Chapter 3

6.2K 235 1
                                    

NAKATULOG muli sa biyahe si Safhire na ang laman ng isip ay si Haydees Andromida. Nang magising ang dalaga ay latag na ang dilim. Labis siyang nabaghan. Ganoon kalayo ang La Salvacion? Inabot na sila ng buong araw sa biyahe at gumagabi na ay hindi pa rin sila makarating-rating sa lugar gayong pakiramdam niya ay nasa dulo na yata sila ng mundo.

"Gising ka na pala. Tamang-tama," nagpreno si Vhendice at binagalan ang takbo ng sasakyan.

"Bakit?Malapit na ba tayo?" tanong niya.

"As a matter of fact, we're here." Itinabi nito ang sasakyan at may iniabot sa kanya.

"Ano ang mga ito?"

"Pass cards natin. Hindi tayo makapapasok kung wala ang mga iyan."

Pass cards? Naroon ang pangalan nilang dalawa ni Vhendice ngunit na-shock siya ng mabasa ang sa kanya. Mrs. Safhire Queruben? Over-night lang nabago na ang status niya? Pati apelyido!

"Wait, kailangan ba talaga ang mga ito?"

"SOP 'yan ng siyudad. Wala kang alam 'di ba? Kaya tumahimik ka na lang at sumunod."

Suplado! Grabe! Ganoon kahigpit ang lugar na iyon? Napailing na lamang siya.

Muling pinausad ni Vhendice ang sasakyan. Napaunat siya sa pagkakaupo nang matanaw di-kalayuan ang mala-higanteng portal gate.

NEPHILIMS CITY...WELCOME

Sa bungad ng gate ay hinarang agad sila ng limang security guards na armado ng matataas na kalibre ng baril at mga canine dogs.

"Show those passes," instruct ng agent sa kanya.

Ibinaba niya ang salamin sa bintana ng sasakyan at ibinigay ang passes sa guard na sumilip. Kinuha nito ang passes at tiningnan.

"Atty. Vhendice Queruben at Mrs.Safhire Queruben?"

"Yes," tango niya.

"Mag-asawa kayo?"

"Yes." Tumingin siya kay Vhendice. Saglit na nag-usap ang mga mata nila at nagkaintindihan. "We're here to spend our honeymoon." Baling niya muli sa guard. Duda siya kung convincing ang sinabi niya.

Ibinalik nito ang passes sa kanya. "We need to check your luggage," anito at senenyasan ang mga kasama. Tatlong guwardiya pa ang lumapit kasama ang mga canines. Binuksan ng mga ito ang pinto sa tapat ng backseat at pumasok ang aso. Sininghot ang mga bagahe. Nang matiyak na walang kahina-hinala sa mga gamit nila ay nag-thumbs up ang isang guwardiya.

"Okay na. Pwede na kayong tumuloy. Enjoy your stay."

"Salamat," aniyang nakahinga ng maluwag at itinaas na muli ang salamin ng bintana.

Pinausad ni Vhendice ang sasakyan. Nandito na rin sila sa wakas.

City of the fallen angels...

MULA sa floor to ceiling window ay pinagmamasdan ni Athrun ang maulap na kalangitan. Hindi niya makita ang buwan at mga bituin. Ayaw siyang pagbigyan ng mga ulap. Narinig ng binata ang pagbukas ng pinto ng silid at ang muling pagsara niyon.

"You should go to bed," sabi ni Ghaile. Inihawak ang isang kamay sa tinted na salamin ng bintana.

"Isn't it too early to sleep? Besides I've been sleeping for about five weeks you said," sagot ni Athrun. Sinulyapan ang doctor.

"You need a lot of rest, Athrun."

"Hmn."

"Naiinip ka ba?"

"Ghaile, where's the moon. I couldn't see it."

"Maulap kasi."

"Another storm is coming?"

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon