Chapter VII

9 6 0
                                    

Pagka gising ko nagulat ako kasi nasa loob ng kwarto ko si mommy, nakakapagtaka kasi nakakauwi sila ng bahay ngayon unlike before na siguro a week or a month sila bago makauwi dahil sa trabaho nila daddy.

"Mom, what are you doing here po?"

"Just checking you out sweetheart, nananaginip ka kasi kanina eh. But you just keep on calling Asher's name, may nangyari ba?" mabilis ako na nag iwas ng tingin sakanya

"Uhm wala naman po mommy, kausap ko po kasi si Asher kagabi bago matulog kaya siguro po nasama siya sa panaginip ko" alibi ko kay mommy "Ahh mom, since Saturday naman po ngayon, can i go to somewhere? Magpapasama nalang po ako kay manong, and will buy na rin po ng christmas dress ko"

"Sure , basta 'wag magpapa gabi okay? Update me rin"

"Yes mom"

Nang makalabas si mommy, nag ayos na rin ako mg sarili ko, Simpleng crop top and skinny jeans suot ko, nagdala nalang din ako ng leather jacket since plano ko na sa tagaytay pumunta, just want to unwind. Para naman before pageant , nasa wisyo ako. After ko mag breakfast, dumiretso na ako kay manong, at sinabi na sa tagaytay kami pupunta, Magallanes starbucks, ang ganda ng view dun sobra. Tsaka namimiss ko kumain ng bulalo.

Habang nasa byahe, nag online muna ako, hindi ko pinansin yung mga texts na pumapasok saakin, just keep on scrolling hanggang sa nakita ko na may naka tag kay Asher . that was him and his partner for pageant, both of them, smiling. I smiled bitterly and tell myself that I shoudl stop this. Nang nawalan na ako ng gana mag scroll, umidlip nalang muna ako , sabi ko kay manong gisingin nalang ako kapag nasa magallanes na kami.

At dahil weekend, hindi gaanong traffic one hour nga lang ata naging byahe namin ni manong, sabi ko sakanya sumama muna siya sa'kin sa loob para makuha niya yung food niya and pwede siya bumalik sa sasakyan or maglibot . Itetext ko nalang siya if gusto ko na umalis at sinunod niya naman.

I'm not into coffee kaya frappe nalang inorder ko atsaka red velvet cake since eto talaga pinaka paborito ko sa SB. I just took a picture of my foods and posted it on my ig , with a single caption of emoji. Habang kumakain, nagulat ako nang may comment sa fb ko. Eh wala naman akong pinost?

Asher Adrian Fuentabella : Saan ka? Daya 'di nagyaya

Deborah Borja : Solo flight ka ghorl?

Nakalimutan ko na connected nga pala ig ko sa fb ko, kaya kung ano pinopost ko sa ig direct to fb din. Hindi ko nalang pinansin yung comments nila. I came here to think. Kahit naiintindihan ko na sarili ko bakit ganito ako, I just couldn't accept it.

Nang tumagal ako sa SB sabi ko kay manong, punta kami sa favorite ko na bulalohan which is super overlooking niya, kitang kita mo yung taal lake kahit saan ka pumwesto sa bulaluhan na iyon.

Nang makarating kami dun sabi ko kay manong sumabay na siya kumain sa'kin kasi sobrang perfect combination ng weather dun tapos sasabayan mo ng mainit na bulalo! Habang inaantay yung order, nag ring yung phone ko. Asher's calling but i didn't answer his calls. Even Deborah's asking me kung anong problema ko kasi kahapon daw halatang bothered ako tapos alam niya na umaalis lang ako nang ganto kalayo kapag may problema ako. But I chose not to answer their texts and calls.

Pagdating ng bulalo, kumain na kaagad ako, super mouth watering talaga neto! Lalo na all time favorite ko 'to. Hinayaan ko nalang din si manong na kumain ng tahimik. Pagkatapos kumain, I asked manong na picturan ako sa pwesto ko kasi sobrang kita ng view, Hindi kumpleto yung pag alis mo kung wala kang remembrance picture sa lugar na pinupuntahan mo.

I spent some hours sa tagaytay and asked manong na diretso kami ng MOA. Kasi bibili ako ng costume. Sobrang ganda ng nabili ko! Lumilitaw yung pagka puti ko kasi red na red talaga siya. I'm kinda excited na rin sa pageant.

Beautiful Broken RulesWhere stories live. Discover now