Chapter XVII

21 2 0
                                    



After that night, nang nalaman ng squad yung nangyari tuwang tuwa sila for me and Asher, si Deborah naman parang labag pa rin sakanya na tanggapin, pero sabi niya nga kung saan at kanino ako sasaya dun siya, kaya naman sinuportahan niya nalang ako. And for Asher, nagpaalam siya sa parents ko na manliligaw siya, kinausap siya nila mommy, and they have no choice kundi ang pumayag nalang. Nung time na 'yun nga kinausap pa nila ako na akala raw nila si Johaness na. Hayy. I really feel bad for Johaness, but truth be told, he's really a great friend! I even apologize to him again when I told him about me and Asher, I know he'll get hurt but I have no choice but to tell him.

Si Asher naman, totoo nga na liligawan niya talaga ako. Araw araw akong nakaka tanggap ng tulips mula sakanya, two months pa bago magpasukan pati yung birthday niya kaya naman naisip ko na sasagutin ko siya sa birthday niya mismo. Araw-araw din kami umaalis kasi pinupuntahan namin yung mga favorite place namin.

Mabilis na lumipas yung mga araw, kaya naman two days before his birthday, I've decided na kuntsabahin yung squad. Pumayag naman sila. Yung place na napili ko for surprise party sakanya ay yung pool area nung debut ko, since, hindi namin siya kasama nung time na 'yun.

Pumunta kami ni Deborah sa mall para mamili ng mga kailangan namin for decorations, since family friend naman yung may ari nung place walang problema sakanila.  Nang mabili na namin yung mga kailangan namin, dumiretso na kami ni Deborah sa place. At nandun na yung boys.

"Kanina pa kayo?" Tanong ko sakanilang apat

"Ngayon ngayon lang din. Kakagaling lang din kasi namin sa Engineering company na inaaplyan namin." Sabi ni Simoun

" Ganun ba? Tara na para masimulan na natin. Para makapag pahinga na rin kayo." Sabi ko atsaka pumasok kami sa loob, sinimulan na naming mag decorate. Puro tawag na nga si Asher sa'kin, hinahanap na ako pero sabi ko sakanya nag mall lang kami ni Deborah.

Nang matapos kami sa pagdedecorate , niyaya ko yung boys na kumain pambawi man lang, habang papunta sa restaurant na napagkasunduan namin, pinapunta ko nalang din si Asher para hindi magduda sa'min.

Pagkarating niya may dala nanaman siyang tulips para sa'kin kaya naman puro kantyaw sa'min yung squad. Habang kumakain puro kasweetan yung ginagawa ni Asher kaya naman puro parinig si deborah, ewan ko ba, may apat na lalaki naman dito pwede naman siya mamili eh, para 'di na siya bitter. Nang pagtapos namin kumain, nagpaalam na kami sa isa't isa atsaka umuwi, buti nalang sa kotse ni Deborah ako sumakay kanina, kaya ngayon kay asher na ako sumabay, pinauwi ko na rin namin si deborah dahil panigurado pagod yung mga 'yun.

"Marie, alis tayo bukas ha. Gusto ko lang na kasama kita kapag sinalubong ko yung birthday ko. Ilang taon din ako nag celebrate na wala ka. Solo naman kita bukas." Sabi niya atsaka kinuha yung kamay ko at hinalikan

"Oo naman. I have no problem spending my time with you." I said napangiti naman siya sa sinabi ko

Pagdating namin sa bahay, wala dun yung parents ko, umuwi na rin kaagad si Asher pagka hatid sa'kin.

Excited na ako para bukas at sa birthday ni Asher. Kaya ko lang naman pinatagal yung panliligaw niya, dahil na rin sa dami ng nangyari sa'min for the past years, andami naming hindi napag kasunduan kaya naman ayaw ko lang na maulit 'yun.

Kinaumagahan, sinundo ako ni Asher at nagsimba muna sa Manaog Church, atsaka dumiretso sa Hundred Islands, eto yung isa sa mga paborito namin ni Asher na beach resort, I spend my time with him and it was full of joy and happiness. nang nasa room si Asher na nirentahan namin at natutulog lumabas muna ako at  inantay  yung cake na pinadeliver ko, Since malapit na mag 12am, nang makuha ko na 'yun, chineck ko muna kung gising na ba si Asher, sinabi ko rin sa nag aassist sa'min na gisingin si Asher 5minutes before 12am, atsaka ako dumiretso sa tabing dagat.

2 minutes before his birthday, nakita ko na na papalapit sa'kin si Asher

"Marie, what are you doing here? Gabi na. Pasok na tayo, uuwi pa tayo mamayang madaling araw." He said , I ignored him

" Asher Adrian Fuentabella, I just want to apologize to you for not being by your side when you were celebrating your special day for the past years. Tonight, I'm glad that I'm finally with you—enjoying your special day, And I just want you to know that I won't hesitate to spend my time just to be with you. Asher Adrian Fuentabella Happy 22nd Birthday, I'm so blessed for having a bestfriend like you." I said, saktong 12am nang lumabas lahat ng fireworks na pinakiusap  ko sa management ng hotel na 'to , habang nakatingin sa kalangitan si Asher nakangiti siya ngunit makikita mo na nangingilid yung mga luha sa mata niya. Kinuha ko yung cake atsaka nagsimulang kumanta kaya naman napatingin ulit siya sa'kin. This time, umiiyak na talaga siya.

"Happy Birthday, Asherot." I said "Make a wish and blow your candles na."

He closed his eyes "God, thankyou for this wonderful day, my birthday wish is, I hope this happiness that I am feeling right now, will last forever with this wonderful girl infront of me. Thankyou for bringing her back to me." He said as another tears fell down on his eyes again.

God, I really love this guy. No matter what it takes, I will love you forever. You are my forever bestfriend, my forever enemy, and my forever ideal man.

Pagkatapos namin salubungin yung birthday niya, pumasok na ulit kami sa room namin, since 2 beds naman 'yun, walang problema. Ayaw nga sana ni Asher na magkasama kami sa iisang room, pero okay lang din naman dahil alam ko na matass yung respeto niya sa'kin, so no problem with that. Nang makahiga ako sa kama ko, kinumutan niya ako atsaka hinalikan sa noo.

"Goodnight, Asher. Sleeptight." I said and smiled at him.

" Goodnight too Marie, balang araw kapag kinasal na tayo, araw araw na akong gigising na ikaw yung unang makikita ko sa pagbukas palang ng mga mata ko. Mahal na mahal kita." He said and kissed me on my forehead again.

Today was a very long day, But your celebration isn't finally over. Tonight will be the last night that I will call you my bestfriend, because tomorrow you will be officially mine. Finally my man.

Beautiful Broken RulesWhere stories live. Discover now