"Marie, I'm so sorry for ditching you last time. I didn't mean to do that to you, you know that I can't leave you like that. You're important to me, I'll explain everything to you, when I see you." Basa kong text ni Asher sa'kin, hindi ko nalang nireplyan, iknow naman na 'di niya ko iiwan nung time na 'yun dahil lang na gusto niya. Pero sila mommy, nagalit kay Asher, kuya even asked me kung sino 'yun. Nang ikwento nila Mommy na Bestfriend ko 'yun nagulat pa si kuya kasi ever since alam niyang 'di ako malapit sa lalaki. Sa mga pinsan ko lang, pero sa iba hindi talaga.Sinabi ko nalang kina mommy na 'wag na magalit kay asher kasi panigurado may rason naman siya. Siguraduhin lang daw ni Asher na acceptable yung rason niya.
Lumipas yung mga araw na walang Asher na nagpapakita, kapag breaktime laging sumasabay sa'min sila Angelo kahit na minsan 15 minutes nalang na magkakasama kami, sabi rin nila na wala rin daw si Melanie, hindi rin pumapasok. Nakakatawa lang, sinasabi ni Asher na ako unang pag sasabihan niya kapag may problema siya pero bakit ngayon nangangapa ako sakanya? Worried lang naman ako as bestfriend niya, hindi dahil sa may feelings ako sakanya. Nireplyan ko rin naman siya sa text niya pero wala na 'kong natanggap kasunod dun. Siguro nga, aantayin ko nalang na maging okay siya, kung ano man problema niya.
Bumalik ako sa sarili ko nang naramdaman ko na kinakalabit ako ni Deborah "bakit?" Tanong ko sakanya "Ghorl, sabi ni Angelo aalis na raw sila. Hindi na nagpaalam sa'yo tulala ka eh, Tapos sabi niya itry mo raw puntahan si Asher sakanila. Ang tagal niya nang absent, mamaya hindi na normal nangyayari sakanya." Napaisip ako sa sinabi ni Deborah, bakit nga ba 'di sumagi sa isip ko 'yun. Alam ko naman yung bahay nila.
Nang matapos ang klase namin, nagmamadali ako na umalis hindi ko na naantay si Deborah, alam niya naman saan ako pupunta. Tinuro ko kay manong yung bahay nila Asher, pagkarating namin bumaba kaagad ako ng sasakyan. Doorbell ako nang doorbell pero wala parin nagbubukas ng gate nila. Paalis na sana ako nang bumukas 'yun at bumungad sa'kin si Asher. He looks like mess, anong nangyari dito?
"M-Marie, What are you doing here?" Gulat niyang tanong sa'kin
"What's happening to you? Bakit 'di ka pumapasok?" pilit ko na pinapakalma boses ko
"Nothing." Sagot niya sa'kin at nag-iwas ng tingin. Napikon naman ako sa sagot niya.
"Nothing? Tignan mo nga iyang sarili mo, parang hindi na ikaw yung Asher na kilala ko, ano bang ginagawa mo sa buhay mo? Tinatanong kita nagsisinungaling ka pa sa'kin. Of all people, ako pa pagsisinungalingan mo? Asher, kaibigan mo'ko, kahit maliit na bagay alam ko sa'yo. Ano? Hindi mo sasabihin sa'kin?" Mahaba kong sabi sakanya, napaawang naman yung labi niya, minsan ko lang kasi mapakita yung ganitong ugali sakanya, kasi kapag 'di kami okay, siya palagi nagfifirst move para maging okay kami. Pero ngayon, sobrang iba.
"Marie, Hindi ko kayang sabihin ngayon. Please bigyan mo naman muna ako ng oras para mag-isip. Atsaka hindi naman kailangan lahat alam mo tungkol sa'kin." Nabigla ako sa sinabi niya, para akong namanhid nang marinig ko 'yun sakanya.
"Fine. Sorry, sorry kasi umeepal ako sa'yo, gusto ko lang ipa alala sa'yo na may mga kaibigan kang nag aalala sa'yo, hindi lang ako pati sina Angelo. Kaya sana hangga't kaya ka pang unawain ng mga kaibigan mo magsabi kana, kasi mahirap kung pati kami mapagod sa'yo, gusto lang namin malaman kung okay ka ba o hindi, para alam namin kung kaya ka ba naming tulungan o hindi." Tuloy tuloy na sabi ko sakanya at saka siya tinalikuran bago pa bumagsak yung mga luha ko nagbabadyang lumabas. Narinig ko pa siya na tinawag yung pangalan ko.
Pagdating sa bahay hindi na ako kumain, wala rin naman sina Mommy at Daddy dahil busy na ulit sila sa trabaho nila. Okay lang naman din sa'kin dahil andami nilang pending na trabaho dahil sa mga inattendan nila na contest ko atsaka nung debut ko. Tsaka okay na rin 'yun, walang makaka alam na may nangyayari sa'kin ngayon. Nagbilin na rin ako sa mga katulong na kapag may naghanap sa'kin sabihin na wala ako. Dahil sa pagod nakatulog ako kaagad, nang magising ako ng mga bandang 12am sobrang bigat ng katawan ko, mukhang tinatrangkaso pa ako. Dahil na rin siguro sa pagod sa mga nakalipas na araw.
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews