Chapter XXIII

7 1 0
                                    

Chapter 23

Kinabukasan, nagising ako dahil may mabigat na nakadagan sa'kin. Pagdilat ko nang mata ko, bumungad kaagad sa'kin yung mukha ni Asher. Sobrang amo ng mukha niya. At natanggal na yung unan sa pagitan namin, nakayakap sa'kin si Asher at naka tanday yung paa niya. Napatingin ako sa orasan at nakita na 7am na.

"Asher..." he just groaned "Asher.. wake up may trabaho ka pa." Nang marinig niya 'yun nala dilat siya

"Anong oras na?"

"7 am. Bumangon ka na. Babalik na rin ako ng Manila mamayang tanghali." Pero hindi pa rin siya umalis sa pagkaka yakap sa'kin

" 5 minutes." Sabi niya hinayaan ko naman siya

"5 minutes' over. Bumangon ka na." Atsaka inalis yung pagkaka hawak niya sa'kin

Pinauna ko na siyang maligo dahil inayos ko yung mga susuotin niya, Paglabas niya ako naman yung naligo.  Nang matapos ako mag ayos, nakatitig lang siya sa'kin. Atsaka kami lumabas, may naka set up na breakfast dun sa kubo at sa palagay ko si Asher nalang inaantay nila. Hawak ni Asher yung kamay ko nang pumwesto na kaming dalawa, si asher yung nag lead ng prayer bago kami kumain. Habang kumakain, napapansin ko na napapatingin pa rin sa'kin yung mga tao dun kaya naman naiilang ako, si Asher naman pinaghihimayan ako ng mga seafoods na nandun. Napansin ko rin na napapatingin sa'min si Angelica. Ayoko naman na mabadtrip kaya kumain nalang ako.

Pagkatapos kumain, nagpahinga muna sila atsaka nagtrabaho na ulit. Nasa tabi lang ako ni Asher. Sobrang bagay yung white hard hat ni Asher sakanya. Kapag naman napapatingin siya sa'kin ngumingiti siya. Si Angelica naman kanina pa naka simangot. Hindi gusto yung presensiya ko dito. Ano bang gusto niya kay Asher? Oo, kagusto gusto si Asher pero ikakasal na yung tao.

Nang sinabi ko kay Asher na pupunta ako sa room niya, tumango lang siya. Kukunin ko kasi yung mga gamit ko. Paglabas ko, nandun nakatayo si Angelica. Napataas naman ako ng kilay sakanya.

"Yes?"

"I just want to remind you na 'wag ka masyadong pa kampante. Hindi pa kayo kasal." She said and walked out

Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya dahil baka lumabas lang pagka bitch ko dito.

"Asher, aalis na ko. Mamaya na flight ko."

"Hatid na kita. Na discuss ko naman na yung ibang gagawin. Atsaka saglit lang naman."

"Sure ka?"

"Yep. Let's go." Nagpaalam na rin ako sa mga tao dun and I thank them for warm welcome.

Nang makarating kami ni Asher sa Airport nakayakap lang siya sa'kin.

"Uuwi ka na. I'll missyou so much, Love. Ingat ka okay? Thankyou for visiting me here."

"I'll miss you too. I loveyou."

Pumasok na ako sa loob dahil maya maya ay flight ko na. Pinabalik ko na rin si Asher sa site dahil kailangan talaga siya dun.

Isang linggo mula nang pumunta ako sa Cebu, naging madalang nalang paguusap namin ni Asher. Baka sobrang daming ginagawa talaga sa site nila. Pagbalik ko rin sa station, sobrang daming trabaho na napunta sa'kin. Nang matapos ko lahat 'yun, nagpaalam ako ulit na hindi ako papasok ng isang linggo, at pumunta ng Cebu. Kada pupunta ako dun, hindi na ganun ka energetic yung mga tao kapag nakikita nila ako. Para bang natatakot sila kapag nakatingin sakin. I don't know. Maybe I'm just imagining things. Pero nagda doubt na ako.

For that whole week, hindi ako tumuloy sa tinutulugan niya. Nag hotel ako at pumupunta punta nalang sa site nila Asher. Pero yung closeness ngayon nila ni Angelica, hindi na katulad ng dati na nag iilangan. Kasi may time na nag ngingitian silang dalawa, may time na tatawa sila. Hindi ko alam, sa isang linggong stay ko dun, naramdaman ko na parang hangin lang ako. Pero hindi ko 'yun pinansin. Pero sa loob loob ko, natatakot ako. I stayed here in Cebu kasi next week birthday ni Asher, baka next week hindi ako makapunta dito kaya sinulit ko na.

Nang makabalik ako ng Manila, inasikaso ko na yung para sa graduation ko. Asher's birthday came, at magka VC lang kaming dalawa.

Last week of April, wala na kaming naging communication ni Asher, hanggang sa nag dalawang linggo, hindi ako mapakali. Hindi naman ako maka alis dahil pinagbabawalan ako dahil masama raw na umaalis kapag pa graduate ka na. Dial ako nang dial sakanya pero wala akong response na natatanggap. Ganun ba siya ka busy? Pero bago siya matulog pwede niya naman akong replyan man lang. 1 week before my graduation, kinausap ko si Simoun na samahan ako sa Cebu. Hindi ko na kaya, nababaliw na 'ko kakaisip. Mamaya may masama na palang nangyari.

Nang pumayag si Simoun, nag book kaagad kami ng ticket papunta nang Cebu. Delayed yung flight namin kaya naman gabi na ng makarating kami sa site nila. Tanging yung guard nalang nandun. Malamang nakauwi na yung ibang trabahador. Nang papasukin ako ng guard, pinasuot niya pa rin kami ng hard hat, Si Simoun naman hindi na raw papasok. Bago ako makarating sa tinutuluyan ni Asher, nagulat ako nang makita si mang toper. Yung isang construction worker na ka close ko.

"Ma'am, ano pong ginagawa niyo rito? Gabi na." Gulat na gulat na sabi niya

"Ahh. Na delayed po kasi flight namin, kaya po medjo ginabi na rin kami. Si Asher po ba?" namutla naman siya

"A-ah ma'am, hindi ko po alam kung dapat ko po ba 'tong sabihin pero tignan niyo po sa tinutuluyan niya. At dito lang po ako, tatanawin kita." Nagtataka ako sa inaasal ni mang toper pero sinunod ko pa rin yung sinabi niya

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan habang papunta sa tinutuluyan ni Asher. Kakatok pa sana ako kaso nang iikot ko yung doorknob, hindi naka lock 'yun. Nagtaka naman ako.

Pagbukas na pagbukas ko nang pinto, hindi ko alam pero parang nanlambot yung mga tuhod ko. Parang pakiramdam ko babagsak ako sa kinatatayuan ko.

Asher is sleeping with Angelica — may nakatabon na kumot sakanilang dalawa pero makikita mo na wala silang damit sa ilalim ng mga kumot na 'yun.

Sinara ko kaagad yung pinto, Namalayan ko nalang na sunod sunod na umaagos yung mga luha ko. Asher.. I trusted you. Pa'no mo nagawa sa'kin 'to?

Nang palabas ako nakita ko si Manong toper. Ang lungkot ng mga tingin sa'kin. Now I understand bakit ganun nalang reaksyon ng iba sakanila nang pumunta ako dito.

"Hija. 'Wag ka muna aalis. May sasabihin pa ako sa'yo." Saad ni Mang toper at binigyan ako ng tubig

Sobrang daming kwinento sa'kin ni Mang Toper, na parang ayaw nang tanggapin ng mga tenga ko yung mga sinasabi niya.

"Salamat po Mang Toper. 'Wag niyo nalang po muna ipapa alam kay Asher na nagpunta ako. Mag iisip isip lang po muna ako. " atsaka nagpaalam sakanya.

Sinabi ko rin sa guard na 'wag nalang babanggitin kay Asher na pumunta ako dito, and I thank him nang hindi raw siya magsasalita. Kasi alam din pala ni Manong 'yun. Nakaka halata na raw siya. Si Simoun naman nakatingin lang sa'kin na parang nalilito lalo na nang yayain ko na siyang bumalik ng Manila.

I love you, Asher. But how could you do this to me? How many times do you have to break my heart? I thought you've changed. But I was wrong. You promised not to hurt me again, but I guess, promises are really meant to be broken.

Habang papunta ng airport tahimik lang si Simoun. Sabi ko sakanya ako nalang magbabayad ng ticket niya. And he just nodded. Habang nag aantay kami ng flight namin tahimik pa rin siya.

"Simoun, tulog lang ako, gisingin mo nalang ako pag take off ha."

He nodded "Athalhia, I won't ask you what happened earlier. But can I ask, are you okay?"

Nakapikit na ako nang nagtanong siya. Kaya tumango nalang ako at 'di niya na ako kinulit ulit.

Sana nga, Simoun. Sana nga okay lang ako.

Beautiful Broken RulesWhere stories live. Discover now