Chapter XXIV

11 1 0
                                    



Bandang 4am nang makarating na kami, nag cab nalang kami ni Simoun at hinatid ako sa bahay.

"Simoun, thankyou ha. I really owe you a lot. 'Wag mo na rin muna sasabihin kay Asher na nagpunta tayo sa Cebu ha? Ikukwento ko lahat sa'yo kapag kaya ko na. Ingat ka." He just nodded, nang pag akyat ko sa bahay, naglagay ako ng gamit sa doufel bag ko. Atsaka kinuha yung susi ng sasakyan ko.

Pumunta ako ng tagaytay, nag hotel nalang ako at 'di ko pinuntahan yung hotel na lagi kong pinupuntahan. Ibang hotel yung tinuluyan ko. Buti nalang may 5 days pa bago graduation ko. Hindi na ako umattend sa mga practice, alam ko naman yung pwesto ko.

Nang buksan ko yung cellphone ko, puro missed calls ni Deborah. Even Simoun asked me again if I'm okay. Pero wala akong nireplyan ni isa sakanila. Pinatay ko nalang ulit yung cellphone ko. I can't talk to them right night. Hindi ko alam pero 'di ko pa kaya.  I want Asher to stay in my life, that's why I need to think. Gusto kong murahin yung sarili ko kasi kahit na ganun na yung nagawa sa'kin ni Asher, Mahal ko pa rin siya. Gusto ko pa rin siyang pakasalan. Tanga ba ko? Siguro nga. Pero anong magagawa ko? Mahal ko siya. At nangako ako sakanya na mananatili ako sakanya.

Bumaba ako ng hotel at naka Robe lang ako, kasi naka two piece lang ako sa loob ne'to. I just want to unwind, Parang feeling ko drain na drain yung pagkatao ko.

Nang tanggalin ko yung robe ko, at naka two piece nalang ako, andaming mata na nakasunod sa'kin. Pero suot ko pa rin yung singsing ko, na binigay ni Asher nang mag propose siya. Kasi, kahit na nagawa niya sa'kin yun, hindi ko iniisip na i off yung kasal namin.

Pagkatapos ko umiyak sa dagat, kinuha ko ulit yung robe ko atsaka naupo sa tabing dagat. Naalala ko nanaman tuloy yung sinabi ni Mang toper sa'kin. I sighed.

" Mam , medjo matagal na rin 'yun. Akala naman namin kaya ganun lang sila dahil nga magka trabaho sila."

"Andami pong nakaka pansin nun Mam pero hindi kami makapag salita dahil boss pa rin namin sila."

"Pero Mam, Si Ma'am Angelica po talaga, lapit nang lapit kay Sir. Hindi ko po alam bakit nagpa tukso si Sir sakanya."

" Balak po na umuwi ng Manila ni Sir nung isang linggo, pero hindi po namin alam bakit 'di siya natuloy."

" Nagulat po ako kanina nang pagkatapos namin mag celebrate ng birthday ni pilo, pumasok si Ma'am Angelica sa tinutuluyan ni Sir. Kaya hindi po ako umuwi kaagad kasi binabantayan ko sila. Syempre Mam iniisip din kita. Ikaw yung mapapangasawa niya, pero ibang babae yung kasama niya."

Iyak ako nang iyak nang maalala ko nanaman 'yun. Hindi ko maisip na nagawa ni Asher 'yun. Nang mapagod ako kakaiyak, bumalik nalang ako sa room ko atsaka nagpa deliver nalang ng makakain.

Puro kain, tulog, iyak lang ginawa ko, nilabas ko lahat ng sakit ng nararamdaman ko pero wala, masakit pa rin talaga. Nang pabalik na ako ng Manila andami kong text at tawag mula sakanila — Even kay Asher meron.

From : Debs

Ghorl, hinahanap ka ni Asher sa'kin nasaan ka ba? May nangyari ba?

From : Simoun

Athalhia, Where are you? Asher's asking us kung nasaan ka raw ba. Hindi ko alam nangyayari sainyo pero hindi ko sinabi na pinuntahan mo siya sa Cebu. I know something happened that time, 'wag mo sarilin okay? Just tell us.

From : Asherot

Love, where are you? Sorry for not responding to your calls and messages. I was just busy. Uuwi ako the day before your graduation.

That was 2days ago. Napatawa ako ng mapakla. Busy? Sa trabaho niya ba o sa ibang tao? Hindi ko alam. Andami kong text message na natanggap kay Asher, yung iba galit na galit siya.

Beautiful Broken RulesWhere stories live. Discover now