Nadatnan na naming nakaupo ang dalawang doktor at dalawang scientist sa loon nga laboratory room.
They were gathered around the counter and talking seriously about something.
Bagama't alam naming nakita kami ng dalawang doktor na nakaharap sa pintong pinasukan namin ay hindi nila kami pinansin.
Nagkatinginan kami ni Kisher at parehong umaktong, anong gagawin natin dito? Kinulbit naman kami ni Dash saka sumenyas na huwag mag-ingay. Actually, their whispers are the only ones you'll hear in the room.
Mabuti na lang at bumukas ang isa pang pinto sa lab at iniluwa nito ang naka-full gear na si Prof. Clart.
Did I say full gear?
He is wearing a lab gown, scrub suit, goggles, gloves and mask. May sumama pang lumabas na usok at maingay na tunog ng machine ng lumabas siya.
Unang dumapo sa amin ang kaniyang tingin bago sa mga kaibigan niya na hindi pa rin natitigil sa pagbubulungan.
"Nandito na pala kayo. Lumapit na kayo doon at sisimulan natin ang pagdidiscuss. I'll just remove these." Sabi niya at itinuro ang mga bakanteng upuan sa tabi ng mga kasama niya.
Inilapag niya ang mga suot niyang mask at lab gown sa isang metal tray at ang goggles at gloves naman niya ay inilapag din sa isa pang metal tray na may lamang mainit na tubig.
We just went near them and sat there.
Mukhang nagulat pa ang dalawang siyentista ng biglang tumabi si Dash sa kanila at nang makita nila kami.
Nakatalikod kase sila sa pinto na nilabasan namin kaya't marahil hindi nila natunugan ang pagpasok at paglapit namin. Prof. Clart also went to us.
"Hindi niyo man lang inaya ang mga bata para makaupo." Sabing pabiro ni Prof. Clart sa kanila.
Wala namang sagot si Dr. Ivory na mukhang walang pakialam sa presensya namin. Wala ring reaksyon si Dr. Sebastian at parehong napapahiyang ngumiti ang dalawang siyentista.
Gusto ko pa sanang punahin ang pagsabi niya sa amin ng mga bata. Hello? Nasa legal age na kami tapos bata pa rin ang tawag? Pero pinigilan ko ang sarili kong magsalita ng kung anuman.
I saw Dr. Sebastian hiding an article below the other papers. Tatanungin ko sana ngunit nahulog ang iba kaya tumulong ako sa pagpulot. I was about to pick the paper near the high chair when Ereel reached for it at the same time.
Nagkatinginan kaming dalawa. Our hands are both suspended in the air. Patagalan yata ng titigan. He never broke his gaze until Dash cleared his throat.
Tumayo na lang ako saka inilagay ang papel sa lamesa at maayos na umupo. Si Gastin na ang pumulot sa papel dahil umayos na rin ng upo si Ereel.
When I glanced at Dash, he's already smiling like an idiot. This guy.
"Pasensya na Clart. Masyado kase kaming nadala sa usapan tungkol sa gagawin nating proyekto." Pagpapaumanhin ni Sir Mark.
Prof. Clart laughed even though there's really nothing funny.
"Nah, biro lang. Talagang masyado lang kasi kayong seryoso."
Alam kong pinapagaan ni Prof. ang sitwasyon ngunit talagang seryoso ang lahat kaya hindi rin namin magawang sumang-ayon at makisabay sa pagtawa niya.
Pagkalabas ni Sir Artan ng mga folders ay doon namuo ang seryosong tensyon sa pagitan naming lahat.
No one dared to talk until Dr. Ivory broke the defeaning silence.
"The virus has now entered the southwest countries. From the no. of cases in the western and the added no. of cases in southwest area, there has been abrupt increasement of recorded data, from 367 to 543 cases. Pretty fast huh?"
YOU ARE READING
REMEMBER ME
Science Fiction(COMPLETED, UNEDITED) It all started with the Project Breinox. All countries were alerted of the spreading BV-18, also known as the brain virus. The government wanted to take an action immediately to prevent this from affecting people so they had co...