Chapter XXVIII

10 0 0
                                    



"  I will reclaim you Athalhia. Hindi kita pagmamay ari pero gusto kitang angkinin, gusto kitang ipagdamot sa kahit na sino. Remember what I said last 3 year ago? That I like you? I told you it's fine if you can't love me back. Pero ngayon susugal na 'ko. It's now or never. Pagod na 'kong makita na nasasaktan ka dahil sa ibang tao dahil doble yung sakit na nararamdaman ko."

" Athalia, 'di kita minamadali. Kaya kitang antayin hanggang kailan, hanggang sa maging handa ka na ulit magmahal."

I sighed. Ilang buwan na mula nang mag usap kami ni Johaness, at totoo nga sabi niya, kasi araw araw ako nakaka tanggap ng handwritten letters sakanya atsaka isang tulips kada araw. Kalahati na nga ng kahon yung sulat nya sa'kin. Makaluma pero ma effort. Pero hindi siya nagpapakita sa'kin, kasi sabi niya gusto niya akong bigyan ng time. Kaya naman laging may delivery boy sa bahay para lang dalhin yung mga 'yun.

2 weeks before Deborah's wedding, at ang gaga talagang binilhan ako ng ticket pauwi ng Pilipinas para raw umuwi na ako! Kaya naman nag aayos ako ngayon dahil bukas yung date na nakalagay sa ticket ko. Gusto niya raw kasi one week kaming magkasama na kami lang dalawa bago siya ikasal.

Kinabukasan maaga akong pumunta sa airport, hindi na ako nagpahatid kanila kuya kasi kapag tinopak naman ako baka after ng kasal ni Deborah bumalik din ako ng New York.

Nang maupo ako seat number ko may lalaki dun kaya lang naka hoodie, mask atsaka sunglasses. Weird. I just shrugged and seated next to him.

Hindi ako makatulog sa byahe kaya naman nanood nalang ako, may Kdrama kasi akong tinatapos ngayon — Pinocchio. Nasa kalagitnaan ako ng panonood nang maramdaman ko na gumalaw yung katabi ko. Kaya naman napatingin ako  sakanya.

And what the hell?

" J-Johaness?!!?" I got shocked. He just smiled at me.

"Enjoy watching huh?" He grinned

"Wth are you doing here? Atsaka ikaw pala katabi ko ba't 'di ka nagsasalita diyan?!" He just shrugged

At dahil nga Si Johaness pala ang katabi ko, hindi ko na natuloy yung pinapanood ko dahil nag kwentuhan nalang kami sa buong byahe. And found out that this was all planned by Deborah! Sobrang daming pera ni gaga, pati ticket ni Johaness bayad niya. Arghhh yari talaga 'tong babae na 'to pagdating ko.

Nang mag land na kami sa Pilipinas, gusto ko nang bumaba kaagad, Si Johaness yung nag dala ng bagahe ko, kaya naman hand carry lang dala ko. Paglabas namin nakita kaagad namin sila Deborah na nag aantay sa'min. Ngiting ngiti ang gaga!

Paglapit ko kaagad sakanya, kinurot ko siya "Gaga ka! Yang mga plano mo ha nakakainis ka!" Wala namang ginawa ang gaga puro tawa lang.

Sa bahay kami dumiretso, at kasama pa namin si Johaness, wala namang problema dahil kilala naman siya ng parents ko dahil sa tagal din naming nagsama sa NewYork.

Sa buong araw si Deborah atsaka Johaness yung kausap ng parents ko, akala mo sila anak eh. Si Angelo naman, sabi ni Deborah kasama yung squad, hinahanap na nga raw ako ng mga 'yun eh. Namiss ko rin sila.

Dito na natulog si Deborah dahil bukas na kaagad yung alis namin, hindi ko alam kung saan kami magbabakasyon ne'to. After all, siya lahat nagplano.

A week passed by at tapos na yung bestfriend bonding namin ni Deborah, at ngayon, nandito kami sa simbahan na pagkakasalan nila ni Angelo, Bridesmaid ako ni Deborah sobrang ganda ng kaibigan ko sa suot niyang trahe de doba.

Hindi lang ako mapakali dahil si Asher yung Best Man ni Angelo — Hinanda ko naman yung sarili ko na makikita ko siya dito, kasi okay na ako. Pero alam niyo yung pakiramdam ng nanghihinayang ka dahil nawalan ka ng kaibigan? Ayun yung nararamdaman ko ngayon. Nakakapang hinayang na lahat ng napagsamahan namin biglang naging bula.

Beautiful Broken RulesWhere stories live. Discover now