Johaness
I don't believe in love at first sight, pero nang makita ko 'tong babae na 'to biglang nag iba yung paniniwala ko. With that Angelic face, nakaka inlove! Sobrang amo ng mga mukha niya. Pero yung bestfriend kuno niya, Pinapalayo ako sakanya. Hindi ko alam kung may gusto ba 'to kay Athalhia o sadyang protective lang ba talaga siya. Pero kung makabakod akala mo tatay eh.
Pero alam mo yung mahirap kapag nagka gusto ka sa isang tao? Yung kahit hindi mo pa sinasabi sakanya alam mong talo ka na. The way she looks at Asher. It was different, hindi basta bastang kaibigan lang. She likes Asher. Pero hindi hadlang na kapag may gustong iba yung tao mawawala yung nararamdaman mo. Mahirap pigilan lalo na kapag yung puso mo mismo yung pumili ng taong mamahalin mo.
Habang nagpa practice sa pageant, tuwang tuwa yung loob loob ko— kasi lagi kaming magkasama. Hanggang sa naging magkalapit kaming dalawa, hindi nga lang katumbas nang kung gaano sila magkalapit ni Asher.
Araw-araw silang magkasama, araw araw din masakit sa mata. Pero tiniis ko, after all walang kasalanan si Athalhia dahil ako naman yung may gusto ne'to. At natatakot ako na aminin sakanya yung nararamdaman ko, hindi dahil sa natatakot ako na mareject niya, natatakot ako kasi wala pa akong paninindigan para sabihin sakanya— wala pa akong napapatunayan para maging deserving sakanya.
Hanggang isang araw, narinig ko na nag aaway sila ni Asher, lahat narinig ko. Lahat ng sinabi ni Asher sakanya rinig na rinig ko. Gusto kong sugurin si Asher kasi ang bobo niya. Hindi ko alam kung manhid siya o nagmamanhid manhiran lang sa nararamdaman ni Athalhia sakanya, Hindi niya alam kung gaano niya na nasasaktan si Athalhia dahil sa mga pang bobong kilos niya. He's taking advantage of her.
Pero pagkatapos nang nangyaring 'yun bigla nalang nawala si Athalhia, walang may alam ni isa kung nasaan siya. Si Deborah? Tikom bibig sa'min.
Hanggang sa kinausap ako ng magulang ko para mag-aral din sa university na gusto ni Jenicka. I've no choice, Si Jenicka yung pinag-uusapan dito. Ayoko pa sanang umalis dahil hindi ko alam kung nasa'n si Athalhia pero kailangan na naming umalis.
Pero hindi ko alam, baka nakadikit na sa'kin yung swerte kasi, of all people, Si Athalhia nakasama ko sa iisang university, akala ko hindi ko na ulit siya makikita— pero tadhana na mismo ang naglapit sa'kin sakanya.
Ilang taon kaming magkasama, tanging kaming dalawa lang. sinabi niya pa na 'wag ako magsasabi sa kahit na sino na nandito siya, kahit naman hindi niya hilingin wala akong magsasabi. Can I just be selfish for this time?
Sa dalawang taon namin na magkasama ni Athalhia imbes na mabawasan yung pagka gusto ko sakanya, lalo pang nadagdagan 'to. Hindi ko alam kung pagka gusto pa ba 'tong nararamdaman ko. Pero alam ko sa sarili ko na kahit marami pang ihain na babae sa harap ko, kahit wala siya sa pagpipilian— Siya pa rin pipiliin ko.
Sobrang dami na naming napagsamahan, lahat ng pwedeng gawin dito sa NewYork nagawa na namin. Kilala na ako ng buong pamilya niya— ganun din naman siya sa pamilya ko. Hanggang isang araw, naglakas loob ako sakanya para umamin, I know she'll reject me but I don't care. I just want to tell her what I feel.
Nang sinabi niya na hindi pa siya handa— alam ko na may pumipigil sakanya. Alam ko na May nararamdaman pa siya kay Asher. Pero tulad nga ng sabi ko, tanggap ko anumang mangyari. Walang kasalanan si Athalhia, hindi niya dapat sisihin yung sarili niya kung hindi niya kayang suklian yung nararamdaman ko sakanya. pagkatapos ng pangyayari na 'yun hindi kami nagkailangan, kung ano kami dati ganun pa rin. Wala na talagang makaka tumbas sa ugali ni Athalhia.
Pero nawindang ako nang malaman na babalik siya sa Pilipinas at dun tatapusin yung college niya. Akala ko pa naman hanggang sa matapos yung college magkasama kami, akala ko sumasang ayon na yung tadhana sa'kin pero hindi pa rin pala. Pero wala akong magagawa, desisyon na ni Athalhia 'yun.
Hanggang sa isang araw, nalaman ko nalang na sila na ni Asher. Hindi ko alam kung ano yung mararamdaman ko nang panahon na 'yun. Pero masaya ako paea sakanya, makita ko lang na masaya siya— masaya na rin ako. Atsaka anong magagawa ko? Si Asher naman talaga nauna, nahuli na ako ng pagkakilala kay Athalhia. Baka siguro nga, hanggang dito nalang ako. Talo na ako. Pinilit kong kalimutan yung nararamdaman ko kay Athalhia. In-off ko yung communication ko sakanya, tanging si Jenicka nalang nakakausap niya. Ayun lang kasi yung paraan para hindi na ako masaktan.
Kaya naman balik sa dating buhay, tahimik lang at hindi nakikisama sa iba. Pinapangaralan yung sarili na tama na dahil masaya na siya. Akala ko okay na ako, pero nang magka problema sa pilipinas dahil sa step sister namin, wala akong choice kundi bumalik ng Pilipinas para ayusin 'yun. Pero pinilit ko na hindi magkatagpo yung landas namin ni Athalhia, ayokong makita niya na nasasaktan ako dahil sakanya. Kakapilit ko na 'wag magkatagpo landas namin ni Athalhia, Si Asher ang nakita ko. Pinagbantaan niya ako na 'wag na 'wag magpapakita kay Athalhia, dahil bumalik na raw ako ng NewYork kung may balak akong itago at kunin ulit si Athalhia. Am I a threat to him? funny.
Pagkatapo ng aksidenteng pagkikita namin ni Asher, nalaman ko nalang na nag propose siya kay Athalhia. Mahal niya ba talaga si Athalhia o ganun lang siya katakot para mawala yung taong kahit ilang beses niya saktan nasa tabi niya pa rin? Pakiramdam ko kasi mahal niya lang si Athalhia dahil natatakot siya na mawawalan siya ng kaibigan na katulad ni Athalhia, lalaki rin ako kaya nararamdaman ko yung intensyon niya kay Athalhia.
Pero nang makita ko kung gaano kasaya si Athalhia sakanya— I back off. I fixed myself. Pero sa oras na masaktan ni Asher si Athalhia, hindi ako magdadalawang isip na angkinin na ng tuluyan si Athalhia.
Hanggang sa nangyari yung kinatatakutan ko, nasaktan nanaman ni Asher si Athalhia. And just found out na hindi na matutuloy yung kasal nila. Masama ba akong tao dahil naramdaman ko yung saya nang malaman ko 'yun? Pero anong magagawa ko, nabuhayan yung loob ko.
Pero sabi ni Deborah, nag travel si Athalhia para makalimot sa nagawa ni Asher. I gave her time, pero kapag dumating yung panahon na okay na siya. Pinapangako ko na aalagaan ko talaga siya.
Nang malaman ko kay Jenicka na nandito na ulit si Athalhia at nagkakasama sila palagi, Kinuha ko yung pagkakataon na 'yun. Kung hindi pa siya handa ulit, handa akong bumalik ulit kami sa umpisa. Kaya kong antayin kung hanggang kelan niya ako matututunan na mahalin. Naantay ko nga siya ng ilang taon nung nasa maling tao siya, Ngayon pa na wala nang sagabal sa'ming dalawa?
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews