Nagising ako nang dahil sa phone ko na kanina pa ring nang ring , sino ba naman tatawag sa'kin ng ganto ka aga? Arg. 5am palang nga ata eh
"Hello?" hindi na ko nag abala tignan kung sino yung tumatawag dahil sobrang antok pa ako
"Goodmorning, Marie!!"
"Asher? Ba't ka napatawag ang aga aga pa"
"Haha sorry. Just want to tell you na wala raw tayong class today, so yayayain sana kita lumabas if okay lang sa'yo?"
"Ah talaga? Teka, saan naman?"
"Kahit saan, pwede naman EK kung ayos lang sa'yo."
"Sige, papaalam lang ako kina dad. Pwede bang mamaya na? Maaga pa naman eh antok pa ako kasi talaga" inaantok ko na sabi, nakapikit pa nga mata ko habang kausap siya kasi hindi ko kayang idilat mata ko
"Haha! Sigeee, sorry sa istorbo. Seeyou later!"
Hindi ko alam saan kinukuha ni Asher yung energy niya, sobrang taas eh. Kahit napaka aga pa ang hyper na, samantalang ako eto antok na antok!
"Hmm" I said as I ended the call
Nang masatisfy na ako sa tulog ko ay bumangon na ako atsaka diretso naligo, pagkababa ko sa sala ay nagulat ako nang makita ko si Asher
"Hey, pa'no mo nalaman san ako nakatira? Atsaka anong ginagawa mo dito?" Nagtataka na tanong ko sakanya
He shrugged "Connections, tsaka remember niyaya kita lumabas? Tsaka pinapasok na rin ako ng mommy mo, nakita niya ako kanina sa labas eh. Kaso umalis na sabihin ko nalang daw sa'yo. Pinagpaalam na rin kita"
"So kanina ka pa dito? Bakit 'di mo nalang ako pinagising kay manang. Nakakahiya naman nag antay ka pa. "
"Nah, it's okay. Breakfast ka muna then ganyan ka lang ba? Or mag aayos ka pa? I'll wait. Promise nood lang ako dito"
"Okay. Feel at home "
Kahit naman 'di ko sabihin talagang feel at home siya, pagka baba ko nga prenteng prente yung upo eh.
Nang handaan ako ni manang ng pagkain binilisan ko nalang kumain dahil baka nababaliw na si Asher doon sa sala, pagkatapos ay nagbihis ako saglit, pagkababa ko nandun pa rin siya sa pwesto niya, ngunit napatayo nang nakita ako. Simpleng romper lang naman suot ko tsaka flats atsaka light make up, kasi hindi naman ako gaanong pala ayos talaga.
"Pretty" amused na sabi ni Asher
"Ang bola ha. Tara na nga" He just nodded at sumunod sa'kin palabas
Infairness, ang ganda ng sasakyan niya,Porsche Taycan 4S parang nakaka takot nga sumakay eh. Parang anytime magagasgasan mo.
" Nice car" bati ko sa sasakyan niya
"Nice rin may ari eh" hangin.
I just rolled my eyes , ang hangin neto.
Nang bumyahe na kami ay kung ano anong kalokohan naman ni Asher nung high school kinukwento niya sa'kin
"Alam mo ba, dati badtrip ako sa kaklase ko lagi kasi akong sinusumbong kay ma'am na natutulog ako eh sa dulo na nga ako nakaupo para hindi ako makita, eh one time badtrip nun si ma'am, nung nahuli ako, pinaglinis ako ng room na advisory niya , knowing na mataas nga tuition para 'di ka maglinis. Sa inis ko nun sa nagsumbong sakin nilagyan ko ng bubblegum upuan niya eh. Syempre ako maang maangan lang. pero deep inside natatawa na talaga ako"
"Hahahahaha ang loko mo!! "
" Ewan ko ba, hindi naman ako loko loko talaga eh. 'Di ako mahilig sa kalokohan kaso nung time na yun nainis ako. Tapos 'di ko na rin inulit yung pag tulog ko sa room. Kasi natatakot ako sa kalokohan kasi disiplinado talaga kami nila Mom and Dad, atsaka ayoko rin naman mag loko rin sa babae kasi may babae ako na kapatid, alam mo yun? Isipin ko palang na sila yung nakakaranas naiinis na ako. "
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews