Pag take off ng eroplano, gusto ko nang bumaba kaagad. Sobrang namiss ko yung Pilipinas. Nang makuha ko na yung bagahe ko lumabas na ako atsaka hinanap sila Daddy, sila kasi magsusundo sa'kin. Pero nagulat ako nang makita ko na kasama nila si Deborah, kumakaway pa sa'kin.Paglapit ko palang sakanila niyakap na kaagad ako ni Deborah "Babaita kaaaa!!! Lalo kang gumanda! Hiyang sa ibang bansa ha! Na-miss kita!!!" natatawa nalang kami nila Mommy sakanya, sanay na rin naman kami sa gan'tong ugali niya. Napaka clingy.
"Debs, enough na andito na 'ko oh." I said and she let me go
"Nakaka inis namiss talaga kita! Nasa'n yung pasalubong ko?" Tanong niya sa'kin
Iaabot ko sana sakanya yung bags na may mga pasalubong ko sakanya since naka hand carry lang naman 'yun"Gaga! Sabi ko sa'yo 'di ba gusto ko jowa yung pasalubong mo sa'kin!" Hinampas ko na siya
"Babaita ka! Wala nga akong naging kaibigan na lalaki dun! Sige na, kunin mo na 'to mabigat eh."
Habang nasa byahe kami pauwi sa bahay puro kwento ni Deborah yung maririnig sa loob ng sasakyan. Tahimik lang sila mommy pero halatang nakikinig sa kwento ni Deborah.
Pagkarating sa bahay, nagulat ako dahil may pa welcome home party sila, pero kami kami lang din nandun atsaka yung mga maid namin. Kaya kumain muna kaming magkakasama, at sinabi kay mommy na wala munang pagsasabihan na nandito na ako. Gusto ko kasi lalabas lang ako ng bahay kapag magpapa enroll na ulit since na process na nila mom yung papers ko ulit. Pagkatapos ng mini celebration, umakyat na kami ni Deborah, tinulungan niya naman ako mag ayos ng mga gamit ko.
Nasa gitna ako ng pag aayos ng mga gamit nang umilaw yung phone ko. FaceTime call mula kay Johaness, bakit gising pa 'to anong oras na dun sakanila.
"Hi." maikling bati niya
"Jgh. Bakit gising ka pa?" Tanong ko sakanya
"Just want to check you. Kaya inantay ko na makarating ka. I asked your kuya if naka uwi ka na kaya tinawag kita."
"Yeah, nagpa party pa kasi sila mom. Nandito rin si Deborah." I said then tinapat kay Deborah yung phone they greeted each other.
"Sige na, pahinga ka na anong oras na diyan. Magpapahinga na rin ako. Natagtag ako sa byahe." And then ended the call
Nag aayos na ulit ako nang maramdaman ko na naka titig sa'kin si Deborah
"What?" Tanong ko sakanya
"Nothing. Iniisip ko lang, antagal niyong magkasama ni Johaness 'no? Walang nabuong , ya know, feelings?" She asked"Wala. Pero siya meron. He confessed that he likes me. But I told him that I'm not yet ready. And I'm only seeing him as a friend. And he said it's fine with him. Alam mo minsan iniisip ko nga sana matutunan ko magustuhan si Johaness kasi alam mo 'yun. He's such a mature person. He'll understand you as long as he can understand you. Atsaka he's really fun to be with." Sagot ko sakanya
"Ikaw bahala, kung kanino o saan ka sasaya i will support you lang. Pero sana nga kayo magkatuluyan."
On that day, tulad ng dati nag sleep over sa'min si Deborah, lahat ng ginagawa namin kapag magkasama ginawa namin. Nang magpa enroll ako, si Deborah din yung kasama ko. Yung pinaka lesson sa friendship namin ne'to Alam mo 'yun, hindi mahalaga na marami kang kaibigan, kahit isa o dalawa lang 'yan pero kung makakasama mo naman thru thick and thin ayun yung totoong friendship.
Graduation day na ng batch nila Asher, walang nakaka alam na nandito na ako sa Pilipinas, maski sina Angelo hindi nila alam kaya naman ang ininvite nila ay si Deborah. Sabi ko kay Deborah pupunta kami sa school pero hindi kami magpapakita sakanila, sa celebration na.
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews