REMEMBER: Chapter 25

12 1 0
                                    

Hindi kami okay ngayon. Literal na hindi okay. Si Dash ay umiiwas sa amin o kaya palaging sarkastiko ang tingin. Si Kisher ay binabawi ang sinabi kay Dash though wala siyang regret na hinarap si Mika. Mika can't look at us.

Only Ereel and I are the ones communicating. Gabi na noong itransfer namin si Gastin sa room na pinagpahingaan niya rin noon. Dalawang araw na rin ang nakalipas simula ng hindi pa siya nagigising.

May malaki itong glass screen na nagsisilbing dungawan namin sa kaniya. Sinabi kasi ni Dr. Sebastian at Dr. Ivory na doon muna siya para mabantayan nila ng maigi. Baka kasi mas lalong lumala yung fever niya.

"Kung sina Dr. Ivory at Dr. Sebastian ang nagbabantay kay Gastin, sino ang gumagawa ng lab test?"

Tanong ko kay Ereel habang inaayos ang snacks sa bag ko.

"Scientists."

Tipid niyang usal saka tumayo na ng matapos kong mag-ayos. Si Dash ay hindi ko alam kung saan nagsusuot. Sinabi naman ni Ereel na hindi naman siya gagawa ng kalokohan kaya naman panatag pa rin ang loob ko sa kaniya.

Si Kisher ay nauna na sa pagbisita kay Gastin. Si Mika? Ewan, baka tumatawag na naman sa mga kabudhi niya at nirereport ang nangyari. Tss.

Naglakad na kami palabas at sinigurado kong nakalock ang pinto bago kami pumunta sa hallway kung saan naroon si Gastin.

"Si Gastin. Do you think--"

Magtatanong pa lamang sana ako ng putulin niya agad ang sinasabi ko.

"I don't know. We should wait for the result. We can't be sure."

Hindi ako nakaimik at tumango na lang. Nahihimigan kong ayaw niyang pag-usapan namin ang tungkol doon.

Nadatingan namin si Dr. Sebastian na may hawak na folder habang kausap si Sir Mark.
Nang mapansin kami ay sumenyas siyang lumapit kami kaya napatingin na rin sa amin si Sir Mark.

Nagtatakang tingin ang ipinukol namin sa kanila.

Hinanap agad ng mata ko si Kisher pero hindi ko siya nakita. Dumako ang tingin ko sa natutulog na si Gastin.

Namumutla pa rin siya hanggang ngayon.

Napakunot ang aking noo ng mapansin ang nakakabit na suwero sa kaniyang kamay. At mayroon ring mga machines na bandang nahaharangan ng isang kurtina.

Hindi ba't lagnat lamang iyon? B-bakit siya naka-suwero? Bakit...may nakakonektang machines sa tabi niya?

Napikit ko ang aking mga mata sa nakita. Namalayan ko na lang na hinila na ako ni Ereel palapit kina Dr. Sebastian.

Even though I've got a clue on what's happening, I still find it hard to accept. I still want to confirm my hunch even if the answer's already obvious.

Hindi ko alam kung namamalikta ba ako o parang bahagyang umiwas pa ang tingin sa akin ni Sir Mark na may awang nakapaloob sa mga mata.

"The tests were done. The results are in this folder."

I hardly swallowed the lump on my throat as if I can't find the words to respond.

"Results? What do you mean?"

The question in my mind was voiced out by Ereel. Plural. Hindi lang iisang result.

Napayuko ako ng iabot ni Dr. Sebastian ang folder sa amin.

Masyadong nanghihina ang loob kong abutin iyon kaya si Ereel na ang humawak. Nagdadasal pa rin ako sa loob ko na sana hinala lang ang naiisip ko. Sana walang katotohanan ang mga napagtatanto ko. Sana hindi totoo.

REMEMBER MEWhere stories live. Discover now