Ilang oras rin ay naging mabuti na ang kalagayan ni Gastin. Nabalik na rin siya sa room. Sinabi naman ni Prof. na bukas ay iche-check kami nina Dr. Sebastian at Dr. Ivory which is today na pala.
Mabilis akong naligo't nagbihis. Nauna ng nagising si Kisher na panay ang kwento sa akin ng adventure nila sa labas.
"Tapos ayun nga muntik pang mabasag yung isang glass container dun. Mabuti na lang at napindot agad ni Sir Artan yung isang button para ma-double cover yung specimen..."
Panay na lang ang tango ko sa kaniya dahil hindi naman ako masyadong nagfofocus sa kwento niya.
Iniisip ko kasi parang may hindi magandang mangyayari. Hindi naman sa talagang inaasahan ko ang mangyayari pero kanina pa ako kinakabahan at hindi mapakali.
"Pristin."
Paano kung mayroon na namang problema? Hindi ba nila pipigilan si Mika? I mean, Dr. Ivory already knows about her being suspicious, I expect that the four were already informed about the chase. Wala ba kaming gagawin to prevent things from happening according to her plan?
"Huyy!"
Nagulat ako ng sigawan ako ni Kisher lalo na't ang lapit niya pa sa tainga ko. Lumayo ako at tinakpan ang bibig niya. Nakakabingi e. Ang tinis pa man din ng boses.
Tinanggal naman niya ang kamay ko saka sumimangot.
"Naman ihh! Di ka naman nakikinig. Ginagawa mo akong baliw dito na wala na palang kinakausap."
Naghalukipkip pa siya na parang nagtatampo. Napabuntong-hininga naman ako.
"Alam mo na ba ang nangyari kahapon?"
Agad namang umusog ang dila ko ng makita ko ang kuryosidad sa mga mata niya dahil sa tinanong ko. Bahagya pa siyang napaisip.
"Hmm. Maliban sa pagkakagat ni Gastin, wala naman ah."
May iba pa bang nangyari aside doon? Malamang wala na. Iyon lang naman ang ginawa namin kahapon.
"Not that. I mean, alam mo na ba ang detailed na nangyari sa quest namin?"
Nanlaki naman ang mga mata niya.
"Don't tell me--"
Nilakihan ko naman ang mga mata ko saka ko pabirong idinuro ang noo niya.
"Kung ano man ang iniisip mo ay-------patapusin mo muna ako. Ako ang kinakabahan sa daloy ng utak mo e."
Aray ko! Agad niya akong binatukan dahil doon. Ang sakit eh! Babae ba talaga to? Parang lakas ng lalaking nay malaking pangangatawan ang bigat ng kamay niya ha.
"Pabitin ka no?!"
Sagot niya sa akin. Hinimas ko naman ang batok ko. Parang matatanggal ulo ko dun.
"Ilang calories ba ang nakakain mo at para kang naging si Hulk?"
Aray! Pangalawa ng batok iyon ha! Grabe talaga 'to walang patawad. Napakasadista.
"Tapatin mo nga ako!"
Humarap siya sa akin na may seryosong mukha. Umayos naman ako ng upo.
"Yuck! Hindi kita gusto kaya wala akong ipagtatapat sa'yo."
At boom!!! Ikatlong batok na iyon ahuhuhu. Huwag kang bibigay batok baka talagang malaglag na yung ulo ko.
"Seryoso na! Ano ba talagang nangyari?"
Agad naman akong sumeryoso at nagsimulang magkwento sa kaniya. Sobrang attentive niya kaya gusto ko sanang asarin pa siya pero huwag na lang baka kuba na ako kapag nagkataon.
YOU ARE READING
REMEMBER ME
Science Fiction(COMPLETED, UNEDITED) It all started with the Project Breinox. All countries were alerted of the spreading BV-18, also known as the brain virus. The government wanted to take an action immediately to prevent this from affecting people so they had co...