Chapter XVIII

14 3 0
                                    

5am nang magising kami ni Asher, antok pa ako pero kailangan naming bumalik sa Manila kaya naman sa byahe nalang ako nagpahinga ulit, hindi ako natulog dahil kailangan may kausap si Asher para hindi rin siya antukin. Kaya naman nagplay nalang ako ng music atsaka napili yung spongecola playlist. Lahat ng favorite band namin ni Asher, ayun yung pinaplay ko kapag umaalis kami, kaya ang ending nagmimini concert kaming dalawa sa kotse. Dahil dun nawala antok naming dalawa, nakatitig lang ako sakanya habang nagda drive siya.

Thick eyebrows, small eyes, pointed nose and rosy lips, sobrang gwapo. Idagdag mo pa na mestizo rin siya. Habang nagda drive siya imbes na sa kambyo yung hawak ng right hand niya, yung left ko yung hawak niya. Minsan nga inaasar ko siya na baka mabangga kami sa ginagawa niya. Nang 'di ako masatisfy kaka titig sakanya, pinicturan ko siya habang naka side view siya. Atsaka 'yun inupload with caption na " my ❤️ ." Ayun lang muna yung inupload ko at hindi sinama yung mga pictures namin kahapon kasi gusto ko kasama yung pictures namin mamaya.

Nang nasa harap na kami ng bahay, humarap ako sakanya "Asher, matulog ka kaagad pagdating mo sainyo ha? Susunduin kita sa bahay niya mamaya. Ako driver mo for today. May pupuntahan tayo." Nakangiti kong sabi sakanya

"Saan naman?" Nakangiti niyang tanong

"Basta. It's a surprise kaya matulog ka kaagad. I'll call you 'pag papunta na ako sainyo." I said and kiss his cheeks atsaka bumaba ng kotse niya. Tuloy tuloy na akong pumasok sa bahay dahil panigurado mapapatagal pa 'yun bago umalis.

Umidlip ako for two hours kaya paggising ko nang 8:30 nag-ayos ako at nag pang alis dahil mamimili kami ni Deborah ng para sa pagkain mamay since 3pm pa naman yung surprise party namin kay asher, gusto ko kasi ipaluto yung mga favorite foods niya.

Nang nakapamili na kami, umuwi kaagad kami ni Deborah sa bahay, finollow up ko rin sa boys yung venue at sabi nila okay naman na daw. Habang nagluluto si manang, tumutulong ako sakanya. Pinaluto ko kasi ay Beef caldereta, Buffalo wings, steak, atsaka cordon bleu. Which is puro favorite ni Asher , for dessert naman nagpagawa ako ng 3 kinds of graham , atsaka bumili ng cake and ice cream.

Nang okay na lahat, naka romper lang ako atsaka nag light make up. Pinauna ko na si deborah sa place since sa kotse niya nakalagay lahat ng foods, bale ang mauuna dun yung boys atsaka si Deborah. Bago ako umalis ng bahay, tinawagan ko si Asher at sinabi na papunta na ako sakanila kaya naman nag prepare na rin siya.

Pagdating ko dun nadatnan ko sila tito at tita, Asher's parents.  "Hello po tito, tita. " I greeted them and kissed on their cheeks " Hihiramin ko po muna ulit si Asher. I just have something for him lang po." magalang ko na sabi sakanila kasi nakakahiya naman kami na magkasama ni Asher kahapon tapos ngayon kami pa rin

"Sure Hija, no problem. Just enjoy this day. " tita said

After ng small talks namin ni tita nakita ko nang pababa si Asher kaya naman tumayo na ako. I got stunned, ang pogi! He's just wearing a navy blue longsleeve polo, which is naka fold hanggang sa kalahati, and black maong pants.

"Hi." He said and smiled at me

"Hi. Let's go?" Natawa naman siya sa'kin kasi imbes na siya raw gumagawa nun sa'kin baliktad pa.

Nang nagdrive ako papunta sa venue, tinanong niya pa ako, kung anong ginagawa namin dun

"Secret. Kaya nga surprise 'di ba? Just wait." I said atsaka pinark yung sasakyan

Habang papasok sa loob, naka akbay sa'kin si Asher. Nang makapasok kami sa pool area, biglang nag pop yung confetti, atsaka nagsimulang kumanta yung squad. Ang ganda ng decorations namin kaso medjo dim yung ilaw kaya hindi ko makita ng maayos yung iba.

Beautiful Broken RulesWhere stories live. Discover now