the UN Peace-making force. We haven't met before in person," sumagot ang lalaking nasa kabilang linya.

"Yes, I'm sure we haven't. So, what can I do for you, captain?"

"Well, I just happen to know your elder brother. In fact, I consider him my-"

"Best friend?"

"Yes. He is. The only best friend I've got."

"I see."

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon