Hindi ako nagreact, nakinig lang ako sa sinasabi niya."She cheated on me, Marie. I'm not the father of her baby, kasi wala namang nangyari between me and Melanie. I found out na yung ex niya yung ama, and she did cut her wrist kasi ayaw siyang panagutan, sabi niya.. sabi niya natatakot siya na baka iwanan ko siya." Nahihirapan niyang sabi
"Anong gagawin mo? Aakuin mo yung hindi sa'yo?" Kalmado kong tanong sakanya
"No, I love her but I love myself too. I broke up with her after knowing what she did to me. I really just can't accept it." naiiyak niyang sabi
Alam ko kasi si Melanie yung 1st girlfriend ni Asher. Tapos ganun pa 'yung ginawa sakanya. Ibang klase.
"Buti naman. Hindi mo deserve yung ganun, she needs to learn her lesson. You love her but she just wasted your love for her. And I'm sorry last time. I should have understand you."
"It's okay. And I'm sorry too,Marie. I'm scared na baka mawala ka rin sa'kin. Natatakot ako kasi ikaw nalang yung meron sa'kin."
Asher....
Puro sorry pa rin si Asher sa'kin, at sabi ko sakanya asikasuhin niya lang sarili niya, Okay na kami. And he said he will do that. Sana lang maging okay na siya, kasi kahit naman sabihin niyang okay siya, his actions are telling me otherwise.
Lumipas yung mga araw na naging busy kami dahil completion of requirements na, patapos na yung school year namin. Sa buong ibang buwan kami yung magkakasama nila Asher. So far okay naman siya, Si Melanie naman hindi na pumasok.
Hanggang sa matapos yung school year, sinulit namin ni Asher yung panahon na magkasama. Kapag wala kaming gaanong ginagawa niyayaya niya ako na pumunta kung saan saan. Nang gusto ko mag hiking pumunta kami ng Rizal, Niyaya niya naman ako mag tagaytay nang nag crave kaming dalawa sa bulalo, Sa Pangasinan nang magsimba kami sa Manaog Church kasi swerte yung simbahan na 'yun, once raw na mag wish ka sa simbahan na 'yun magkaka totoo raw. Puro road trip ginawa namin ni Asher, hindi naman nagagalit sila mommy kasi napatawad na nila si Asher nang nangyari sa debut ko. Kapag naman sobrang nagccrave ako sa mga favorite foods ko, kahit madaling araw pupunta si Asher sa'min para magdala ng pagkain sa'kin. Minsan nga kahit hanggang madaling araw magkausap kami. Minsan nga rin nagtataka na sila Mommy sa set up namin ni Asher, Kasi parang hindi raw bestfriends lang. Hindi ko alam pero parang pakiramdam ko imbes na mawala yung feelings ko sakanya, mas nadadagdagan pa.
Buong bakasyon, Nasa U.S ako kasi pinauwi ako ni Kuya sa bahay nila. Sabi nga nila Deborah nag set pa naman ng mga gala tapos wala pala ako.
Nang enrollment na magkakasama kami nila Asher atsaka ng squad, kahit pati pamimili ng mga school supplies kami magkakasama.
One month of being 2year college student went fine, wala naman gaanong problema.
Not until one day, I just woke up and everything is different. Magmula sa problema sa bahay hanggang kay Asher, Nalaman ko nalang na kung sino sinong babae yung dinedate niya, na umaasa sakanya. Kaya ang ending iniiyakan siya, Asher became typical playboy sa buong campus namin. Na maski ako, hindi alam kung bakit. Akala ko okay na siya? Bakit niya nagagawa 'to?
"Asher, let's talk." I told him without any hesitation kahit kakalabas niya lang ng room nila, dahil hindi na kami nagkikita kasi parati siyang busy sa mga nilalabas niyang babae
"What now, Marie?" Nakakapikon. Pati pakikitungo niya sa'kin nag iba.
"Ano yung nababalitaan ko? Ano bang ginagawa mo sa sarili mo ha? Akala ko ba okay ka na! Bakit ganyan!?" Napapasigaw nalang ako sa inis, pinagtitinginan na kaming dalawa
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews