Chapter XXII

4 2 0
                                    



Pang apat na araw na ni Asher sa Cebu, puro calls lang ginagawa namin. Pero minsan nakaka tulugan ko siya, kasi sa sobrang pagod ko, minsan nasa OJT ako minsan naman nasa school ako. Nagka problema pa kaya naman na adjust yung graduation namin ng Katapusan ng May.

Kaya habang wala si Asher, Puro trabaho lang ginagawa ko. Nakausap ko rin si Jenicka na isang buwan lang daw dito si Johaness kasi may inaasikaso raw. Hindi ko na naitanong yung tungkol sa babae kasi ayoko na mangelan sa lovelife niya. Deserve niya rin naman na sumaya.

Pang anim na araw ni Asher sa Cebu, habang wala siya si manong naghahatid sundo sa'kin. Paglabas ko nagulat ako nang nasa harap ko si Asher, hindi ko alam kung inaantok ba ako o dahil sa pagod.

"Asher?" Nagtataka kong tawag sakanya

"I'm home." He said and hugged me "na settle namin kaagad yung site sa Cebu kaya nakauwi kami kaagad. Though, next week aalis na talaga kami kasi sisimulan nang gawin yung site." Nalungkot naman bigla ako kasi matatagalan din siyang nasa cebu kasi kailangan matapos nila 'yun

Night before his flight, ginanap yung engagement party namin. Tanging family, family friends, atsaka friends lang namin nandun. Invited din yung mga co- engineer ni Asher. Yung isa nga, sobrang ganda pag tinignan mo akala mo model hindi mo maiisip na engineer siya. Siya yung makaka partner ni Asher sa Cebu project, wala namang problema sa'kin kaso yung the way na tumingin siya kay Asher, ibang iba. Kaya naman hindi kami gaanong lumapit sa table nila, nung huli nalang. Nag inuman sila, kahit na sabi ko 'wag magpapaka lasing dahil maaga yung flight nila. After namin mag thankyou sakanila, umupo na rin ako sa table kung nasaan si Asher, kumbaga yung squad atsaka ibang co-engineer ni Asher magkakasama sa table since pare parehas naman silang engineer. Nakikinig lang kami sa kwentuhan nila, katabi ko si Asher pero yung nasa isang gilid niya ay yung Makaka partner niya sa Cebu. Nairita naman bigla ako dahil natapunan ng alak yung longsleeve ni Asher, hindi ko alam kung sinadya niya ba o aksidente talaga.

"Naku! Sorry, I'm sorry." Sabi niya habang pinupunasan si Asher

Tumayo naman bigla si Asher atsaka inalis yung kamay niya "It's okay. It's okay." Sabi niya habang tumatawa para talagang makita na okay lang sakanya

Nakatitig lang ako sakanila. Napatingin naman ako sa squad at nakatingin sila sa'kin kaya nag iwas ako ng tingin.

"CR lang ako. Asher, ayusin mo 'yang suot mo." Sabi ko atsaka tumalikod sakanila, hindi pa ako nakaka pasok ng Cr nang may humawak sa kamay ko, It was Asher.

"Love, Ba't ganyan mukha mo?" Tanong niya sa'kin "Si Angelica ba? Aksidente lang 'yun. 'Wag mo nang pansinin okay?" Sabi niya atsaka pinunasan yung mukha ko, umiiyak na pala ako.

"Nakaka frustrate yung kilos niya. Siya ba talaga makaka partner mo sa Project na 'yun? 'Di na pwedeng mag backout?" Tanong ko sakanya

"Sorry love pero hindi, naka pirma na ako ng kontrata. Atsaka big project din 'to sayang. Saglit lang naman ako dun okay? Just please trust mo on this." He said and kissed me.

I trust you, but I can't trust them.

Kinaumagahan, sumama ako na ihatid si Asher. Nang makarating kami sa airport nandun na mga kasama nila. Andun na rin yung Angelica na mukhang 'di angel.

"Tumawag ka sa'kin lagi ha? If you can go here in Manila please do it. I don't want to miss you so bad. I love you. Mag ingat ka dun ha? Yung mga bilin ko sayo." Tawa naman nang tawa si Asher kaya sinamaan ko siya ng tingin "I love you, My Engineer." I said and kissed him. Nang sila tita na kakausap kay Asher gumilid ako. Nakita ko pa na naka tingin sa'min si Angelica. Anong akala niya? Yayakapin ko rin siya? Tss kaplastikan. Mabait ako pero 'di ako tanga, alam ko kapag iba yung pakay ng isang tao. Sobrang Angelic ng mukha niya pero yung ugali niya hindi. Hindi ko alam, kaka kita ko lang sakanya pero inis na inis ako sakanya lalo na kapag naaalala ko yung nangyari kagabi.

"Bye na love. Check In na kami. Behave ka rin sa trabaho mo ah." He said "Like as if may makaka lapit pa sa'kin na iba ano? Anlaki kaya ng singsing na nasa daliri ko." Natatawa kong sabi

"Iloveyou, Marie."

Ang bilis ng araw, isang linggo na mula nang umalis pa cebu si Asher. Pero lagi kaming nagvi video call bago matulog. Minsan kasi, 'di ko maiwasan ma paranoid. Like, anong ginagawa niya 'dun? Lalo na kapag sumasagi sa isip ko si Angelica. Arghhh!

Akala ko hindi makaka uwi ng Manila si Asher pero sa buong isang Buwan twice siya umuwi ng Manila, na walang pasabi sa'kin kung uuwi siya kaya naman nabibigla talaga ako. Magdadalawang buwan na rin mula nang mag propose siya sa'kin. Next next month naman graduation ko na. Plano namin ni Asher, next year pa magpakasal o di kaya pag nag two years na kami.

Dahil sobrang busy na ni Asher, Naisip ko na pumunta ng Cebu since hindi ganun ka busy ngayon sa station. Nagpaalam din ako na aalis ako for two days .

Nang malaman ko yung exact place ng site na project nila, dumiretso kaagad ako dun, hindi alam ni Asher na pupunta ako kasi hindi rin naman kami nagkausap. Sila tita yung tinanong ko ng exact place ng site.

Lumapit ako sa guard kasi guarded yung buong site, " Hi, Is Engineer Fuentabella's here?" Tinanong naman kung sino ako

"Fiancé niya po." Bago ako pinapasok, pinasuot muna ako ng hard hat kasi delikado sa loob. Sinamahan din ako ni manong

Nang matanaw ko na si Asher, nandun sa likod niya si Angelica. Nakatitig sakanya. Sige lang, hanggang titig ka nalang naman eh, akin na iyan.

"Engineer, May naghahanap po sainyo." Sabi ni manong paglapit namin

Nagulat naman siya nang makita ako " L-love. What are you doing here?"

"Wala binibisita ka. Tsaka 'di rin naman ako masyadong busy kaya naisip ko na ako naman yung pupunta sa'yo." I said and smile at him, nakatingin naman sa'min si Angelica "Hi Engineer Angelica." I greeted her with sarcastic smile. And she just nodded

Tinapos muna ni Asher yung mga sinasabi niya atsaka niyaya yung mga kasamahan niya na kumain, at pinakilala ako sa mga kasamahan niya dun. Natutuwa naman ako kasi kapag sinasabi niya na Fiancé niya ako nagiiba timpla ng mukha ni Angelica.

"Engineer! Ang ganda naman ng mapapangasawa mo!" Sabi ng isang construction boy

Tumawa muna si Asher atsaka niloko sila "Huy akin na 'to! Hanap kayo ng sa inyo." Nagtawanan naman kaming lahat — maliban kay Angelica. Bitter.

Nang mag gabi na, dinala ako ni Asher sa kung saan siya tumutuloy. It was air conditioned room, simple lang yung ayos pero okay lang din. Nag punas na ako ng katawan, sumunod naman si Asher sa'kin nang pagtapos ko.

Pagkatapos niya, pinapatulog niya na ako at dun daw ako sa kama niya, at dun nalang daw siya sa sofa.

"Tabi nalang tayo, lagyan nalang natin ng unan sa gitna. Baka mahirapan ka matulog diyan eh, may trabaho ka pa bukas."

"No, it's okay. I'll sleep here." Sabi niya atsaka dumiretso sa sofa

"Asher please, dito ka nalang din. Mahihirapan ka matulog diyan." Pilit ko sakanya

Nakakahiya naman kasi, may trabaho pa siya bukas tapos sa sofa siya matutulog.

He sighed "Fine." Atsaka tumabi sa'kin

"Asher..."

"Hmmm."

"I love you. Okay? I trust you. I hope you'll never break my trust. Goodnight." I said and closed my eyes. Wala akong narinig na sagot muna sakanya. Naramdaman ko nalang na hinalikan niya ako sa noo.

Beautiful Broken RulesWhere stories live. Discover now