Chapter XXVI

10 1 0
                                    



"Ghorl, dito na ako sa reception area, baba ka na." Text ni Deborah sa'kin kaya naman naghilamos muna ako atsaka naglagay ng make up para matakpan yung namamaga kong mata

Paglabas ko ng pinto, nandun si Asher, nakaupo. Na para bang inaantay akong lumabas. Hindi ko siya pinansin at naglakad na papunta ng elevator, naramdaman ko naman na sumusunod siya.

"Marie, I'm really sorry."  He said and hugged me from the back

"Asher. Let me go please. Ikaw nag decide ne'to, sariling kagustuhan mo 'to. Sabi ko naman sa'yo naka depende ako sa'yo, ngayon na ayaw mo na sakin then so be it. Ayoko na, kasi ubos na ubos na ako. Tama na please." Atsaka inalis yung kamay niya sa'kin

"Sa'n ka pupunta? 'Wag ka muna umalis, palipasin mo muna 'to tapos ibabalik kita bukas sa bahay niyo kapag may araw na."

" I don't want to stay here anymore, Deborah's here to fetch me. If you want to stay here, then stay. I'll go home. I can't stay here knowing you're here. 'Di ko pa kaya yung sakit."

Iniwasan ko siya atsaka dumiretso sa elevator, bago pa siya makapasok sumara na 'to. Kahit gusto kong 'wag umiyak. 'Di ko mapigilan yung luha ko. Ang sakit, ang sakit sakit. Sana 'di ko nalang sinugal yung friendship namin ni Asher. Sana nakuntento nalang ako sa kung anong meron sa'min.

"Huy, Athalhia! Gaga ka bakit ka umiiyak?" Natataranta niyang tanong nang makita ako , niyakap ko lang siya   " Ano bang nangyari? Ba't ganyan itsura mo? Magkasama kayo ni Asher dito 'di ba? Nasa'n siya?" Hindi ako sumagot  tanging iyak lang yung naisagot ko sakanya. Antagal namin sa ganung pwesto, nang mahimasmasan ako pumasok na kami sa sasakyan niya. I told her na 'wag niya muna akong iuuwi sa bahay, dahil nandun sila Mommy. Kaya naman lumipat nalang kami ng hotel ni Deborah. Nandito pa rin kami sa Pangasinan.

Kwinento ko lahat kay Deborah yung nangyari, magmula sa hindi namin pag uusap, hanggang sa usapan namin kanina. Yung mukha ni Deborah hindi na maipinta.

"Eh siraulo pala 'yan si Asher eh! Ang kapal ng mukha na gawin sa'yo 'yun! Nagpropose propose pa sa'yo tapos ganun gagawin. Bwiset." Inis na sabi niya

Kwinento ni Deborah sa'kin yung kung pa'no nagpa tulong si Asher sakanila para mag propose sa'kin. Nalaman ko rin na kaya maagang nag propose sa'kin si Asher dahil nalaman niyang bumalik si Johaness dito sa Pilipinas. Natakot siya na baka umalis nanaman ako at sumama kuno kay Johaness. kingina ang babaw.

Napapaisip tuloy ako, Nagpropose lang ba siya sa'kin kasi natatakot lang siya na baka mapunta ako sa iba? Nag propose lang ba siya sa'kin kasi ayaw niyang mawala ako sakanya? Iniisip ko tuloy kung minahal niya ba talaga ako. Iniwanan niya ako ng bagay na makakapag pa kwestyon sa sarili ko. Hindi ko lubos maisip na magagawa sa'kin ni Asher 'to.

Nag stay kami ni Deborah sa hotel na pinuntahan namin, sabi niya 'wag daw akong iiyak dahil sa ganun. Nabubwiset siya sa'kin kapag puro iyak ako sa harap niya pero yayakapin niya pa rin ako. Nag stay siya sa tabi ko ng dalawang araw, puro swimming lang yung ginawa naming dalawa. Uminom din kami — pero wine lang ako.

Nang makauwi sa bahay, natatakot ako, hindi ko alam kung pa'no sasabihin kanila Mommy yung nangyari. Ayokong magalit sila Kay Asher. Pagpasok ko, nandun silang dalawa ni Daddy sa sala. They looked worried. Because I really look a mess.

I hugged them both, and I sighed " Mom, Dad. Asher and I 's wedding is off. Hindi na po matutuloy yung kasal. Sorry po." I said and cried at them— Dad just hugged me.

" I already knew it anak. Asher came here yesterday and explained everything what he did to you, that kid. Sinira niya yung tiwala ko sakanya." Disappointed na sabi ni Daddy , tahimik lang si mommy sa gilid at nakatingin sa'kin. Parang pakiramdam ko awang awa ako sa sarili ko.

Beautiful Broken RulesWhere stories live. Discover now