ASHERSeeing Marie happy is my happiness too. I love it when I can make her happy, I love it when she smiles at me, she's the only girl I want in my whole life. No one can replace her in my heart. She's literally the best.
I can still remember, It was the day before her 22nd birthday, napag desisyunan ko na mag propose kay Marie, Kasi nga sa sobrang pagmamahal ko sakanya, Siya na talaga yung babaeng nakikita ko sa buong buhay ko. Siya na yung babaeng gusto ko na bawat pagdilat ng mata ko yung anghel na mukha niya lang makikita ko. Right before I ask her for proposal, I saw Johaness, Nakausap ko siya, It was about the proposal. Sinabi ko sakanya na yayayain ko na magpakasal si Marie. Nakita ko yung pain sa mata niya pero ngumiti pa rin siya sa'kin. Sabi niya na alagaan ko si Marie, kasi kapag sinaktan ko pa siya, hindi siya magdadalawang isip na agawin sa'kin si Marie. Natakot ako pero hindi ko inisip yung takot na 'yun kasi alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya ulit masasaktan.
Nakita ko kung gaano ako ka mahal ni Marie, sinong gago naman yung magsasayang ng pagmamal na 'yun? Kada araw na magkasama kami pinaramdam niya kung gaano siya ka proud sa'kin, lalo na sa trabaho ko. Marie is such a god fearing person, every sunday sinasabi niya sa'kin na ifree ko yung araw na 'yun para sama sama kamin ng family niya magsimba. understanding, and Lovable.
Sobrang saya ng mga panahon na magkasama kaming dalawa, lalo na nung kami na talaga. Pero nang magka project ako sa Cebu, hindi ko alam na ayun yung magiging dagok sa aming dalawa. I know she's jealous of Angelica. That's why I keep distance on her kahit na Co- Engineer ko siya, work related lang yung pinag uusapan naming dalawa. But I just found out that Angelica has an illness. Kaya naman, kinausap ako ng daddy niya na bantayan yung anak niya habang nasa Cebu kaming dalawa, since kaibigan yung parents namin, I've no fucking choice. Yung distansya naming dalawa, biglang naging sobrang magkalapit. Kasi nga may sakit siya— that's all. Hindi na ako gaano nakaka luwas ng Manila kaya naman si Marie yung palaging pumupunta dito. Though, kahit ayoko kasi nga ayoko na mapagod siya kaka byahe pero sabi niya okay lang daw. Naguguilty ako, hindi ko masabi kay Marie yung pinag pakausap sa'kin. Kasi alam ko na magugulo kung yung pag iisip niya.
Marie, wala akong ginagawa. Trust me, I love you.
Pero yung pagbabantay ko pala kay Angelica, may ibang nasa isip niya na. Akala niya nagugustuhan ko na siya, akala niya I fell out of love to Marie. Isang buwan na akong 'di maka reply at tawag kay Marie kasi tinago ni Angelica yung phone ko. Galit na galit ako, inis na inis ako. Sana nung una pa lang hindi ko na tinanggap yung pinag pakausap sa'kin ng magulang niya.
Nang naisipan ko na uuwi ng Manila, hindi ako naka alis dahil nagkaroon ng problema sa site kaya naman wala akong choice kundi ang mag stay dito. Hindi ko magawan ng paraan na makausap si Marie. I know alalang alala na siya.
Dumating yung araw ng pagbalik ko sa Manila, sakto rin naman na birthday ni Mang pilo — Construction worker sa site. Naghanda ng maliit na salo salo sakanya, sabi ko sakanila hindi ako magtatagal dahil luluwas ako ng Manila. Wala namang problema sakanila 'yun. Nakaka tatlong baso palang ako ng iniinom ko na tuba— alak dito sakanila. Nang maramdaman ko na parang nanlalabo yung paningin ko, kaya naman napagpasyahan ko na umidlip muna, nag alarm ako dahil mamaya pa namang gabi yung flight ko.
Pero hindi ko alam na ganun yung mangyayari. Angelica planned everything. She planned it all, nilagyan niya ng pampatulog yung alak na iniinom ko para hindi ako maka luwas ng Manila, pumasok siya sa tinutuluyan ko at hinubaran ako. Siya rin yung gumawa nun sa sarili niya, Sobrang nakaka gago yung ginawa niya, Galit na galit ako sakanya. Bakit ba hindi niya maintindihan na hindi ko nga siya gusto? Ano nalang yung sasabihin sa'kin ni Marie kung nakita niya 'yun? Mabuti nalang hindi siya maka punta ng Cebu dahil busy siya para sa graduation niya. Pero hinahanda ko na yung sarili ko para sabihin lahat 'to sakanya.
Pagluwas ko ng Manila para sa graduation niya, wala akong nadatnan na Marie, lahat sila hindi alam kung nasaan si Marie. Sobrang paranoid ko na dahil maski tawag at text ko hindi niya sinasagot. Kaya naman laking tuwa ko nang makauwi na siya night before her graduation. Pero hindi ko alam, iba yung pakikitungo niya sa'kin. Anlamig. Nagalit pa ako dahil naisip ko na si Johaness yung kasama niya, pero ang gago ko naman ata ako na 'tong may naitago sakanya ako pa nag gaganito sa harap niya? Kaya naman pinagpaliban ko nalang muna.
Graduation day niya na at sobrang tuwang tuwa ako dahil sa wakas tapos na siya sa pag aaral niya. Alam ko naman kasi na madaling madali na siya at gusto nang makapag trabaho talaga. I want to celebrate with her kaya naman nag file ako ng leave for one week. Kasi ganun pa rin pakikitungo niya sa'kin, inisip ko na baka sa bakasyon naming dalawa maging okay na kami at masabi ko na sakanya lahat.
One day nalang kaming dalawa dito, I must say na medjo okay na kami. I was about to tell her everything, I'm planning to have a dinner with her but Simoun called.
Ayun pala lahat 'yun, kasi tangina nakita ni Marie yung gabing nakatulog ako dahil sa sobrang hilo at katabi ko si Angelica. tangina kasi yung plano ko na kausapin siya at sabihin lahat, wala nang saysay. Wala akong mali pero tangina sobrang nasasaktan si Marie ngayon dahil sa nagawa ko, isipin ko palang na nakatatak sa isip niya yung nakita niya sa aming dalawa. Shit.
Marie don't deserve someone like me, she deserves someone who can't hurt her the way I did. And that was Johaness. Plano ko na ayusin sa'ming dalawa, pero hindi ko na deserve ulit si Marie. Ilang beses ko na siyang nasaktan— I know she'll forgive me but I know I don't deserve her forgiveness.
Nung sinabi ko na tama na, ramdam ko na galit na galit siya. Ramdam ko yung sakit na nabigay ko sakanya. Wala akong ibang masabi sakanya kundi ang sorry. Tanginang sorry favorite word ko na ata 'yun. This time, I'll let her go, kahit masakit. Kahit siya na yung babaeng gusto ko para sa buong buhay ko. Alam ko na hindi ko siya deserve. Hindi ko deserve ng babae na kasing anghel niya. At mas lalong hindi niya ako deserve.
Wala akong kwentang fiancé, ni hindi ko nga siya nakamusta nung panahon na alalang alala siya sa'kin, deserve ko rin na masaktan at mawalan ng babaeng katulad niya kasi sinaktan ko siya, nasaktan ko na siya. Siguro nga, eto na yung karma ko sa lahat ng mga nagawa ko, eto na yung karma ko nung panahon na nanlalaro ako ng ibang tao.
Nang malaman ko na gumawa na ng paraan si Johaness kay Athalhia, natuwa ako pero sa loob loob ko sobrang sakit. Pero panatag na ako, panatag na ako dahil alam ko na aalagaan siya ni Johaness hindi katulad ng mga nagawa ko.
Gumaan yung loob ko nang magkausap kami ulit ni Athalhia, kasi sa paraan na 'yun magiging okay na rin ako. Makaka move forward na ako dahil nagkaroon na kami ng closure dalawa. Siguro ngayon, magfo focus nalang muna ako sa trabaho ko.
Marie, I'm so sorry for hurting you. I promise you that this is the last time that you'll get hurt because of me. Because I'm finally letting you go. No one deserves you unless it's Johaness.
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews