Nang magising ako kinabukasan, text kaagad ni Asher yung binuksan ko."Lunch later with my fam. Momma wants to see you, seeyou later. Loveyou, girlfriend." Ewan ko pero kinikilig ako kapag ganyan
Tanging crop top, squarepants atsaka 2inches na sandals lang yung suot ko, at naglagay ng light make up. Medjo kinakabahan ako kasi buong fam pala nila Asher yung nandun kasi Late celebration daw for his birthday since 'di sila nakapag celebrate kahapon na mismong birthday ni Asher, mas kinabahan pa ako dahil ipapakilala niya raw ako sa angkan niya as girlfriend niya na. Bumaba na ako nang nagtext siya na nasa labas na raw siya.
"Hey, you look gorgeous." Bati niya sa'kin
"Sira. Ang simple nga lang ng ayos ko. Tara na nga." Natatawa kong sabi sakanya
Habang nasa byahe, dating gawi kumakanta kaming dalawa. Paraan daw 'yun para maiwasan ko yung kaba ko. Sandaling nawala 'yun pero nang makarating kami sa restaurant kung saan kami magla lunch, nanlalamig nanaman ako, kasi naman parents lang ni Asher yung palagi kong nakakasama.
"Don't be nervous. I promise you they'll love you." He said and squeezed my hands
Magka holding hands kami habang naglalakad, at nang matanaw ko yung table kung saan kami uupo, hindi ako mapakali.
Nang makarating kami sa table, nakatingin sa'min yung ibang relatives niya, naramdaman naman ni Asher yung kaba ko kaya nagsalita na siya "Guys, This is Athalhia Marie Pascual, my bestfriend." He said nagulat naman ako "and now finally my girlfriend." Napahinga ako nang malalim dahil sa paraan ng pagpapakilala niya sa'kin
After nun, nakipag beso na ako sakanila even to tito and tita. Yung mga pinsan ni Asher nakasundo ko kaagad. And he's right, tanggap nila ako for Asher. Yung pinsan niya naman na mga lalaki, tumango lang sa'kin. Though, I already understand that kasi Asher once told me na tahimik daw talaga mga pinsan niyang lalaki.
Pagkarating ng pagkain namin, kumain na kami yung mga oldies naman naguusap about business. Right after namin kumain, inintriga naman ako ng pamilya ni Asher, and I could say na mababait silang lahat. Nang matapos yung lunch, bago kami umalis ni Asher puro "Welcome to the family" yung sinasabi nila. grabe para akong maiiyak. Iba kasi yung feeling talaga kapag tanggap ka ng pamilya ng mahal mo.
Nang nasa sasakyan na kaming dalawa, tawang tawa si Asher sa'kin kasi ang priceless daw ng mukha ko sa nerbyos. Parang pakiramdam ko tuloy bumalik kami sa umpisa, yung unang araw na magkasama kami at may palaka sa activity namin tapos takot na takot ako. Nang mapansin niyang nakatitig lang ako sakanya, tumigil siya sa kakatawa.
"Sorry. 'Di na ako tatawa." He said pero yung mukha niya parang gusto pang tumawa I just smiled at him, kinuha niya naman yung kamay ko atsaka hinalikan 'to
"I told you. They'll love you. Kasi kilala ka na nila, nakukwento kita sakanila lalo na nung panahon na wala ka. Kaya nung nalaman nila na makakasama ka namin sa family lunch, naexcite sila na makita ka. Tsaka no choice naman sila 'no. If they don't love you, they should start to love you kasi Mahal kita. Hindi sila magiging rason para iwanan kita."
Naiiyak ako sa mga pinagsasabi ne'to.
"I love you." I just said at him. Kita sa mukha niya yung pagka gulat
"W-What? Parang nabingi ako. Can you please repeat?" Natawa naman ako
"I love you." Pag ulit ko.
"Mygad. First time ko marinig sa'yo 'yan. Kinikilig ako." Minsan talaga ang ewan nito eh.
Since one week pa bago yung pasukan ko, sumasama ako kay Asher sa pag aasikaso niya ng papers para sa engineering company na papasukan niya, It was an high end company, he said ever since he was a child kapag nadadaanan niya 'tong company niya 'to lagi niyang sinasabi sa sarili niya na "Pag engineer na ako, papasok din ako dito." Kaya nang makita ko kung paano kasaya yung mukha niya habang inaayos yung mga kailangan niya, napapangiti nalang din ako. Kasi, sinong hindi mapa proud sa gan'to?
Three days lang ako nakasama kay Asher since pinagbawalan niya na ako, kasi asikasuhin ko raw yung para sa school ko. Kaya naman niyaya ko si deborah na mamili ng mga gamit.
Since first day of school, hindi na ako sinusundo ni manong kasi si Asher na yung sumusundo sa'kin. Kahit pagod siya galing sa trabaho hindi siya pumalya na sunduin ako. Kapag may kailangan ako, lagi siyang nanjan para ibigay sa'kin. Kaya sina mommy natutuwa kay Asher.
Pero minsan sabi ko sakanya, kapag pagod na talaga siya, 'wag niya na akong susunduin kasi pwede naman akong sunduin ni manong which is sinunod niya naman, Kasi being an engineer means having an busy schedule, lalo na ngayon na naguumpisa palang siya. I won't interfere naman din kasi alam ko na gustong gusto niyang gawin yung ginagawa niya ngayon. It was his dream.
Nang 1st monthsary na namin, sumakto naman na 'di sila gaanong busy, which is parehas kami kasi puro live speaking kami tapos sa kalagitnaan ng taon OJT na namin, inaayos ko na rin yun kasi sa dream station ko ako mag aapply.
1st monthsary namin, pumunta kami ng Cebu, it was only for 2 days and 1 night kasi hindi na pwedeng masyadong tumagal, Unang pinagdalhan sa'kin ni Asher ay sa 10,000 roses . Sobrang ganda lalo na kapag gabi! After namin dun, dumiretso kami ng Alegria, Cebu kasi dream destination ko 'to! Sobrang ganda! Lalo na yung mga falls sa Alegria. Akala mo nasa ibang bansa ka.
Nang pauwi na kami, puro thankyou ako kay Asher, kasi inuunti unti niya na puntahan namin yung mga dream destinations ko, kahit na sobrang busy niyang tao, he always makes time for me. Kaya ganun din ginagawa ko sakanya.
Pagkauwi namin, Hinatid muna nila akk sa bahay since yung family driver nila yung sumundo sa'min sa airport.
"Thankyou, love, Iloveyou. Its really a dream come true. Ingat kayo pauwi." I said and kissed him on his lips. Atsaka biglang tumakbo papasok sa bahay.
Nakakahiya. Kasi first time na ako gumawa nun sakanya.
Pag akyat ko nabasa ko na nagtext siya sa'kin "I love you too. Happy monthsary. Thanks for the kiss. Lasang cebu :D " Ang walanghiya nang asar pa talaga!
"Letche ka talaga. Ayan ka nanaman sa pang aasar mo, goodnight na nga. Hmp!" Reply ko sakanya
Grabe, pakiramdam ko nahahawa na ako sa ugali ni Asher.
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews