Our 6th monthsary came, hindi kami maka alis ni Asher kasi 'di kami pwede pareho dahil Christmas season na rin, at hindi rin kami pwede kasi marami nang ginagawa sa OJT ko, tapos siya may big project ngayon. Kaya sabi namin family dinner nalang. Kasama naming dalawa yung parents namin. So far okay naman since magkaka kilala na sila. The dinner went fine, nang matapos ay nagpaalam na kami dahil sabay sabay kami nila dad uuwi. Asher promised me na sa next monthsary namin, aalis kami ulit.Hindi rin ako makakasama mag Christmas vacation kanila kuya kasi may kailangan pa akong tapusin sa station namin, kaya nagtampo sa'kin si kuya. And I promised him na kapag natapos ko na OJT ko, pupunta ako dun. Si deborah naman, busy rin kaya madalang nalang kami nagkikita. Iba rin kasi yung inapplyan niya. Si Jenicka naman , sabi okay na raw kuya niya. Minsan talaga naguguilty ako for Johaness, but he told me na wala naman akong kasalanan, pero kahit na.
Kami naman ni Asher hangga't kaya naming isingit yung ibang gagawin namin, isisingit namin. Sobrang busy na kasi talaga namin ngayon, kaya minsan niya nalang ako nasusundo. Which is naiintindihan ko naman.
Christmas came, since nasa NYC sila mommy, ininvite nalang ako ng mommy ni Asher na sakanila mag Christmas. Tuwang tuwa naman si Asher kasi first Christmas namin 'to together. After Christmas, balik trabaho na ulit, sa new year naman kanila Asher pa rin ako mag cecelebrate.
Fuentabella's fam is really fun to be with, lalo na yung mommy ni Asher kasi makwela rin si tita. Nandito na ako ngayon sa bahay nila Asher. Sila naman nagpe prepare, tapos na rin kasi ako mag bake ng cookies kanina kaya naupo na muna ako. Ka video call ko lang sina Mommy.
5 4 3 2 1
" Happy New Year!!!!" We greeted each other, Nagulat naman ako nang hatakin ako ni Asher palabas ng bahay, sobrang ganda ng kalangitan dahil punong puno 'yun ng fireworks.
"Marie, thankyou for spending special days with me. Years may change but my love for you will never change. I promise to love you, and will stay by your side thru thick and thin. I love you, Marie." He said while staring at me
"I will love you too, forever. I won't leave you. I love you." He leaned on me, and kiss me on my lips. And it lasts for some minute. After that he kissed me on my forehead.
Nang makauwi sina mommy galing new york diretso trabaho na sila ulit. At ganun din naman kami ni Asher, since tinatapos ko na yung OJT ko kasi sa April graduation na namin. Si Asher naman hindi pa rin tapos sa big project niya since it was condominium.
Patapos na yung January, naalala ko na magbibirthday nanaman ako. sina mommy din nakalimutan ata dahil na rin sa trabaho, kasi hindi sila nagpaplano pero okay lang din sa'kin kasi wala naman akong balak na mag party. Masyado na akong matanda para dun.
Kapag hindi ako gaanong busy, binibisita ko si Asher sa site na, minsan hinahatiran ko ng pagkain.
Mismong birthday ko, sobrang busy sa station namin, andaming ginagawa kaya naman pagod na pagod ako kahit sa isip ko. Sabi rin ni Asher susunduin niya ako.
Nang paglabas ko nandun na si Asher, ganun pa rin suot niya magmula nang galing siya sa site pero ang pogi pa rin. Hindi nga naha haggard 'to eh
"Hi. Happy birthday love." He said and handed me the tulips bouquet.
"Thankyouuu. Iloveyou." Habang nasa byahe kami sabi ko kay Asher iidlip muna kami, kasi magdidinner daw muna kami ngayon. Sina mom naman tinatawagan ko pero hindi sumasagot. Nakalimutan ata talaga nila birthday ko. Maski greet wala eh.
"Love, andito na tayo." Nagising ako nang maramdaman ko na may tumatapik sa'kin
"Hmm. Mag aayos lang ako." At nag retouch muna ako nang matapos bago pumasok sa entrance sabi ni Asher iba blind fold niya ako. Anong pakana ne'to?
"Love, aakayin nalang kita okay." I just nodded at him
" I'll count from 1-3, then tatanggalin mo yung blind fold." I nodded again
Nang matapos niyang magbilang, tinanggal ko na yung blind fold ko at nagulat na nandun yung buong pamilya ko atsaka ni Asher, maski sila kuya nandun! Anong meron?
"Happy Birthday, Love. Sabi mo ayaw mo ng bonggang celebration but take this as my gift to you. And sana kahit hindi ko birthday, regalo mo na sa'kin 'to" he sighed " Athalhia Marie Pascual, since the day I saw you, sabi ko sa sarili ko na gusto kong maging parte ng buhay mo. Nagpapansin ako sa'yo hanggang sa kaibiganin mo 'ko, peto ayos lang kasi It's all worth it. Hanggang sa lumalim yung pagkakaibigan natin, ayoko nang may ibang lumalapit sa'yo kaya naman lahat ng gustong lumapit sa'yo hinaharang ko. I'm sorry for the past things that I ever did to you, I regretted everything. Nang panahong nawala ka, natakot ako, kasi sabi ko hindi ka pa pwedeng mawala dahil 'di mo pa nalalaman yung nararamdaman ko sa'yo. Yung gago kong binuhay inayos ko, kasi sabi ko gusto ko kapag balik mo maipagmamalaki mo na ako, hindi na disappointments yung madadatnan mo. Akala ko hindi ka na babalik, hanggang sa isang araw, nakita kita ulit. Sabi ko sa sarili ko, hindi na ako papayag na mawala ka sa'kin. " he said while kneeling infront of me atsaka may kinuha sa bulsa niya "Marie, Will you Marry me?" Nagulat naman ako, Yung singsing katulad ng singsing na regalo niya sa'kin nang 18th birthday ko , mas malaki lang yung bato neto ngayon.
Nang 'di ako maka sagot dahil sa gulat, kinabahan naman bigla si Asher, magsasalita pa sana siya ulit nang sumagot ako "Yes, Asher Adrian Fuentabella I will marry you." I said while wiping my tears.
Tumayo siya kaagad atsaka sinuot yung singsing sa ring finger ko, dalawang singsing na nandito. Pagkatapos nun niyakap niya ako, napatingin naman ako sa mga tao na nasa restaurant. Family and friend namin yung nandito, Even Deborah is here! Planado pala talaga 'to .
Habang kumakain puro congratulate sila sa'min ni Asher, si Asher naman magmula kumain nakangiti na.
I really love this guy, I can't see myself being this happy without him.
Days after Asher's proposal , I saw Johaness at mall, lalapitan ko sana siya kaya lang biglang may lumapit na babae sakanya, It wasn't Jenicka kasi kilala ko katawan niya. But this girl's not familiar to me. Hindi ko nalang pinansin kasi baka girlfriend niya, pero kelan pa siya nandito?
After mag propose ni Asher, nag plano sila mommy ng Engagement party para sa aming dalawa. Though, I've no problem with that. Since sila nila tita yung aayos naman daw.
Nang ihatid ko sa airport si Asher kasi may trip sila sa cebu kasi may titignan silang site dun since tapos na yung condominium na project niya. Eto naman yung bagong project niya. Wala namang problema sa'kin kasi may tiwala naman ako sakanya na trabaho lang ginagawa niya. At busy din naman ako dahil patapos na OJT ko at completion nalang for graduation.
"Iloveyou, Asher. Take care okay? Seeyou after 1 week. Ingat ka." I said and kissed him
"Iloveyou too, wait for me okay? Thankyou for trusting me, Love."
I trust you, Asher. So, please don't ever break my trust for you.
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews