Pagkatapos ng monthsary namin, naging busy na ulit kaming dalawa. Dahil last year ko na rin 'to talagang hectic na. Si Asher naman, busy na rin dahil nagkaka project na siya, which is sunod sunod pa nga.When our 2nd monthsary came, Asher decided na pupunta kami ng La Union. Balak niya kasi, lahat ng bucket list ko iisa isahin namin kada monthsary namin, sabi pa niya kapag grumaduate na ako, International naman yung pupuntahan namin. Kasi doon daw, may sariling ipon na raw siya. Which is i really find it cute, sabi ko naman sakanya, magagawa namin 'yun kasi hindi lang naman siya yung kailangang gumastos. Syempre hati kami, ayoko naman na lahat gastos niya.
Ang first stop namin ni Asher, Sa thunderbird resort, which is doon mo makikita yung 10,000 tulips, sobrang sa best ng lugar kasi ang ganda talaga, isama mo pa na favorite ko yung tulips, after namin dun, pumunta kami sa San Juan la union which is very well known when it comes to surfing. Dati hindi talaga ako marunong ne'to pero tinuruan ako ni Asher kaya kapag nagroroad trip kami, tumitigil kami sa mga beach resorts para lang mag surfing.
For our last day here, Ang last na pinuntahan namin ay ang Korea's Rose Garden ng La Union, para kang nasa Korea sa lugar na 'to. Kasi makikita mo dito yung LED Rose Garden. Nakaka overwhelm kapag napupuntahan mo yung dream places mo kapag kasama mo yung mahal mo. I really couldn't ask for more.
Nang makauwi kami ni Asher, pinagpahinga ko na kaagad siya kasi bukas, pupunta na siya sa site na project niya ngayon. Since wala naman akong pasok bukas, Family Day kami kasi nandito sila Mommy.
Kinabukasan nakita kong naka ayos na sila ni Daddy, balak kasi namin magsimba tapos kakain sa favorite restaurant ko, wala ganun lang family bonding namin. Namiss ko naman tuloy bigla si kuya. Si Johaness naman, hindi na rin kami naguusap. Tanging si Jenicka nalang nakakausap ko.
Pagkatapos ng mass dumiretso na kami sa restaurant kasi may reservation naman na kami dun.
Tahimik lang kaming kumakain nang magsalita si mommy "Anak, you really love Asher huh." She said
"Yes mommy, and I'm happy with him." I replied ngumiti naman silang dalawa ni daddy. Daddy knows Asher kaya wala siyang problema dun, basta lang daw 'wag siyang magkakamali na saktan ako.
" I never saw you like this. Nakita ko lang na gan'to ka kasaya nang makilala mo si Asher. I'm hoping na you two will end up forever. " naiiyak ako sa sinabi ni Daddy, tanging kay Asher niya lang talaga ako pinagkakatiwala.
Paguwi namin, nagpaalam na ako atsaka umakyat sa kwarto ko para mag review. Dahil practical namin bukas, atsaka minsan pa naman yung mga prof, nagpapa surprise speech talaga. Buti nalang nga, May mga subject na magka bloc kami ni Deborah.
Ang bilis lumipas ng mga araw, parang nung nakaraan lang nanliligaw palang sa'kin si Asher, pero ngayon mag tithree months na kaming dalawa, at ang plano namin for our 3rd months ay sa Palawan. Kaya naman bago kami umalis, inasikaso ko na yung para sa OJT ko sa station na papasukan ko. While si Asher, inaayos yung schedule niya kasi kapag darating yung monthsary namin, minamake sure niya palagi na maluwag yung schedule niya.
Nang 4th monthsary naman namin, sa siargao kami nag punta, feeling ko nga bago kami mag isang taon, napuntahan na namin yung local places bucket list ko. Sobrang thankful ko kay Asher.
Nang mag OJT na ako, sinusundo ako palagi ni Asher sa station, yung iba ko ngang kasamahan dun tinatanong kung anong pangalan niya, tanging sinasagot ko lang sakanila "He's taken." ewan ko lumalabas minsan pagiging possessive ko, Si Jenicka naman, naguusap pa rin kami g dalawa, sakanya ko nalang kinakamusta si Johaness since kahit naman 'di sabihin ni Asher nagseselos siya kay Johaness.
5th monthsary namin, ang pinuntahan namin ay Bataan, lalo na yung famous Las Casas De Acuzar. My relationship with Asher is fine, wala kaming gaanong pinag aawayan dalawa kasi kapag hindi kami nagkaka intindihan, mananahimik kaming dalawa just for a moment and will find ourselves apologizing. I can say that Asher really changed, Hindi na rin kami katulad ng dati na kahit maliit na bagay pinag aawayan.
"Love." Napatingin ako kay Asher nang tawagin niya 'ko
"Hmmm."
"Remember Melanie? I saw her yesterday. And she invite us on her wedding. She's now marrying Oliver." Nagulat ako
"Seriously? You two finally okay?"
"Yes. When you were in U.S. she talked to me and apologized because of what she did to me. She even get me as her baby's godfather."
"Okay then. Kelan daw?" He handed me the invitation
When her wedding came, sinundo ako ni Asher, naka tux siya habang ako naman nakasuot ng Cream color na dress since ganun yung motif ng kasal niya.
During her wedding, Narealize ko lang na kapag nakagawa ka nang mali, may bagay pa rin na tama na darating sa buhay mo. Tulad nalang ng kay Melanie, nagkamali siya, nagkamali siya na niloko niya si Asher, pero yung bright side dun, nagka baby siya at naging okay sila ng ex niya. Mahal naman pala talaga siya ni Oliver, sadyang immature pa silang dalawa ng panahon na 'yun.
Atsaka yung isang magandang bagay dun, nasaktan niya si Asher pero dahil dun narealize niya na mahal niya ako. Kaya hindi masamang magkamali basta pag tapos ng pagkakamaling 'yun, maitatama mo na.
Habang kinakasal silang dalawa, hindi tumitigil yung pag iyak nilang dalawa. You can see in their eyes that they truly love each other. Ang sarap sa feeling kapag ikakasal ka sa taong mahal mo.
Nang matapos yung kasal, dumiretso na kami sa Reception area nila. Sobrang elegante, halatang pinaghandaan talaga 'tong kasal na 'to. At nalaman ko rin na, kaya pala ganun katagal bago sila nagpakasal dahil tumaba talaga si Melanie, ayaw niya raw magpakasal nang ganun siya kataba. Babaitang 'yun.
Nasa kalagitnaan na kami ng program, yung ihahagis na yung bouquet, hind naman ako tumayo kasi single ladies lang lang daw eh hindi naman ako single. Pero nagulat ako nang hatakin ako ni Melanie sa gitna at sakin inabot yung bouquet, hindi niya na hinagis, inabot niya mismo sa'kin! Eto namang si Oliver binigay kay Asher yung garter!
"Wth!" Sigaw ko tawa naman nang tawa yung mag asawa
"That's your birthday gift to us!" Sigaw nila at iniwan kami sa gitna
Umupo ako sa upuan na binigay sa'kin, habang si Asher naman nakaluhod na sa harap ko at kagat na yung garter, hinawi niya naman yung slit ng dress ko. Parang pakiramdam ko mukha na akong kamatis sa sobrang pula ko. Nakakahiya!
Nang iaangat na ni Asher yung garter, nararamdaman ko yung init ng hininga niya sa balat ko. Nagsisi tayuan yung balahibo ko, ang awkward!
"Higher! Higher!" Sigaw ng mag asawa na sinundan ng ibang bisita
Eto namang si Asher masunuring bata at hanggang hita ko talaga , nararamdaman ko naman na sumasayad yung bibig niya sa balat ko. Gustong gusto rin ni tanga! Pagkatapos nun, inakay niya ako patayo para sumayaw. Hindi ako makatingin ng maayos sakanya.
"Look at me, Marie." Hindi ko siya sinunod kaya naman siya na nagharap ng mukha ko sakanya " 'Wag ka nang mahiya sa'kin. Gagawin din naman natin 'yun in the future." Sinamaan ko lang siya ng tingin
Pagkatapos nun, kinausap ako ni Melanie, sabi niya masaya raw siya na nagkatuluyan kami ni Asher, kasi noon daw nung mag bestfriend palang kami, selos na selos daw siya sa'kin kasi kahit magkasama sila puro ako raw yung binabanggit ni Asher sakanya. Dumarating pa nga raw sa punto na napipikon na raw siya minsan pero hindi siya nag sasabi kay Asher. Pinakita niya rin sa'kin yung baby niya, sobrang ganda ne'to! Kamukhang kamukha niya talaga.
Nang pauwi na kami tawa nang tawa si Asher kasi hindi ko pa rin siya kinakausap, tanging tango at iling lang sagot ko kapag may tinatanong siya sa'kin.
But this day was indeed happy. Parang pakiramdam ko nakikita ko yung sarili ko at si Asher sa isang simbahan, at nag-iisang dibdib sa harap ng panginoon.
YOU ARE READING
Beautiful Broken Rules
Romance"A guy and a girl can be just friends, but at one point or another, they will fall for each other. Maybe temporarily, maybe at the wrong time, maybe too late, or maybe forever." - Dave Matthews