Chapter 49

3.1K 151 6
                                    

ANGEL...

Binuksan ni Safhire ang mga mata kasunod ang pangingilid ng masaganang luha. Finally, a long, long dream has come to an end and she's back. Athrun's little princess.

Shannon.

Her.

Nagkaroon ba siya ng amnesia kaya nakalimutan niya ang lahat? Kung sino siya? Si Athrun? Kung ano at kung sino ito sa buhay niya?

Nagpatuloy sa pagbukal ang luha sa kanyang mga mata. Pilit niyang iginala sa buong paligid ang nanlalabong paningin. Everyone were there. Lyam, Ghaile, Leih, Rajive, Gabrylle, Rheeva, and of course...her angel, with his oriental blue eyes.

Athrun.

He's crying. Holding and kissing her hands gently in a split of seconds.

Ngumiti siya sa kabila ng mga luha. "Hello, everyone! I'm back..."

Relief is an understatement of what she saw in their faces. Sina Lyam at Ghaile ay kapwa pumikit na tila ba may pilit na pinipigilang huwag makawala sa mga mata. Si Rajive ay tumango at nagpakawala ng maluwag na paghinga. Habang sina Rheeva at Gabrylle ay kapwa ibinagsak pasandal sa dingding ang mga sarili na para bang nakaligtas sa parusang kamatayan.

"I'm glad." Nagsalita si Leih na nakaupo sa isang easy chair malapit sa kama. His voice is breaking and his eyes were misty.

"Welcome back, Saf," anas ni Athrun na sumubsob sa kanyang kamay na hawak-hawak nito. "I love you..."

"Have I made the chairman cry?" Pabiro niyang tukso rito.

"Saf..."

"I'm sorry..."

Umiling ang lalaki. "Don't ever do that again."

Oh Athrun...Kung pwede lamang niyang sabihin na agad dito na siya si Shannon. Pero nangangamba siyang baka hindi maniwala ang binata at isipin nitong gusto lamang niyang agawin ang katauhang nawala labing-dalawang taon na ang nakalipas.

PARIS, FRANCE

NAPATINGIN si Vhendice sa bumubukas na pinto ng VIP suite na tinutuluyan nilang dalawa ni Rayven sa sixty-ninth floor ng isang six-star hotel. Si Rayven ang pumasok. Tinunton nito ang bar at dinampot ang naroong champagne. Binuksan at nagsalin sa champagne glass. Maya-maya ay sinisilip nito ang bitbit na cellphone.

Bumangon siya at kinapa ang kaliwang balikat na nakabenda at manhid pa rin. Tinamaan iyon kahapon sa misyon nila. Napansin siya ng target niya at nagkabarilan sila ng harapan. Napatay niya ito pero nabigo siyang iwasan ang balang tumama sa kanyang balikat.

"Gusto mong uminom?" Lumapit sa kanya si Rayven at inalok siya ng champagne.

"Thanks," tinanggap niya ang iniabot nitong glass at lumagok ng dalawang shot.

"Nakausap ko si Gab. Huwag na raw muna tayong umuwi para makapagpahinga ka."

"Okay lang ako. Hindi naman seryoso ito."

"Mahaba ang biyahe pabalik. Anyway, may bad news ako. Natanggap ko ito pagkatapos ng misyon natin. It's about Safhire Magdalene."

Nahinto si Vhendice at agad bumadha sa mukha ang hindi maipintang pag-aalala. "May nangyari sa kanya?" Halos pigilan ng binata ang paghinga.

Tumango si Rayven. "She fell from the cottage stairs. Mukhang kritikal ang kondisyon. Hindi ko alam. Hindi ko na sila makausap ng matino. Kahit si Gab ay ayaw magsalita nang tanungin ko. I keep asking through SMS. But I got no reply until now. Siguro ayaw nilang mag-alala ka."

Bumaba siya ng kama at nagbihis. "Rayven, call the airport and get our plane ready. We're going back now."

Napailing si Rayven. "Kaya nga ba ayaw kong sabihin sa iyo. Pwede ba, bago mo isipin ang iba, isipin mo muna ang sarili mo."

NS 01: SLEEPING ADONIS  ✅(To Be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon