Nang mga sumunod na araw nagulat ako nang makatanggap ng friend request kay Melanie, bwisit naman kasing Asher 'to, bakit niya kailangan mag comment ng mga ganun. Inaccept ko nalang yung friend request ni Melanie kasi alam ko naman sa sarili ko na wala akong ginagawang masama, I have no intentions na sirain sila, I know I have feelings for my bestfriend but I won't stoop down to that level, tanggap ko na mag bestfriends lang kami.Sa buong stay namin kanila kuya puro family bonding lang kami, though sa debut ko uuwi sila kuya sa pilipinas, hindi pwedeng hindi siya pupunta dahil magtatampo talaga ako sakanya.
New year's eve, at naka blue kaming lahat kasi ayun daw yung lucky color for the year. Nang 12am na sa pilipinas I greeted Deborah, Johaness and Asher. But instead na mag reply, ay tumawag si Asher.
"Happy New Year Marie!" Bungad niya sa'kin
"Happy new year, send my regards to tito and tita nalang." Sabi ko pero nagulat ako nang ibigay ni Asher kay tita yung phone "Asher!" Gulat kong sabi sakanya "kausapin mo muna sila Mom, may aayusin lang ako" he said at mabilis na umalis kaya wala akong choice kundi kausapin si tita " Happy New Year po tita!" Awkward ko na bati sakanya, kasi twice ko lang ata na meet in person si tita, she's 40years old pero hindi halata sa itsura niya, mukha silang mag ate ni Asher since sobrang magka mukha sila, yung kapatid kasi ni Asher yung kamukha ng daddy nila. Sobrang bait din ni tita, literally.
Nawala yung pagka awkward ko kay tita kasi pala kwento rin siya, no wonder kanino nagmana si Asher. Naputol lang yung kwentuhan namin ni tita nang bumalik na si Asher kaya naman kami naman yung nag usap ulit.
"Anong ginawa mo?" tanong ko sakanya
"Pumunta sa kusina atsaka kinausap si Daddy atsaka other relatives namin." Kaswal niya na sabi
Siguro kumain siya ulit kasama yung iba nilang kamag-anak, Kasi kung 'di niyo tatanungin, Matakaw 'to si Asher, sobra. Kaya nga minsan kapag magkasama kami niyan, never ako nagutom kasi yung bag niya akala mo ref sa sobrang daming pagkain.
"Hmmm. Okay" kasi wala akong ibang masabi sakanya
"Anong oras na diyan?" Tanong niya
" 11 pm palang " Nakarinig ako ng parang may fireworks kaya naman lumabas si Asher atsaka tinapat yung camera sa kalangitan na punong puno ng makukulay na paputok. Nang matapos 'yun pumasok na ulit siya sa loob at naupo sa couch
"Since iinom na kami mamaya ng fam. I want to greet you again. Marie, Happy new year, I'm glad because you became part of my year, and I'm looking forward for more years with you. Thankyou for staying with me kahit gan'to ugali ko. But I want you to know na, ikaw lang kasi yung taong kaya kong pakitaan ng gantong ugali ko, hindi ko alam pero nung kakakilala ko palang sa'yo, sabi ko gusto kong kaibiganin 'to. Sobrang komportable ko sa'yo. And don't mind me and Melanie, I promise you na kahit may Melanie na you'll remain as my bestfriend. Happy New Year!" Halos mapa nganga ako sa haba ng sinabi niya, at hindi niya pa ako binigyan ng pagkakataon na sumagot sakanya, pinatay niya kaagad yung tawag.
Asher, why are you doing this? Pero ayoko na mag grow pa lalo feelings ko sa'yo. I want to look at you like before, just my bestfriend.
Nang matapos na yung holiday, back to school na ulit kami for another sem. Hectic days nanaman, while Mom and Dad are busy preparing for my debut. Nang magkita nga kami ni Deborah, Asher, at Johaness. Akala mo sila yung nagbakasyon sa ibang bansa kasi sila yung maraming regalo na binigay sa'kin. Pero tuwang tuwa sila sa regalo ko, effort kaya ako mag hanap nun.
Ang bilis ng panahon, patapos na kaagad yung january, sa buong buwan na 'yun kami ni Deborah magkasama, tapos minsan naman sinasama ako ni Asher sakanila ni Melanie para raw hindi kami awkward towards each other, pero wala eh ilang pa rin ako. Sabi ko sakanya 'di ako sasama kapag 'di kasama si Deborah. So no choice siya kahit ayaw niya. Tsaka si Johaness naman, naging magkaibigan din kami, kahit laging masama tingin sakanya ni Asher hindi niya nalang pinapansin. Ininvite ko rin sila atsaka yung family nila sa debut ko kasi wala naman gaanong invited, family friend lang nila dad atsaka other relatives na nandito, halos lahat kasi sakanila nasa ibang bansa na.
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews