Chapter 2

7.8K 260 18
                                    

KINAHAPUNAN ay umuwi si Safhire para kumuha ng gamit. Habang pabalik ng mansion ay naisip ng dalaga na dumaan sa dalampasigan. Ni-record niya sa kanyang cellphone ang tunog ng mga along humahampas sa batuhan. Nagtungo rin siya sa isang pet shop at ni-record din ang awit ng mga ibon. Pati ang maiingay na tunog ng mga sasakyan sa lansangan.

"Traffic?" tanong ni Ghaile sa kanya.

Alam niyang natagalan siya. Maaring kinakalkula ng doctor ang oras na dapat siyang makabalik.

"May dinaanan lang ako."

" I see." Tumango ito at hindi na nag-usisa pa.

Iniwan siya ng lalaki sa loob ng ICU matapos ibigay sa kanya ang daily routine ni Sleeping Adonis na kailangan niyang sundin. Kinabukasan, pagkatapos ng agahan ay kinausap siyang muli ng doctor.

"I've done administering his medicine, all you need to do is monitor his vital signs and try to record the changes. I'll be in the hospital until two o'clock this afternoon. Keep me posted, okay?" He instructed and slipped out of the room.

Lumapit siya sa kama ng pasyente at naupo sa easy chair.

"Good morning, Sleepyhead! I have something nice for you to listen." Nilabas niya ang cellphone. Mula roon ay maririnig ang mga ni-record niya. Ang alon ng dagat na humahampas sa dalampasigan, ang awit ng mga ibon at ang maiingay na tunog ng mga sasakyan.

Sa kinaroroonan ni Athrun, nakadama ng pagod ang diwa ng binata dahil sa naririnig na ingay ng mga sasakyan. Ayaw niya sa ingay na iyon. Nakaka-stress. Para siyang nasa magulong lansangan at nakikipagsiksikan. Gusto niyang pakinggan iyong awit ng mga ibon at hampas ng mga alon.

Biglang nawala ang ingay. At muli ay nabalot ng tila walang hanggang katahimikan ang madilim niyang mundo. Maya-maya nagsalita ang babae. The same woman. Dati, parang napakalayo nito. Ngunit ngayon ay papalapit na ng papalapit. Her voice is gentle, like an angel's whisper. Then suddenly he hears her singing.

Kiss me sweet, I'm sleeping in silence

All alone in ice and snow

In my dreams, I'm calling your name

You are my love

In your eyes, I searched for my memory

Lost in vain so far in the scenery

Hold me tight and whisper again and again

We'll never be apart

If you could touch my feather softly

I give you my love...

Mabilis na lumipas ang isang linggo. Nakadama ng lungkot si Safhire. She will miss Sleeping Adonis for sure. Marami siyang sinabi rito. Mga bagay na hindi niya masabi sa iba pero komportable siyang sabihin sa lalaking hanggang sa mga sandaling iyon ay nanatiling nakakulong sa sarili nitong mundo.

"Rachel will be here in a minute," sabi ni Ghaile. Nasa loob sila ng study room nito. "Thank you, Saf, for the job well done." May inabot na sobre sa kanya ang doctor. "Here, take this."

"Ano ito?" Kinuha niya ang sobre. Sinilip ang laman. Pera?

"A reward for the extra effort."

"Doctor..."

"I've seen your dedication. You took care of him as if he's one of your own family. Kung tutuusin, kulang pa ang halagang iyan. Walang katumbas na anuman ang pag-aalaga mo sa kanya."

"Pero, doc-"

"Safhire, that's just a gift."

"S-Salamat." Ang totoo, kailangan niya ng pera para sa kanyang mga plano. "Doc, pwede ba akong magpaalam sa pasyente bago ako umalis?"

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon