Chapter XIV

13 4 0
                                    


Dahil naging mag classmates kami ni Johaness kami na yung lagi mag kasama, kasi naging malapit din naman kami kahit nung sa pilipinas palang. Yung mga gusto makipag date sa'kin dati, akala si Johaness yung asawa ko. Kasi of all people siya lang talaga yung sinamahan ko sa campus.

Kapag naman wala kaming pasok, lagi akong niyayaya ni Johaness na lumabas. Kilala na rin siya ni kuya dahil lagi niya ako ng sinusundo sa bahay. Okay naman sakanya si kuya, minsan nga nasa bahay si Johaness tapos umiinom sila ni kuya. Hindi pa nga alam ni Deborah hanggang ngayon na nandito si Johaness sa NYC.

May plano kaming mag skiing ngayon ni Johaness since wala na kaming kailangan tapusin. Pinili namin na sa Hunter mountain ski resort mag ski. Hindi talaga ako marunong mag Ski kaso tinuruan niya ako hanggang sa matuto ako kaya naging hobby na namin, yung kapatid naman ni Johaness na si Jenicka nakasundo ko rin, 1 year lang yung agwat naming dalawa.

After namin mag ski, niyaya ako na magpicture ni Johaness. Meron dun shot na ako lang pero nakahawak sa kamay ni Johaness tapos yung kaming dalawa na magkasama. Ewan ko ba, sobrang komportable ko na talaga lalo kay Johaness. 7months na rin kaming magkasama dito eh.

Bago ako matulog, dahil bukas may pasok na kami, nag ring yung facetime ko, and I know it's Deborah, siya lang tumatawag sa'kin sa FaceTime kasi viber kami nila mommy.

"Yes, Debs? Miss me?" Pang aasar ko sakanya

"Gaga! Anong Imissyou ha!? Nanjan pala si Johaness! Babaita ka! Kaya pala 'di ka na gaano nakaka tawag sa'kin busy ka sa iba!" Sunod sunod niyang sabi

"Pa'no mo nalaman? Atsaka sasabihin ko naman sa'yo nakakalimutan ko lang palagi kapag mag uusap tayo." Alibi ko sakanya

"Pinost niya sa facebook yung picture niyong dalawa habang nag sski kayo! Bwiset buti pa siya kasama ka! Baka naman planado niyo 'yan ha?!" Pang aakusa niya

"Gaga hindi nga! Pati ako nagulat." Sabi ko sakanya atsaka kwinento sakanya lahat

"Ghorl.... baka naman kayo na magkatuluyan niyan ni Johaness ah." Pang aasar niya atsaka tawa nang malakas.

"Manahimik ka nga. Magkaibigan lang kami ni Johaness." Pamimilit ko sakanya, nang tapos na siya asar asarin ako nagpaalam na ako sakanya na matutulog

Pagka gising ko, may sinend sa viber ko si Deborah, screenshot 'yun.

Asher Adrian Fuentabella

Ang tagal kong inisip at hinanap kung nasaan ka, pero masaya ka pala kasama nang iba.

Wth are you doing Asher!? Hindi ko nalang 'yun pinansin, kasi the way na magsalita siya parang kasalanan ko pa. Okay pa rin sana kami bago ako umalis kung hindi lang siya ganun sa'kin. Kaso hindi.

Mabilis na lumipas yung panahon, tapos na yung 2nd year namin. Pinapa ayos na nila mommy papers ko kasi babalik na ako sa pilipinas since maayos na raw yung problema sa business ni daddy. But I said I'll still stay here for another year. Sabi ko, babalik nalang ako after ng 3rd year. Pumayag naman sila.

Buong vacation, kami magkasama ni Johaness. Minsan sa bahay lang namin tapos kasama niya si Jenicka, minsan naman puro labas kaming dalawa. Lalo silang nakilala ni Mommy dahil na rin kapag nagbabaksyon sila mommy dito pinapa punta sila dito sa bahay.

Si Deborah, ganun pa rin set up namin. FaceTime call palagi. Sinabi niya rin na galit sakanya si Asher at 'di siya pinapansin, like as if naman daw bigdeal kay Deborah. Sabi niya rin iba na manok niya, hindi na raw si Asher, Si Johaness na raw. Loka loka talaga.

Nang patapos na yung vacation, sabay kaming nagpa enroll ni Johaness kaya naman magkaklase pa rin kaming dalawa, may ibang subject lang kami na 'di kami magkaklase.

Beautiful Broken RulesWhere stories live. Discover now