Chapter 38

2.8K 155 19
                                    

SA PALAGAY ni Safhire ay nag-aalala rin si Vhendice sa posibleng mangyayari kung iiwan siya nitong mag-isa kasama si Jenni May Amores kaya nang dumating si Rheeva ay nagpasya ang binata na samahan na muna sila roon sa villa. Habang si Rheeva ay nagpaalam na sasaglit ng Chrysanthemum mansion para makipagkita sa chairman.

Tahimik lamang sa biyahe ang dalaga at namamangha sa kapaligiran ng Edena. Ngayon lamang siya nagkaroon ng pagkakataong mapag-aralan ang capital at mamalas ng malinaw kung anong mayroon dito. Ang buong lugar ay nagmistulang maze dahil sa mga matatayog na gusali. Mahirap paniwalaang bawat tamaan ng kanyang paningin ay sakop ng Andromida Conglomerate main headquarters. Lalo tuloy siyang naiintriga kung anong mayroon at pwedeng makita sa kaloob-looban ng Andromida Conglomerate headquarters. Gusto niyang makapasok, kung maaari lamang sana. Pero dama niyang off-limits sa mga katulad niya ang buong premises.

"Enjoying the view over there?" Inagaw ni Vhendice ang kanyang atensiyon. Ito ang nasa likod ng manibela at nagmamaneho. Katabi nito si Jenni May. Kanina lamang ay may pinag-uusapan ang dalawa tungkol sa nalalapit na kasal ng mga ito.

Tumingin siya sa rear view mirror. Nagtama ang mga mata nila ng lalaki na nakatingin sa kanya mula roon. Lumingon sa kanya si Jenni May. Mabilis niyang binawi ang mga mata at tipid na nginitian ang singer.

"Is this your first time coming here in Edena?" tanong nito.

Tumango siya. "The aura of power and wealth in this place is overwhelming." Komento niya.

"You're right. This is the impenetrable kingdom of the Andromidas. You can feel their domineering presence everywhere in this place."

Lihim siyang sumasang-ayon sa sinabi ng babae. The aura of the Andromidas is something that it's almost scary. Muli niyang ibinaling sa labas ng bintana ng sasakyan ang paningin habang sina Vhendice at Jenni May ay nagbukas ng bagong mapag-uusapan at siyempre sa pagitan lamang ng mga ito. Hindi siya kasali. Didma na lang din siya at muli ay nilibang ang sarili sa mga tanawin. Isang Ferrari Enzo ang napansin niyang mabilis na humabol sa kanila mula sa likuran. Nag-over take iyon at nang makahanap ng tiyempo ay saka humarang sa daraanan nila.

Umingit ang brake na mariing tinapakan ni Vhendice at napamura ang lalaki. "Shit, what's he up to now?" Sa tono nito ay halatang kilala nito ang sinumang nasa loob ng sasakyang humarang sa kanila at malamang napansin na nito iyon kanina pa. Nagtanggal ng seatbelt si Vhendice at bumaba ng sasakyan.

Natanaw ni Safhire na may bumaba rin mula sa nakaharang na Ferrari Enzo. It was Leih for crying out loud! Ano na namang kalokohan ang pumasok sa utak nito? Humakbang ito papalapit sa kanila. Binuksan niya ang bintana ng sasakyan sa kanyang tapat. Binati siya nito ng bahagyang ngiti bago ito bumaling kay Vhendice.

"I'll take Safhire with me to Sky Garden," pahayag nito.

"Hindi ba dapat nasa misyon ka? Why are you here?"Hindi pinansin ni Vhendice ang sinabi nito.

"Mission accomplished, commander." The artist retorted. "I just came back."

"I see, and why would you bring Safhire to Sky Garden?" Usisa ni Vhendice rito.

"That would be none of your damn business."

"Will you stop this silly game? She's not going anywhere with you."

"I won't let you steal her away. She is my girl." Deklarasyon ni Leih.

Nagulantang si Safhire sa narinig at kinilabutan sa biglang pag-angat ng tensiyon sa pagitan ng dalawang lalaki. Anong nagyayari? Did Leih just claimed her as his girl?

"Give me a break. When did she become your girl?" Narinig niyang wika ni Vhendice sa nanunuyang tono. At iniharang nito ang sarili sa pinto sa tapat niya.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon