Chapter IX

16 3 0
                                    


Buong araw akong tulog dahil naipon yung pagod ko sa ilang linggo na preparation namin para sa pageant, kaya pagka gising ko kumukulo na yung sikmura ko sa gutom, naligo na muna ako atsaka bumaba para kumain. Since, wala na kaming pasok kasi bago pa dumating yung pageant night nagpa finals yung dean namin. Nang nasa dining area ako nagulat ako dahil nandun si mommy at daddy, at hindi naka work attire. Nakaka gulat lang.

"Sweetheart, sakto kakain palang din kami ng daddy mo. Join us."  ani mommy

Nang maupo ako pinag silbihan ako ni mommy, at kumain na kami. Kung ano anong topic na napaguusapan namin nila Mommy.

"Anak, anong plano mo para sa 18th birthday mo? Almost 1 month nalang 'yun."

Napaisip ako at nagulat na Sa February na nga pala yung debut ko, masyado na akong busy sa buhay kaya nakalimutan ko na. Sinabi ko lang lahat kay mommy yung gusto ko para sa debut ko. Gusto ko kasi ng party pero yung event area may pool, so ang after party is pool party. Tapos puro friends lang sa after party. From motif to designs na nasa isip ko, binanggit ko kay mommy at hinayaan siya na ayusin nalang yung kulang. Tuwang tuwa naman si daddy dahil tumatanda na raw silang talaga, dahil dalaga na rin yung unica hija niya. Akala mo naman ikakasal ako eh.

Gusto ko sanang umalis kaso pagod pa ako kaya tinext ko nalang si Deborah para pumunta dito sa bahay. Nauna kasi siyang umuwi kahapon dahil may familly dinner sila kaya wala siyang alam sa nangyari nung celebration night.

Sabi niya after an hour nandito na siya kaya habang inaantay siya, nag bake nalang muna  ako ng cookies atsaka nag salang ng popcorn para may pagkain kami mamaya kapag nag movie marathon kami. Parehas kasi kami tumatapos ng Sex education sa netflix.

" I'M HOOOOOOME!!!!!" halos mapatalon ako nang may sumigaw mula sa front door

"Deborah! Ang ingay mo"

"Sus, etong maingay na 'to namimiss mo rin 'to! So, ano meron?"

"Wala. Boring eh, tsaka may ikukwento ako sa'yo, yung kagabi sa celebration party."

"Oh? Himala magkukwento ka?" Windang na saad ni Deborah

"Whatever, pero 'di ko alam kung magugulat ka pa ba sa kwento ko."

Nang umakyat kami, ako yung nag aayos ng pagkain si deborah naman yung nag ayos ng papanoorin namin.

"So, ano na nga nangyari ghorl?"

Kwinento ko lahat magmula sa umiinom yung boys tapos nung biglang announcement nila Asher sa relationship status nila Melanie, hanggang sa napag usapan namin ni asher bago ako umuwi.

"So sila na pala? Ano ba yan! Manok ko pa naman siya para sa'yo, tapos sila na pala? Pero ba't ganyan mukha mo? Mukha kang pinagbagsakan ng langit at lupa, may 'di ka sinasabi sa'kin 'no?" She said as she wiggle her eyebrows

"Wala! Syempre iniisip ko lang, hindi na katulad ng dati. Yung time namin ganun, halimbawa nalang kapag may emergency, siya yung naaasahan ko palagi. Ewan ko ba, naninibago lang yata ako. Kasi kahit naman nakukulitan ako dun dati nasanay na 'ko sa presensiya niya. Tsaka alam mo yun? Sabi niya sa'kin dati, kapag may nahanap na siya na babae ako una niyang sasabihin, turns out na ako pa huli niyang sinabihan, hindi ba siya nagtitiwala sa'kin?"

"Kung wala lang sa'yo bakit ka umiiyak?"

Napahawak ako sa mukha ko at basa nga ng luha, "Napuwing lang." saka ako nag iwas ng tingin

Pagkatapos ko mag open kay deborah tinuloy nalang namin manood, naka ilang episode na kami. Nang antukin ako, umidlip nalang muna ako at hinayaan na manood si Deborah.

Beautiful Broken RulesWhere stories live. Discover now