5 a.m palang gising na gising na kami ni Deborah, early bird kasi 'tong babae na 'to eh, kapag kasi magkasama kami tapos tulog pa ako nang gan'tong oras nag uupgrade na yung megaphone niyang bibig kaya no choice ako kung hindi gumising nalang din. Pinauna ko na maligo si Deborah, kasi maaga pa nama at gusto ko pang umidlip, kaya habang nasa banyo siya umiidlip muna ako, ginigising niya nalang ako kapag magbibihis na siya. Pagkatapos niya maligo sumunod na ako sakanya, siya naman nasa closet room ko na at nagbibihis, tagal tagal kaya kumilos nun.Habang naliligo, napapaisip pa rin ako ano kaya kinaka busyhan ni Asher? Eh kapag may problema 'yun sa acads man or sa fam. Puro "Marie" na kaagad 'yun pero ngayon, wala akong marinig sakanya. Nakakapanibago lang. nang masatisfy ako sa pagligo ko, lumabas na ako ag nandun si Deborah nagcecellphone habang inaantay ako, kilay on fleek nanaman si gaga, kilay is life 'yan eh. Pagkatapos ko magbihis kumain muna kami ng breakfast atsaka nagpahatid sa school. Kapag nag ssleep over talaga saamin si Deborah tuwang tuwa ako, ang sarap magkaroon ng kapatid na babae, yung tipong open kayong dalawa, may ka chikahan ka. Kami? Not sisters by blood, pero kapatid turing ko diyan, bungangera nga lang.
Pagkarating namin sa school, nandun yung engineering students sa campus. Akala mo mga hindi stress eh, samantalang hectic na sched. nila kasi finals na . Hindi na namin sila pinansin at dire diretso kami ni Deborah sa room. At dahil nga 6:30 palang, wala pa gaanong tao sa room, yung mga 'yun kasi normal schedule ng pasok quarter or around 7. May mga sariling schedule eh.
Nang mag 7 na kumpleto na kami, nang may pumasok na mga student council, pinapatawag daw lahat ng mga representatives kasi ididiscuss na yung mga costumes and mga kailangan for pageant. Tumayo kaagad ako dahil nag paskil naman sila ng excuse letters para sa mga kasali.
Nang nasa theatre room na kami, nandun na yung ibang mga kasali, hindi na rin ako nagulat nang nandun si Asher, siguro ayun yung reason bakit naging busy siya. Pero siya nagulat nang nakita niya ako, kaya naman lumapit siya sa'kin kaagad.
"Hindi mo naman sinabi na kasali ka pala!" Parang bata niyang sabi.
" You didn't ask me" pilosopo ko na sabi
"Sungit, Goodluck bestfriend. Sana ikaw nalang ka partner ko inis kasi 'tong mga 'to eh. Pero okay na rin" malandi niyang sabi
" Ewan ko sa'yo, bumalik ka na nga sa tabi ng partner mo"
Wala pa kasi partner ko, 'di ko alam saang lumalop na yun napadpad. Pagkalipas ng ilang minuto, may dumating na lalaki, kasama yung admin for this pageant, nagulat ako nang pinatabi siya sa'kin, so siya pala partner ko.
"Hi, I'm Johannes luke Miller and I will be your partner." approachable niyang sabi sa'kin
Pogi mamsh! Matangad, Mestizo, blue eyed tapos naka clean cut pa.
"Hi, Athalhia Marie Pascual, nice to meet you and gladly to be your partner" I said while smiling, nagulat ako nang may humarang sa harap namin
"And I'm Asher Adrian Fuentabella, Marie's BFF." Sapaw neto inaano ba 'to?
"Huy Asher, bumalik ka nga dun anlayo layo ng pwesto niyo napunta ka dito? Napaka mo!"
"Oo na, nagpapakilala lang. baka maagawan ako ng bestfriend, mahirap na." Pagkasabi niya nun tumalikod na ulit siya atsaka bumalik sa pwesto nila ng ka partner niya. Nakasimangot pa, akala mo talaga bata eh.
Nang diniscuss na yung mga kailangang costume, first is Christmas dress for girls and yung sa boys naman katulad ng kay santa, for opening siya gagamitin and for talent portion- any performance basta may presence ng christmas. And for question and answer and ramp walk yung costume na gawa sa recyclable materials, hindi naman sila mahigpit sa make overs basta raw masusunod yung sa costumes, especially the question and answer and talent.
After of discussion, pinabalik na kami sa room namin and pinag prepare na kami, kasi mag sstart na yung practice by monday since friday na ngayon, sa recyclable costume naman mas bet ko na kami mismo gagawa kasi mas makikita ko kung saan ako komportable. Kaya 3 weeks walang gaanong discussion kasi pinaghahanda sa activity.
After class, sinabi ko kay Deborah yung mga kailangan and yung babaeng 'to nag ningning yung mata kasi dito siya mahilig eh. Kaya alam ko na walang problema kasi anjan si mom and dad atsaka si Deborah for me. Kaya naman sumama ulit si Deborah sa bahay para raw makapag plano sila ni mommy. Walang namang problema sa'kin.
Habang palabas kami, nakita namin si Asher kasama mga kaibigan niya, nang makita ako ni Angelo tinuro niya ako kay Asher, lumapit naman siya kaagad sa'kin.
"Marie, remember nung sinabi ko sa'yo na sasabihin ko bakit ako naging busy these past week days?"
"Uhm, yeah. What about that?"
Bago siya sumagot ay tumingin muna siya kay Deborah kaya naman sabi ko sakanya mauna na siya sa kotse
"Yung kapartner ko sa pageant, Si Melanie. nililigawan ko ngayon, Kaya medjo naging busy ako kasi pinopormahan ko eh, medjo nahihirapan nga ako eh, kaya nagpapatulong ako kanila Angelo."
I got speechless kasi naisip ko, ngayon palang nga na nanliligaw palang siya feeling ko mawawalan na siya ng time sa'kin. Mygad, what kind of feeling is this? Ang nakakatampo dun, sabi niya ako una niyang sasabihin, pero hindi. Sabagay, nauna niya naman naging kaibigan sila Angelo, wala akong magagawa.
"Uhm, okay? Goodluck to you then, and don't mind me, I'm okay I've no problem with that naman. Just focus on her nalang muna. I still have Deborah naman, she'll accompany me." I said while smiling kahit na parang ayoko ngumiti
"Sure ka ha? Sige na, punta kana kay manong, ingat ka ha? Aantayin ko pa kasi siya eh. Goodbye, Marie!"
"Yeah" simpleng saad ko sakanya
Mygad, why do I have this kind of feeling? I felt betrayed pero kasi bestfriend niya ako 'di ba? Bakit hindi niya sa'kin naunang sabihin? It's because babae ako? Eh lahat na nga ata alam ko na sakanya.
Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa kotse, sobrang lutang ko dahil sa nangyari. Nagtatanong si Deborah kung ano napag usapan namin at biglang nagbago mood ko. I just told her na napagod yata ako. Knowing Deborah kapag nalaman niya na gan'to reaksyon ko, aasarin lang ako nun.
Pagkarating sa bahay pinilit ko na mag act normal kahit sobrang bothered pa rin ako. Ayoko naman na makahalata sila, kasi sinabi ko kay mommy lahat ng kailangan, and she told me na bukas na bukas papa ayos niya na needs ko for costumes especially the recyclable costume. And I said thanks to her. Pagkatapos namin kumain ay dumiretso na ako sa kwarto ko, si debs naman umuwi dahil nandun daw yung daddy niya.
Habang nakahiga, nakatitig lang ako sa kawalan, asking myself bakit gan'to reaksyon ko sa nalaman ko. Kaya naman binuksan ko phone ko. May 3 unread messages ako, isa kay asher yung isa naman unknown number, kaya naman binasa ko yun
From : Unregistered number
Hi, Athalhia! This is Johannes, got your number to your BFF. For pageant thingy you know, para makapag usap tayo ng maayos. Save my number! :-)
I just save his number into "Johannes"
And hindi ko binasa yung text ni Asher. Shocked pa ako masyado kahit wala naman akong dapat ikabigla. Itutulog ko nalang 'to baka sakaling himasmasan ako bukas atsaka Kasi if ever na may feelings na nga ako kay Asher, hindi pwede 'to kailangan pigilan ko. Before, sabi namin hindi kami pwedeng ma fall sa isa't isa kasi ayaw namin masira friendship namin dahil lang dun. Ngayon, natatakot ako na pa'no kung totoo na 'to? Pa'no kapag nalaman ni Asher? Anong mangyayari? Iiwasan niya ba ako? Magagalit siya sa'kin? Argh. So much complicated.
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews