Ring na nang ring alarm clock ko pero hindi ko pa rin madilat mata ko, pa'no ba naman kasi bwiset na Asher text nang text nang hindi mapirmi tumawag na . Hinayaan ko lang magingay cellphone ko, parang pakiramdam ko anong oras na ako nakatulog kakaisip kanino niya nakuha number ko. Ayokong pumasok kaya lang may discussion kami kaya kahit antok na antok pinilit kong bumangonBinilisan ko nalang maligo at kumain sabay umalis ng bahay, wala naman sila mom and dad eh malamang nasa trabaho na yun, halos 'di na nga kami magka kitaan ng mga yun dito sa bahay e.
Nang makarating sa school ay nagmamadali na akong naglalakad nang marinig ko na may tumawag sa pangalan ko
"MARIE!" Self kalma, isang tao lang naman tumatawag sa'yo ng ganyan
Hindi ko pinansin si Asher, dire diretso akong naglakad kaya lang naabutan niya na ako
"Huy grabe ang snob naman, inisnob na nga sa texts pati ba naman sa personal?" Ang kulit, ang kulit kulit.
"Kanino mo nakuha number ko?" masungit ko na tanong sakanya
He shrugged " I have my ways"
"Whatever. Papasok na ako, wala ka bang klase? Pumasok ka na nga" pagtataboy ko sakanya
"Duh ang aga pa kaya"
"Sige na mauna na ako, may tatapusin pa ako eh " sabi ko sabay takbo
Pagkarating ko sa room ay nandun na si Deborah, ayun at nang aakusa nanaman tingin niya
"What?" Tanong ko pero umiling lang siya
Habang nag aantay sa prof ay nagbasa nalang ako ng libro, Ewan ko ba pero gustong gusto ko novels ni Nicholas Sparks, Tagos eh. Habang nagbabasa naramdaman kong nag vibrate cellphone ko
From : Unregistered number
"Sabay tayo lunch mamaya, wala akong kasabay eh. Daanan kita sa room niyo :-)" Hindi ko na alam gagawin ko sa'yo Asher!!!
"Sabi ko na nga ba eh" nagulat ako nang narinig ko si Deborah at naka dungaw na siya sa cellphone ko 'di ko alam pero nafu frustrate na ako sakanilang dalawa
"Ano nanaman?" napipikon kong tanong
"magka text pa kayo, tapos wala lang? Kwento naman jan" pangungulit niya sa'kin
Dahil di ko na kaya, kwinento ko nalang sakanya lahat, 'di ko alam sumasakit na ulo ko. Oo pogi si Asher , maganda yung ugali pero ewan ko ba. I can only see him as bestfriend.
"Hmmmm. Hayaan mo na ghorl baka naman nakikipag kaibigan lang talaga sa'yo atsaka sabi mo nga nice naman yung ugali. Eh anong mali? Tsaka swerte mo na nga eh Asher Adrian Fuentabella na yan ghorl"
Ewan ko pero bahala na, sasagot pa sana ako nang pumasok na prof namin. At dahil sa sobrang kalutangan ko 'di ko namalayan na nakatapos na kami sa taylong subject namin at break na
"Pascual, someone's looking for you outside" sigaw ng classmate ko sa'kin
Hayyyy ayan naaaaa
"MARIEEEE" Parang batang tawag sakin ni Asher paglabas kaya naman nakuha nanaman namin atensyon ng mga tao
"You're so energetic, ang hyper mo, ang ingay ingay mo pa" bungad ko sakanya
"Ewan ko ba, ang comfortable ko sa'yo knowing na kaya kong ipakita sa'yo yung side ko na gan'to. Tara na sa cafeteria, gutom na ako eh." Tapos hinimas niya pa yung tiyan niua na para bang gutom na gutom talaga
"Wait nga, iba tayo ng sched 'di ba? Pa'no ka nakasabay sa'kin mag lunch?"
"Tinapos ko kaagad ipapasa tapos nag paalam ako na mag ccr lang" natatawa niyang sabi sa'kin na akala mo wala lang sakanya
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews