A/N Hi guys, I suggest you to listen "Di na mababawi" by spongecola while reading this chapter, It contains Asher's POV. Enjoy Reading!
ASHER
Unang kita ko palang kay Marie, hanggang sa makapartner ko siya sa activity,nararamdaman ko na sa sarili ko na, gusto kong kaibiganin 'tong babae 'to. She's so lovely, she really looks like an angel. Sobrang amo ng mukha niya. Sa totoo lang, kung ano anong pang eepal yung ginawa ko para lang kaibiganin niya ako, and I think it's effective.
Day passed by, lagi kaming magkasama, Sobrang sarap sa pakiramdam kapag naririnig ko siya na tumatawa. Ang sarap sa pakiramdam kapag masaya siya na ikaw yung dahilan ng saya niya. She doesn't deserve to be hurt, so I'll protect her as much as I could.
Nang malaman ko na may gustong manligaw sakanila, bago pa sila makalapit kay Marie, pinapalayo ko na kaagad sila. Ayokong masaktan si Marie nandahil lang sa kashitan nila. Kaya nang umingay sa campus na mag on kami, hindi nalang ako nagreklamo, para na rin walang lumapit sakanya.
Kaso ang gago kong tao, kasi yung mga bagay na ayaw kong iparamdam ng ibang tao kay Marie, ako pa mismo yung nagparanas sakaniya, I can see the pain in her eyes when I tell her about Melanie, I know I promised her that I will tell her everything but I keep it to her.
Ayoko lang naman na mainvolve siya kung ano mang magiging Issue sa'min ni Melanie. Kasi gusto ko siyang protektahan sa ibang tao. Nang malaman ko na kasali siya sa pageant, sobrang saya ko para sakanya. Not until I meet her partner for that pageant, I can see that he likes Marie, the way he stare at her, I knew it. Kaya naman gumagawa ako ng paraan para hindi sila lagi magsama. Kasi ayoko ngang masaktan si Marie. Nang kaming dalawa yung napiling Mr. and Ms. Photogenic sobrang parang pakiramdam ko sasabog yung puso ko sa sobrang saya. Nang mag 2nd runner sila, nakatitig lang ako kay Marie habang tinatanggap yung award nila, sobrang ganda ng mga ngiti niya. Proud na proud ako sakanya.
Her 18th birthday came, nag volunteer ako kay Deborah na ako yung kakanta bago siya pumasok sa loob. In that way, mapaparamdam ko sakanya na sobrang importante niya, kahit hindi ako kumakanta sa harap ng maraming tao, para sa ikasasaya ni Marie gagawin ko.
Kaso, nung isasayaw ko na siya as her last dance, iniwan ko siya sa harapan. Sobrang gago kong tao para gawin iyon sakanya pero hindi ko 'yun sinasadya. Hindi ko 'yun ginusto, natakot lang ako nang malaman ko yung nangyari kay Melanie, hindi kaya ng konsensya ko. Pero galit na galit din ako sa sarili ko nang maiwanan ko si Marie na mag isa sa harapan ng maraming tao, sa mismong espesyal na araw pa niya.
Pero nang malaman ko yung ginawa sa'kin ni Melanie, sobrang nasaktan ako. Ang sakit, sobrang sakit. Hindi ako nagsisi pasok at hindi ako nagrereply sa kahit na sino. Maski magulang ko walang magawa dahil nalaman nila yung ginawa ni Melanie sa'kin. I love her, but she just wasted my love for her. Until one day, nagulat ako nang nasa harapan ko si Marie, parang ang lungkot ng mukha niya, may masakit na salita nanaman akong nasabi sakanya. Sa loob loob ko minumura ko na yung sarili ko, hanggang sa talikuran niya ako at hindi na nilingon pa niya. Ang sakit pala kapag siya na yung tumalikod sa'kin, isipin ko palang na tatalikuran niya na ako habang buhay, hindi ko na kaya.
I gathered myself, napag pasyahan ko nang pumasok kinaumagahan para mag sorry ulit sakanya, fucking self. Naka ilang sorry na ako sakanya pero paulit ulit ko pa rin siyang nasasaktan. Kingina talaga. Handa na akong kausapin siya pero walang Marie na lumabas nung araw na 'yun. Tanging si Deborah lang yung nakita ko, na maski raw siya hindi alam kung nasaan si Marie, kaya pumunta ako sakanila, pero wala raw siya. Sobrang asar na asar ako sa sarili ko.
Kinabukasan pumasok ulit ako dahil baka nandun na si Marie pero maski anino niya hindi ko nakita. Tatawagan ko sana siya nang mabasa ko yung post ni Johaness sa timeline niya. Getwell soon? Ibig sabihin may sakit siya? Pa'no nalaman ni Johaness, magkausap ba sila? Nagkaka text ba sila? Kaya sa sobrang asar ko sinunggaban ko ng suntok si Johaness nang makita ko siya. Sinabi nang 'wag si Marie.
Sobrang saya ko nang maging okay kami ulit, bumalik kami sa dati, mas nadagdagan pa yung memories naming dalawa, andami naming lugar na napuntahan, mga favorite food stalls niya na nakainan naming dalawa. Not until one day, nakita ko si Melanie — Kasama yung ex niya, pinanagutan pala siya. At mukhang masaya sila. Sobrang laki na rin ng tiyan niya, naalala ko nanaman yung panggago niya sa'kin kaya naman imbes na maging okay na ako, dahil na rin na nangako ako kay Marie na aayusin ko na ulit yung sarili ko, mas naging gago pa ako. Naghanap ng ibang babae, nakipag date sa iba't ibang babae kada linggo.
Akala ko hindi malalaman ni Marie pero nagulat nalang ako isang araw na sobrang galit na galit siya sa'kin, pero gusto ko lang naman din sumaya katulad ng ex ko na magkaka anak na, gusto ko lang din naman magmahal. Pero tulad nga ng sinabi ni Marie hindi ko makukuha yung totoong kaligayahan kung gan'to gagawin ko, oo ang gago ng ginagawa ko pero eto lang yung paraan na alam ko para hindi ko maaalala yung panggago ni Melanie sa'kin. Nag away kami ni Marie dahil sa ginagawa ko, and again, nakapag bitaw nanaman ako ng masakit na salita sakanya. Hindi ko na talaga kilala yung sarili ko.
Balak kong bumawi kay Marie pero isang araw, nagulat nalang ako nang wala na siya sa school, hindi na siya pumapasok. Pumunta ako sa bahay nila pero wala raw silang lahat dun. Araw araw ako nagbabaka sakali na nandun na siya pero wala na talaga. Hindi na umuuwi dun si Marie, maski si Deborah ayaw magsabi kung alam niya ba kung nasaan si Marie. Para akong mababaliw, hinanap ko siya kahit saan pero wala talaga, pumunta ako sa mga lugar na pinupuntahan namin kasi baka nag uunwind lang siya pero wala talaga. Lumipas yung mga araw at buwan na wala akong Marie na makita.
Inisip ko na baka dahil sa nagawa ko, kaya siya umalis. Gabi gabi akong umiinom, sinisisi ko yung sarili ko. Kasi ang gago ko, si Marie na 'yun, yung taong laging umiintindi ng ugali ko kahit pa na gan'to ako ka gago, si Marie na kahit mag isip bata pa ako sa harap niya wala lang 'yun sakanya. Lumipas yung mga taon na wala talaga siya.
Parang pakiramdam ko iniwan na talaga ako ng lahat.... pero kasalanan ko rin naman. Isa akong malaking gago.
Hindi ko natigil yung pamamalit ko ng babae, umiinom ako gabi gabi. Minsan pa nga papasok ako naka inom ako. Pero natigil lang lahat 'yun nang malaman nila Mommy at Daddy yung ginagawa ko. Nalaman nila 'yun dahil may babae raw na umiyak sa harap nila at sinabi na nabuntis ko siya. Pa'no ako makakabuntis? Protected sex yung ginagawa ko palagi. Kaya nung panahong galit na galit si daddy at sinabi sa'kin 'yun natauhan ako, natakot ako na kung nabuntis ko nga talaga yung babae tapos bumalik si Marie ano nalang iisipin niya sa'kin,baka lalo siyang magalit sa'kin, kaya tumino ulit ako. Ayoko na kapag bumalik si Marie, madi disappoint nanaman siya sa'kin.
Pero isang araw, nakita ko nalang sa isang post na magkasama sila ni Johaness - sa mismong post ni Johaness. May comment pa nga 'dun yung buong pamilya ni Marie. Kitang kita mo yung saya sa mga ngiti ni Marie na para bang kuntento na siya sa buhay niya kung nasaaang bansa man siya. Habang ako, parang gago na hanap nang hanap sakanya, pero kasalanan ko naman 'di ba? Kasalanan ko lahat kung makakita man ng mas better na tao si Marie, kasi gago ako, sobrang bait niya. Gago akong kaibigan kasi ilang beses ko na siyang nasaktan dahil sa pagiging selfish ko. Pero hindi ko mapigilan masaktan sa nakita ko. Hindi ko alam kung hanggang kailan ko aantayin si Marie at manghingi ng tawad sakanya, ni hindi ko alam kung saang bansa sila ni Johaness nagpunta. Walang taong nagsasabi sa'kin kung nasaan siya.
ang tagal kong inisip at hinanap kung nasaan ka, pero masaya ka na pala kasama nang iba. pero kasalanan ko naman lahat 'di ba? Kaya aantayin kita, maka hingi lang ako nang tawad sa mga nagawa kong mali sa'yo.. bestfriend.
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews