Sa sobrang sarap ng tulog ko late na ako nagising kaya naman ang ending hindi ako nakapasok ng 1st subject ko. Sa 2nd subject nalang ako pumasok, naglalakad palang ako papasok sa campus nararamdaman ko na yung tinginan ng mga tao sa campus, ibang klase yung bagsik ng isang Asher, College of engineering siya pero yung kagwapuhan umabot sa College of Mass Communication. Nakaka ilang, pero alam ko na masasanay din ako, kasi feeling ko tatagal friendship namin ni Asher, ikaw ba naman kulitin nang kulitin eh.Pagkarating ko sa room ay wala pa yung prof namin para sa next class kaya inintriga ako nang inintriga ni Deborah kung ano nangyari sa "date" namin kuno ni Asher, as usual, sobrang tipid lang ng sagot ko sakanya. Ayokong magbigay ng maraming kwento kasi wala namang ibang ganap kundi sumakay lang kami sa rides, kumain, umuwi. That's it.
Nang dumating yung prof namin nanahimik na si Deborah, at nakinig na rin ako sa discussion. Kumukulo na yung sikmura ko sa gutom, buti nalang wala yung prof namin sa 3rd sub, kaya pwede na rin kami lumabas para kumain.
"Debs, tara sa cafe nagugutom na ako eh" yaya ko kay Deborah
"Ay salamat naman! Niyaya mo rin ako, akala ko naman naging kaibigan mo lang yang si Asher iwan ere na po ako ano?"
"Shh. Tara na 'wag kana maingay" sabay hatak ko sakanya
Nang makarating kami ni Deborah ay siya na raw ang oorder kaya naghanap na ako ng upuan naming dalawa though wala pa gaanong tao sa cafe kasi may mga klase pa sila, kami lang naman napaaga break kasi wala nang prof. Habang nag aantay ay chineck ko yung phone ko, nagulat ako na makita may 10 new messages si Asher sakin simula pa kagabi
From : Asherot
: you mad? 'Di kana nagreply eh
: huy, galit kaba? Bahala ka 'di ko pa rin buburahin
: Wala ka bang load? Ang yaman mo wala kang pang reply
: joke
: pero bahala ka kahit magalit ka wala nang burahan yun.
: Thankyou Marie, for this day. You know? I'm glad na tayo naging magka grupo sa activity na yun kasi nakilala kita.
: Sana kahit ano mangyari mag bestfriend pa rin tayo.
: Sana 'di ka mabwiset sa makulit ko na ugali5:30 A.M
From : Asherot
; Hi, Goodmorning! Gising ka na ba? Eat your breakfast! Wait kita pag pasok mo! :-)
: hindi ka papasok? Inantay kita wala ka eh
: Hindi ka talaga papasok? :-(
Natawa nalang ako sakanya at nagreply
To : Asherot
Pumasok ako, kaso na late ako sa first sub. Kaya 2nd sub na ako nakapasok. Wala rin kami prof now, absent. so nasa cafe ako ngayon kasama yung friend ko si Deborah.
After ko isend nagulat ako nang nasa tabi ko na si Deborah at pangiti ngiti .
"Hi friend, kausap mo si other 'friend' ? " nang aasar niya na tanong
"Wala sira, kagabi pa kasi pala text nang text kaya nireplyan ko nalang. Btw, thanks sa food "
Kakain palang ako nang magreply si Asher kaya binasa ko muna reply niya
From Asherot
Diyan ka muna tambay, tapusin ko lang 'tong 3rd sub ko :-) isasama ko rin friends ko para makilala mo sila.
Hindi na ako nagreply dahil alam ko na may prof sila at kakain na rin kami ni Deborah. Maganda dito sa babae na 'to kahit sobrang ingay pero kapag sa kainan naman tumatahimik. Nang matapos kami ni Deborah kumain, nagstay muna kami dun at nagbasa nalang din muna ako ng tinatapos ko na novel na The notebook.
Habang nagbabasa nagulat ako nang may kumalabit sa'kin
"Anuba! Nang gugulat ka diyan eh" naka kunot noo kong singhal kay Asher
"Sorry, ang seryoso mo eh, btw, kumain kana? "
"Oo eh sabay kami ni Deborah, hindi kasi ako nag breakfast sa bahay kaya gutom na gutom na ako. Order kana para maka kain kana" sabi ko at napatingin sa mga kasama niya, baka sila yung friends ni Asher
"Sige, oorder na kami, pagbalik papakilala ko sila sa'yo."
"Sure, dito lang kami ni Deborah"
Pagka alis nila Asher nagulat ako kay Deborah nang hampasin ako
"Ano? Nananakit ka diyan?"
"Ang pogi talaga ni Asher! Bestfriends lang ba talaga kayo nun? Jowain mo na!"
"Gaga manahimik ka nga, may makarinig sayo diyan eh"
"Sus, kunwari ka pa. Pustahan tayo magiging kayo niyan"
" shut up. Please mamaya 'wag kang ganyan ha? Nakakahiya eh"
"Oo na ma'am, ang sungit!"
Nang makabalik sila Asher ay hinayaan lang namin sila na kumain, at pagkatapos ay dun na siya nag ingay, pinakilala niya sa'kin mga kaibigan niya which is sila Angelo, Leo, Simoun, Christian. Pare parehas pala silang engineering. After ipakilala ni Asher mga kaibigan niya pinakilala ko naman si Deborah sakanila at ang bruha umiirit sa upuan niya, ikaw ba naman napapaligiran ng poging lalaki eh.
Habang nag uusap kami ay puro tawanan lang kami dahil sa kulit nila, literal na same energy talaga sila. Kaya si Deborah tuwang tuwa. Halos lahat ng mata nasa table na namin, sino ba namang hindi? Engineering students kasama namin, nang pabalik na kami sa room ay irit nang irit si Deborah puro sabi na sana palagi raw namin sila kasabay kumain. Tsk. Kapag may lalaki talaga.
Nang mag uwian ay pakiramdam ko drain na drian ako dahil sa last 3 subjects namin puro speech kami sa harap. Nang lumabas yung prof nagtext na ako kay manong na kung nasaan na siya. Kaso hindi niya raw ako masusundo dahil may emergency daw, Ayun daw yung gamit ni mommy na sasakyan kasi nasa talyer yung sasakyan ni mommy. Kaya napagpasyahan ko nalang na mag taxi.
Naglalakad ako palabas nang marinig ko si Asher na tinatawag ako
"Pauwi kana? May sundo ka sabay ka na sakin? "
"Sure ka? Baka pagod kana? Wala kasi si manong eh, hindi ako masusundo pag tataxi nalang sana ako."
"Nope, tara na . Hatid na kita" tuwang tuwang sabi niya
Blessing in disguise rin talaga 'to si Asher eh. Wala namang problema sa taxi kaso nakakatakot kasi delikado
Nang nasa kotse na kami, tanong nang tanong si Asher kung okay lang daw ba ako dahil nakabusangot daw ako, sino ba namang hindi sunod sunod live speech namin bukas. Iisipin ko palang napapagod na ako.
Pagkarating sa bahay niyaya ko muna si Asher na pumasok sa loob para mag dinner kaso may dinner daw siya with his fam. Kaya nang umalis siya pumasok na rin ako kaagad, dumiretso sa kwarto ko at nagbihis. Bumaba ako ulit para kumain, may iniwan din kasi na note si mommy na 'wag na sila antayin ni Dad. Pagkatapos kumain, umakyat na ako at nagbasa ng iispeech namin bukas, after 2hrs of reading, prinactice ko yung deliberation of speech ko atsaka nirecord. Ayoko naman na mapahiya bukas 'no. Nang masatisfy na ako, chinarge ko yung phone ko atsaka naghanda na para matulog nang mag ring phone ko.
Asherot calling.....
"Hi, akala ko tulog kana" bungad niya sa'kin
"Hindi pa, patulog palang sana but you called. Nag practice pa kasi ako nang iiispeech ko bukas eh. Kinakabahan ako."
"Kaya mo 'yan. Fighting. Just called kasi gusto ko marinig boses mo. Well anyways, pahinga kana. Goodnight "
"Goodnight" then he ended the call
Hindi ko alam, ayoko na umabot kami sa punto ni Asher na may mahuhulog sa aming dalawa, ayoko rin naman na masira friendship namin. Kasi, kadalasan ayun nagiging rason bakit nasisira yung friendship ng tao, it's either pa plastikin ka or magkaka inlovan kayo pero hindi magwowork.
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews