Chapter 54

3K 151 4
                                    

BUONG pagmamahal na pinagmamasdan ni Safhire si Athrun na nakikipag-usap kina Yam at Makki. Halatang namimiss nang husto ng binata ang dalawa.

"You're looking at him as if he is the only gorgeous man alive. Don't forget we're here too." Naalimpungatan siya nang nagsalita si Vhendice.

Paanong nakarating sa kanyang tabi ang lalaking ito nang hindi man lamang niya namamalayan?

"Congratulations for the job well done." Ang tinutukoy nito ay ang inquiry kanina.

"Thank you." Nagawa lang naman niya ng maayos iyon dahil matindi ang naging suportang natatanggap niya at laging pinalalakas nina Vladimir at Leih ang loob niya.

"You're amazing back there," pahayag nito. "But I have to be honest, kahit magaling ang ipinakita mo kanina at kahit na alam kong may potential ka, pero hindi kita ipapasa. Kung hahayaan kitang makapasok sa council para ko na ring sinakal ang sarili ko."

Ngumiti siya ng tipid. Alam niya ang ibig nitong sabihin. Gaya nga nang sinabi ni Leih, kapag nakapasok siya ng council, mahihirapan si Vhendice na ipaglaban ang nararamdaman nito para sa kanya. Samantalang mas magiging madali naman para kay Athrun na pakasalan siya.

"Okay lang, naintindihan ko. Inaasahan ko naman na hindi mo ako ipapasa kahit gagalingan ko. Sa simula pa lang tutol ka na sa pagpasok ko sa council. Don't worry, no hurt feelings." Sinulyapan niya si Athrun na nakatingin din sa kanila nang mga sandaling iyon. Bahagyang ngumiti sa kanya ang binata. Gumanti siya ng ngiti at kaway.

Ngunit iniharang ni Vhendice ang sarili para agawin ang atensiyon niya. "Tingin ka nang tingin sa kanya. Hindi lang siya ang guwapo rito. Nandito rin ako." Para itong batang nagmamaktol.

"Oo na, guwapo ka na." Nasa tono ng boses niyang kunyari ay napipilitan lang. Natutuwa siya sa mga ito. Outside the unbreakable walls of Edena, they're like naughty boys who wanted to play around. Iyon nga lang, siya naman ang napapagtripan.

"Something wrong?" tanong ni Athrun na lumapit sa kanila. Nakabuntot dito sina Yam at Makki.

"Wala naman." Umiling siya. Nginitian niya ng matamis ang tatlo.

"Doon tayo sa ibaba, maganda roon." Hinawakan siya ni Vhendice sa kamay at hinatak paalis.

Ngunit maagap na hinawakan din ni Athrun ang kabilang kamay niya. "Where are you taking her? It's dangerous down there, baka kung mapaano kayo."

"Don't tell me wala ka nang tiwala sa akin? Akong bahala sa kanya." Baling dito ni Vhendice at hinatak uli siya.

Ngunit ayaw siyang bitawan ni Athrun. Nadama na naman niya ang pag-angat ng tensiyon sa pagitan ng dalawa.

"Let go, chairman." Nagbabanta ang tinig ni Vhendice.

Ngunit ayaw siyang ibigay ni Athrun. "No, I won't. You're not taking her anywhere." Nagsimulang maghilahan ang dalawa sa kanya na parang mga batang nag-aagawan ng manika.

"Ano ba?" Naiiritang angil niya. "Gusto niyo ba akong mahati?" Naisip ba ng mga ito na nasasaktan na siya?

Kumawala siya sa pagkakahawak ng dalawang lalaki. Nang igala niya ang paningin ay lalo pa siyang nainis. Nakabungisngis ba naman lahat na para bang nanonood ng palabas na nakatatawa sa halip na mahabag sa kanya. Si Leih lang yata ang hindi. Wala sa sariling nakatanaw ito sa malayong bahagi ng dagat at hindi pinapansin ang nangyayari.

MABILIS na lumipas ang tatlong araw. Kahit tiwala si Safhire na naipasa niya ang inquiry ngunit kinakabahan pa rin siya. Hindi niya mapigilang mangamba dahil ang desisyon kung makapapasok siya sa council ay nananatiling nasa mga kamay pa rin ng bawat miyembro. Ang aptitude exam, ang iquiry at iba pang evaluation na pinagdadaanan niya ay para lamang suriin kung may kakayahan siyang gampanan ang tungkulin ng isang council member.

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon