Monday came, and sabi lahat daw ng kasali sa pageant ay excused naman kasi start na ng practice namin for intermission, kailangan din daw sa friday maipakita na namin yung talent namin, kasi for this week puro ramp yung practice namin while for the other week puro talent naman practice namin.
Truth be told, andaming magaganda na kasali sa iba't ibang department. Naco conscious tuloy ako, kasi parang pakiramdam ko alikabok na naligaw lang ako dito.
After ng practice namin, nag usap na kami ni Johaness about sa recyclable costume namin which is sinisimulan nang gawin sa bahay namin, nag hire lang kami ng designer tapos pinatulong mga maid namin sa bahay atsaka si Deborah. So far, ang problema nalang namin is sa talent portion, pero ang napag kasunduan namin kakanta nalang kami ng Christmas songs na pinaka patok.
After ng practice namin required na kaming umuwi kasi nga pinapa ayos yung mga kailangan namin, kasi malapit na rin yung pageant night. Hindi na rin ako nagpa sundo kay manong kasi sabi ni Johaness sa sasakyan niya nalang ako sumabay since pupunta rin siya sa bahay. si Deborah naman susunod nalang daw.
Habang papunta kami sa parking, nakita namin na nakatayo si Asher dun at parang mag inaantay, hindi ko sana siya papansinin kaso nakita niya na pala ako.
Lumapit siya sa'kin, si Johaness naman dumiretso na sa kotse niya papainitin niya na raw para mamaya aalis nalang kami
Nakakunot noo ni Asher paglapit sa'kin
" Ba't hanggang ngayon magkasama kayo? Tapos na practice ah?" Naiinis niya na tanong"Ha? Pumupunta siya sa bahay, inaasikaso namin yung costumes atsaka talent. Why?" Nagtataka ko na tanong
"Tss. Wala, btw. Sa friday free ka ba? After practice. Melanie wants to meet you" masaya niya na sabi
I pursed my lips "Sure."
"Thanks! You the best, bestfriend! Sige na uwi ka na" sabi niya habang hinatid ako sa sasakyan ni Johaness, akala ko ano gagawin niya dahil kinatok niya yung bintana ng driver's seat.
"Hoy, Ingatan mo 'tong si Marie ha! Pag may nangyaring masama diyan yari ka sa'kin " pananakot niya kay Johaness , tumango nalang si Johaness sakanya
For weeks sobrang naging busy kami, kasi palapit na nang palapit yung pageant night. Okay na rin costumes namin ni Johaness pati na rin sa talent portion. Though sobrang nahirapan kami sa christmas recyclable costume niya kasi feeling mo anytime masisira pero sabi ng designer hindi masisira 'yun kahit papel lang siya. Hard paper naman daw gamit dun. Maski sa buong campus makikita mo talaga na excited yung lahat kasi sa gym gaganapin pero pati sa quadrangle puro decorations.
Nung friday naman na meet ko si Melanie, sobrang ganda niya, but i have this strange feelings nang ipakilala siya ni Asher sa'kin. Hindi ako mapakali nung time na 'yun kaya hindi rin kami gaanong nagtagal. After nun wala na kaming maayos na usap ni Asher.
Mamaya final practice na namin, kasi for two days rest namin para raw nasa wisyo kami sa pageant night. andaming nagsasabi na sobrang bagay kami ni Johaness lalo na kapag rumarampa na kasi litaw na litaw yung kulay naming dalawa, tapos yung height namin hindi rin naman nagkakalayo. 5'7 ako 6'1 naman siya.
Nang nasa bahay lang ako nagulat ako nang ichat ako ni Johaness, niyayaya ako na lalabas daw kami. Pumayag nalang ako dahil ayoko naman ma nervous lang dito sa bahay dahil 2 days nalang pageant na. Nang sunduin ako ni Johaness sabi niya sa salon daw kami pupunta dahil magpapa haircut siya, nagpa manicure nalang ako tapos nagpa body massage kasi feeling ko napagod buong katawan ko sa practice. After namin sa salon, dumiretso kami ng SB para kumain, nagulat ako nang mahagip ng paningin ko si Asher atsaka Melanie na magkasama, bad timing dahil mukhang papasok pa sila dito kaya naman yumuko nalang.
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews