Chapter V

15 5 0
                                    

Yung mga sumunod na araw, linggo at buwan mas naging malapit kami ni Asher, as bestfriends syempre. Etong mga babae naman, lapit nang lapit saakin, some of them - no, all of them are befriending me just because they want to be friends with Asher. Kasi sa tagal na mag kasama kami  ni Asher, napansin ko lang na hindi siya ganun ka friendly sa ibang babae. Kahit titig na titig na sakanya , nilalagpasan niya lang. sa buong campus nga ako lang kasama na babae nun eh, sabit mo na si Deborah dahil kaibigan ko siya. One time nga, may lumapit sa'kin, kinausap ako na ilakad ko raw siya kay Asher, nginitian ko lang yung babae, tapos kinwento ko kay Asher, sabi niya 'wag daw ako makikipag kaibigan sa mga ganun kasi gagamitin lang daw akong way para ma approach sila. Like as if makikipag kaibigan ako, eh ilag nga ako sa ibang tao. Malapit nang mag end of school year, malapit na ako mag 2nd year while Asher is on his 3rd year. Ang bilis ng panahon, parang kahapon lang activity ng school namin, pero ngayon sobrang deep na nang friendship namin. Ewan ko, Ang komportable ko talaga kay Asher. Though makulit siya, pero manageable naman yung ugali, kailangan mo lang talaga ng malalim na pang unawa sakanya, caring naman siya tsaka gentleman.  Kapag umaalis nga kami nun, halos hindi na ako gumastos, pero ayoko naman ng ganun.

When december came, super busy ng mga tao sa campus, as usual another activity. They are looking for representative kada course, the event named as St. Jo's Mr. and Ms. Christmas couple. Nasanay naman ako sa mga contest na ganyan kasi when I was on highschool, Palagi ako pinapasali ni mom sa ganyan. But now, Ayoko. Kaya naman tahimik lang ako sa likod habang nag aannounce sila ng activity. Tinatapos ko nalang mag calligraphy kasi hobby ko talaga 'to.

" Si Athalhia! Maganda naman siya, sakto lang yung katawan! Siya nalang pambato natin for College of MassCom, I saw her photos din sa facebook niya na sumasali siya sa school pageants." nagulat ako nang ituro ako ng mga tao sa room

"Huh ? No! Ayoko, sorry but I can't" Pagtatanggi ko

"Dali na Athalhia! Malapit na matapos school year natin oh, tsaka marami ka naman  experience sa mga gan'tong pageant eh" paggatong ni Deborah

"Fine!" I said in defeat , ewan ko anong naisipian ko para sumali sa pageant na 'to.

"Yown! Wala nang atrasan 'to Athalhia ha!"

Like as if makaka atras pa ako, at dahil nga ako na yung nakalista sakanila, ipapatawag daw kami bukas for orientation kapag nakumpleto na yung list of candidates. Sabi rin, mag iikot pa sila kasi maghahanap din sila ng ipapartner namin. Sabi nga ng mga classmate ko si Asher nalang kasi panigurado bagay kami, but the problem is, College of engineering siya, dapat kasi kapartner namin same course lang din.

At dahil nga busy sila maghanap ng mga candidates, nag cancelled class yung mga prof, eh gan'to naman sa st. Jo lagi, kapag may activity nagpapa free time talaga sila. Di nalang kasi i cut class eh, gusto ko na umuwi.

Habang nagca calligraphy, naramdaman ko na may kumakalabit saakin

"What now, Deborah?"

"Ako tutulong sayo mag prepare para sa pageant mo ha! 'Wag mo rin muna sabihin kay Asher na kasali ka, para surprise" sabi niya sabay hagikgik

" 'Di ko naman talaga muna sasabihin, alam mo namang oa pa sa oa 'yun minsan"

"Truly, minsan feeling ko siya si tito eh. Knowing na bestfriend lang siya andami niyang bawal sa'yo. Ba't kasi 'di nalang kayo?" Pinipilit niya nanaman yung gusto niya

"Tss. Ayan ka nanaman"

"Pero ghorl, curious lang ako. Just thinking pa'no kung may nainlove sainyong dalawa? Anong gagawin niyo, hold the feelings just for the friendship or itutuloy no matter what it takes?  "

Beautiful Broken RulesWhere stories live. Discover now