REMEMBER: Chapter 13

50 1 0
                                    

I woke up having like a stiff neck. My mind wasn't really processing so it took me a while to put the puzzle pieces together upon seeing the sight of my companions.

Naguluhan ako bago napagtantong dito pala ako nakatulog kagabi. Gastin is still sleeping in the same position, same as Dash and Kisher. Nagulat rin ako nang makita si Ereel na nasa kabilang sofa at doon rin nakatulog.

Maybe he watched tv after I slept. Tinignan ko naman ang oras sa aking phone.

3:53 a.m. Maaga pa.

Maingat akong nag-inat dahil baka magising ko sina Dash at Kisher na nakasandal sa sofa kung nasaan ako.

Gusto ko pa sanang matulog pa ngunit hindi ko na magawa kaya naman napagdesisyon'an kong tumayo at kunin ang towel at damit ko sa loob ng kwarto para maligo. Maingat akong naglakad para wala akong magising sa kanila.

Nakabukas pa ang tv kaya naman ibinaba ko ang volume nito at in-off na lang para hindi masayang ang kuryente. Pumasok ako sa loob ng kwarto ko at nakita ang text ni mom sa akin.

Mom: Tera, kamusta ka naman diyan, anak? Magpakabait ka diyan ha. Namimiss ka na namin ni Tyra. Lagi ka niyang gustong patawagan sa akin.

Mom: Don't push yourself too hard.

Napangiti naman ako sa text ni mom. Na-iimagine ko rin sa aking isipan ang pagmamaktol ni Tyra para tawagan ako kada araw. Hindi siya sanay na hindi ko siya sinusundo after school. Nag-reply agad ako kay mom at sinabing okay naman ako dito. Still alive and kicking.

Nagmadali na akong maligo at hindi pa naman nagising ang mga kasama ko kaya hinayaan ko na lang sila doon. Gusto ko sana silang picturan pero baka mainis sila sa akin kaya hindi ko na lang ginawa.

Pagkatapos kong maligo't magbihis ay inayos ko na rin ang mga kalat sa table ng living room. Sobrang pag-iingat talaga ang ginawa ko para hindi mag-ingay. Inalis ko ang pop corn at inilagay sa kitchen sa baba.

Plano ko rin sanang maglinis habang di pa sila gising at mag-a-alas kwatro pa lang naman sa umaga. Naghanap ako ng walis at dust pan at sinimulan doon sa baba. Sa kitchen area. Naghugas na rin ako ng mga plato at bowl na ginamit kong pinagkainan kagabi.

Pumunta naman na ako sa itaas para isunod na linisin doon. Nagwalis walis muna ako doon. Nakahanap pa ako ng vacuum cleaner sa isang cabinet.

Gusto ko itong subukan para naman mapadali ang paglinis ko lalo na sa mga carpet pero isa itong malaking pagkakamali. Isinaksak ko ito sa isang extension at in-on.

Bigla itong nagproduce ng nakakarinding ingay, dahilan para magising at maalerto ang mga kasama ko. In-off ko kaagad ito at napakagat sa labi ko. Ito na nga ba ang sinasabi ko.

Biglang napabangon si Dash na natataranta na hindi alam ang gagawin at si Kisher naman ay nagising ng maalis siya sa pagkakasandal sa balikat ni Dash at kinusot kusot ang mata.

"NA-DEDEMOLISH ANG BUILDING?! MAY SUNOG? SUNOG?! BUMBERO! NASAAN?"

Hindi ko alam kung maaawa ako o matatawa o mahihiya sa inasta ni Dash. Tumingin tingin siya na natataranta sa paligid. Aishh nagi-guilty na ako sa ingay na nagawa ko. Iyan kase Pristin.

Nahulog naman si Gastin sa sofa ng marinig si Dash na natataranta at napabangon na rin. Habang si Ereel naman ay walang kamuwang-muwang sa mundo na napapakurap sa gising.

"Anong sunog?!" Gulat ring tanong ni Gastin sa kaniya na agad na ring napabangon.

Wala sa sariling napatingin naman si Dash sa akin at napatingin sa hawak kong vacuum cleaner. Napakurap ako nang magpabalik-balik siya ng tingin sa akin at sa hawak ko. Nako naman. Baka magalit pa siya sa akin.

REMEMBER MEWhere stories live. Discover now