REMEMBER: Chapter 17

31 1 0
                                    

We're back to work again. Yesterday, we managed to list down the possible pros and cons on the making of the second main formula. May kailangan na hindi available sa laboratory kaya kumuha ng supplies sina Sir Mark at Sir Artan sa laboratory na pinagtratrabahuan nila.

Guess what? Mag-iisang buwan na rin pala kami dito.

Hindi rin ako makapaniwalang mag-iisang buwan na kaming magkakasama. Look how time flies. Parang kailan lang noong ayaw ko pang tanggapin ang proyekto pero ngayon isa na rin ako sa gumagawa nito.

Since wala pa naman ang dalawang scientist na hinihintay namin ay inatasan na kami ni Professor Clart para gawin ang bagong teknolohiya na gagamitin sa huling proseso.

Gastin is the most knowledgable when it comes to technology among us. Ereel and I can also lend a help to him since we also quite know something about it. Pero yung dalawa naman bilang chemical lovers ay nagpasyang sumama kina Dr. Ivory at Dr. Sebastian.

We were told to use the other room kaya nahiwalay kami sa iba. Ibinigay sa amin ni professor ang susi.

We started pacing towards the door.

"What exactly are we gonna do?" Tanong ko sa kanilang dalawa habang binubuksan ang pinto. Then I heard a click sound. I turned the knob and pushed it forward.

"It's all listed in this paper."

Itinaas ni Gastin ang hawak niyang papel na narolyo. Saka unang pumasok sa loob. Electric fans ang ginamit namin sa loob dahil hindi naman puwedeng mag-aircon kami.

Mabuti na lamang at hindi magulo sa loob at nakaorganize lahat ng mga gamit na nasa cabinet na may label.

Inilapag ni Gastin ang papel sa table na nasa gitna at binuksan ito. Doon nakasaad ang mga materials na kailangan at procedure na gagawin.

"Sinong gumawa niyan?"

Lumapit ako doon sa kaniya at tinitigan ang papel. Back to back pa yata ito. Binasa ko rin ang nasa likuran nito.

"I did. Ereel also lend a hand." Sabi ni Gastin at nagsimula na siyang kumuha ng mga bagay sa cabinets. Si Ereel naman ay kanina pa binubuksan ang mga cabinets at may kinukuha.

"Do you think we need this?" Tanong ni Ereel kay Gastin sabay taas ng isang bagay na hindi ko alam kung ano. Sorry for being such ignorant. Tumango naman ang isa.

Nakita ko ang pamilyar na salita sa likod ng papel. That occured to me, I've done this one too. Naranasan ko namang gumawa nito dahil sa research na ginawa ko noon.

"I know how to make this!" Sabi ko kaya sabay silang napatingin sa akin. Itinaas ko at itinuro ang nakasulat sa papel kaya napatango naman si Gastin.

"You can start getting the materials needed for that." Sabi naman ni Ereel kaya lumapit na rin ako kung nasaan sila at kumuha na rin.

Nang masigurado kong kompleto na, sinimulan ko nang gawin iyon. Pumayag naman ang dalawa para mapabilis ang trabaho. Kabit lang ako ng kabit tapos binasa basa pa iyong procedure para sure naman na safe at walang nakaligtaang gawin.

Nauuna ako sa dalawa dahil mas simple lang iyong ginawa ko. Si Gastin kase ang may pinaka-nakakahilong tool, ewan ko, ang daming kinakatikot. Ganun rin kay Ereel though mas malaki lang iyong kay Gastin.

Ilang minuto pa ang lumipas bago ko natapos ang ginawa ko. Isa itong screen na parang nang-e-x-ray sa solid compound. At umeepekto pa rin ito sa tao. Though dahil hindi naman tayo mga bagay, ang mga damit lang natin ang you know.

Oo. Kaya nakakahiyang itutok ito sa tao dahil mae-x-ray mo rin siya. Body statistics. Aisshhh. Nakakakilabot.

Nang tumingin ako sa mga kasama ko ay abala pa rin sila sa ginagawa. Tumunog naman ang tiyan ko kaya napatingin ako agad sa orasan.

REMEMBER MEWhere stories live. Discover now