Chapter 59

3.6K 147 5
                                    

"CHAIRMAN, we're all set," narinig ni Athrun na sabi ni Rajive mula sa earphones na suot niya.

He relaxed and let out a subtle breath. "Kumusta sina Mang Danny at Nayumi?" tanong niya sa kapatid.

"Okay lang sila. Airey and Jrex were there to protect them." Kinuha nito ang cellphone. Swiped the air-instruction screen and showed him the photo of Mang Danny and Nayumi in the hospital.

Naisugod sa pagamutan ang mag-ama dahil may nagtangkang dukutin si Nayumi pag-uwi nito mula sa paaralan na pinagtuturuan. Si Mang Danny ang sumundo sa dalaga at nabaril habang nagmamaneho. Mabuti na lamang at ilang araw nang nakasubaybay si Jrex sa mga ito kaya natiyempuhan ang tangkang pagdukot.

Kasunod ng insidente ay natanggap niya ang pormal na imbitasyon mula sa elders ng mga Avila para sa isang mahalagang pagtitipon. This is the first time that the clan invited him to join the assembly outside the walls of Edena.

It was a clear trap. But they must have no other alternative in order to acquire the legacy ring of the clan from Safhire. They're cognizant of the fact that he would never gamble without his trump cards on board.

"Shannon?"

"She's safe. Wala pa siyang alam sa nangyari," si Vladimir ang sumagot.

He nodded, relieved. Inutos niya na huwag munang ipaalam kay Safhire ang nangyari sa mag-amang Danny at Nayumi. Mag-aalala lamang ang dalaga lalo na at pamilya nito ang may kagagawan. Bagama't alam niyang hindi rin nila maitatago iyon nang matagal.

"Let's begin the show, boys." Tumayo ang binata mula sa inuupuang swivel chair at sumenyas kina Vladimir at Alexial.

Sumunod sa kanya ang dalawa palabas ng opisina.

"Keep tabs on Ram and Raxiine." Sinulyapan niya si Alexial.

"On it," tango nito.

"Vlad, I need the hunters on their posts."

"Done," agap ni Vladimir.

Sumakay sila ng elevator paakyat sa rooftop ng building kungsaan naghihintay ang surveillance helicopter ng Nephilims. Gaganapin ang pagtitipon sa ancestral house ng mga Avila ayon sa nakasaad sa iimbitasyon.

"Nag-message si Ram," abiso ni Alexial, "nagtanong kung pinadalhan mo ng bulaklak si Safhire."

Umiling siya. "It's the Avila. Tell them to tighten the security. Kung tatanga-tanga sila, tatakasan sila ni Saf."

"Got it."

The Avilas going to two birds in one stone. How desperate they can be?

"Nasaan sila?"

"Nasa museleo, dumalaw sa mga puntod."

Tumango siya. Ilang saglit pa ay kausap na ni Alexial sa cellphone si Ramses at ni-relay ang kanyang utos. May mga pahabol na insructions din itong dinagdag galing kay Gabrylle.

Sinipat niya ang oras. Going down to eleven. Kailangang matapos na ito bago lumubog ang araw sa kanluran. Hindi niya hahayaang pagsapit ng dilim ay malaya pa rin ang mga taong iyon.

He should have been shut the Avilas down long time ago. Pinabayaan niyang tubuan ng pangil ang mga ito. Ngayon ay hindi lang siya ang maaring puntiryahin, kundi pati mga mahal niya sa buhay.

Ngunit hindi na siya muling magkakamali na pagbigyan pa ang mga ito. Itatapon niya sa likod ng rehas ang mga nararapat doon at hahawakan sa lalamunan ang matitira. Dapat noon pa niya ginawa iyon sa lahat ng nasa oposisyon.

PASULYAP-SULYAP si Safhire sa dalawang lalaki na kung makatunganga sa kanya ay parang nagbabantay ng karneng malapit nang mahulog. Halos ayaw man lang kumurap ng mga ito. Pati kunting galaw ng mga daliri niya ay napapansin. Kung ganito kahigpit ang dalawa, hindi siya makatatakas.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon