Chapter X

8 3 0
                                    


Pagka gising ko nakahanda na yung hapag, nang makumpleto kami nagsimula na kaming kumain, pinagpa planuhan yung mga gagawin since Christmas eve na mamaya. Plano namin na pag pumunta ng mall iiiwan nalang si baby Nikkolo sa nanny niya para makasama si Ate Jullien, hindi naman kasi pwedeng ilabas labas si Nikkolo kasi masyado pa siyang baby.

Pagkatapos namin kumain, nag bunutan pa muna kami kung sino yung bibigyan namin ng regalo. antagal namin bago maka alis kasi si ate Jullien andami talagang bilin sa nanny, well I understand ate kasi mahirap naman talaga na iwanan yung anak mo sa iba lalo na kapag bata pa. Pero mapagkakatiwalaan naman yun since bagong kasal pa lang nila kuya nagta trabaho na siya sakanila.

Pagkarating namin sa mall, naghiwa hiwalay kami habang namili kasi nga kung magkakasama kami edi hindi na surprise yung gifts. Sa parking nalang kami magkikita kita mamaya. Since si ate Jullien yung nabunot ko, pinili ko nalang na bilhin si ate ng bag since 'di naman siya mapili sa gamit, mas mayaman pa nga si ate kesa sa'min. Pumunta ako sa LV store, I roam around para makapili ako kasi lahat magaganda. Pinili ko nalang yung LV Teeny-tiny sling bags,Ang ganda niya sobra. Nang mabayaran ko na pina gift wrap ko na rin siya atsaka dumiretso Infant station, gusto ko kasi bilhan si Nikkolo ng damit kahit 'di kailangan, as a gift lang. Pagtapos ko mamili, pumunta na ako sa parking para makauwi na kami dahil magpe prepare pa para mamaya.

Pagkarating ko ng parking lot nandun na sila, kaya napagpasyahan na namin umuwi. Nang makauwi kami, sabi ko kina kuya papasok muna ako sa kwarto, okay lang naman daw kasi sila na magpe prepare. Tinatawagan ko si deborah dahil sa sobrang boring, pero hindi niya sinasagot. Baka magkakasama na sila ng pamilya niya. Kaya naman nag scroll nalang ako sa newsfeed ko, nakita ko na may naka tagged photos kay Asher, that was the photos during celebration night. It was him and Melanie. Pagkatapos nun hindi na ako nag Facebook at lumabas nalang para laruin si Nikkolo, na tumatawa nang paglabas ko. Napaka pogi ng bata na 'to, sana 'wag siyang magpa iyak kapag laki.

Niyaya ako ni ate mag bake kaya sumama ako sakanya sa kitchen, tbh, si ate kasi nagturo sa'kin mag bake nung mag boyfriend pala sila ni kuya, kaya naging hobby ko na rin. Nang maka fifty cupcakes kami ni ate sabi ko sakanya papasok na muna ako sa loob, ilang oras nalang christmas na sa pilipinas.

Pag check ko ng phone ko andaming missed calls sa'kin ni Asher, anong problema nito? Since, wala akong magawa nagreply nalang ako sakanya.

"Hey, was kinda busy. Why are you calling?"  Reply ko sakanya, nagulat ako nang ilang minuto lang tumatawag na ulit siya kaya sinagot ko nalang.

"Hi, Bestfriend! Missyou, 'di mo 'ko pinapansin eh. Hru?" Bungad niya sa'kin

"I'm fine here. Ikaw diyan?" Ghad ang awkward parang feeling ko isang salita lang magkakamali ako nang bigkas sakanya.

"Okay lang din, pero sayang kasi first Christmas sana natin 'to kaso wala ka. Haha. Gusto ko pa naman sana mag celebrate with you. Diyan din ba kayo mag nenew year?"

"Yes, January pa kami babalik nila mommy diyan. Atsaka baliw, Okay lang 'yun, Nanjan naman si Melanie kaya anong masama? You should be happy."

"Wala. Syempre iba naman kayo ni Melanie eh, ikaw bestfriend ko tapos nauna kita makilala. Syempre, 'di naman pwedeng kalimutan kita dahil sa ibang tao." Sabi niya na akala mo ibang tao talaga si Melanie sakanya

"Sus, sinasabi mo lang 'yan ngayon kasi 'di pa kayo tumatagal atsaka wala pang issues na nangyayari. But trust me, darating sa punto na baka magselos 'yan sa'kin tapos you have no choice kundi kumeep distance sa'kin." Mahaba kong sabi sakanya

"Grabe ka naman mag - isip. 'Di mangyayari 'yan 'no." Maikli niyang sagot sa'kin

"Whatever. Ikaw bahala, sige na tinatawag ako nila mommy." Alibi ko sakanya "Advance Merry Christmas, Asherot."

"Okay. Will call you again later, Marie." He said and ended the call

Anong trip nun at tatawag mamaya? Bakit hindi si Melanie kausapin niya? Ganun naman kasi diba, during Christmas eve kung 'di kayo magkasama ng partner niyi mag celebrate all you have to do is to call each other bago sumalubong. Gusto ko sana makausap si Deborah kaya lang baka busy siya sa family nila, baka mamatay matay na 'yun dun sa pinsan niyang crush kuno niyo. Mygoodness Deborah!

Lumabas ako at nakita na nagma marinade na ng pork , sabi ko naman ako nalang mag gi grill nun since wala akong ginagawa, sa garden kasi kami mamaya bago mag 12am dito then after that sa loob kami mag eexchange gift and family picture. Sabi ko rin kina dad mag roroast ako ng marshmallow. After an hour, mag aayos na ako nang may tumawag sa'kin

Asherot calling....  Here we go again.

When I answered his call, nag request pa siya na iallow yung video.

"Merry Christmas bestfriend! Wishing for more Christmas with you. Send my greetings to  your whole fam." Bakas sa mukha niya yung saya habang nagsasalita

I smiled at him " Merry Christmas,too! Send my regards to your fam. Too!" simpleng sagot ko sakanya

"Ang tumal ha, pero sige na mag ayos kana, just called to greet you. Bye bestfriend!" And he ended the call.

I sent a greetings to Deborah and her family, tapos nag ayos na rin ako. All of us should wear something red kasi ganun talaga kami lagi. Naligo muna ako atsaka naglagay ng light make up, I'm just wearing a simple red dress, and put some blushes and tint. Paglabas ko nagpicture muna kami. Then I asked Ate to took a picture of me. I am wearing Christmas hat.  Binuhat ko rin si Nikkolo at nagpa picture.

5
4
3
2
1
" Merry Christmas! " we greeted each other atsaka kumain na, and nag exchange gift. I accepted kuya's gift, It's a limited edition polaroid, eto talaga gusto kong polaroid matagal na! After celebrating for an hour, nagpahinga na kami. Bago ako matulog, pinost ko muna yung solo pic ko with caption "Baby, all I want for Christmas is you" then separated post yung pictures namin ni Nikkolo.

Pagkatapos ko mag linis ng katawan, tunog nang tunog yung phone ko dahil sa notifs.

Asher Adrian Fuentabella : My Bestfriend! 😛

Johaness luke Miller : Merry Christmas, Athalhia. Enjoy your holidays!💗

Deboraj Borja : May pa Baby, all i want for Christmas is you. Nakow! 😂🥵

Sa picture naman namin ni Nikkolo may comments din sila

Johaness luke Miller : Cutie Babies!🤪
Nakita ko pa na nag angry react si Asher sa comment ni Johaness. Tsk.
Asher Adrian Fuentabella : My Babies! 🤫🥰

Deborah Borja : Looking for Daddy!😆

Pinag pyestahan tuloy yung comments nila Asher. Akala mo naman din kasi wala siyang girlfriend, hinahanapan niya ako ng sakit ng ulo! Imbes na madali nalang sa'kin 'to!

My commentators as always!

Beautiful Broken RulesWhere stories live. Discover now