Seryoso? Sa gubat talaga?
Hindi pa rin ako makapaniwala doon. Pinagpatuloy na namin ang paglalakad para mas maagang makarating doon. Mag-9 na sa umaga.
Nagulat na lamang ako dahil habang papalapit kami sa central ay may naririnig rin kaming sigawan na parang...
Parang...
Naproprotesta!!
What the? Hinila ako sa isang gilid ni Ereel nang makita namin ang higit isang daang taong nagprprotesta sa harap ng Central Hall. Ang central hall ay kung saan ang opisina ng namumuno sa siyudad.
Para namang gigibahin ng mga tao ang hall kung hindi lang may mga nakaharang mga pulis. May mga kumuha na rin ng mga bato at pinagbabato ang hall.
They were shouting.
"Nasaan ang pinuno?! Palabasin niyo diyan!!"
"Anong silbi ng mga binabayaran namin kung wala rin namang pusong sinusulot ng pinuno?! Ano?!"
"Walang kwenta!! Kahit ayuda man lang ang ibigay!!"
Nagulat ako doon.
I didn't expect they would resort to violence against the one who's gonna help them. Hindi man lang sila makapaghintay.
"This is bad."
Umiling-iling si Gastin habang sinisilip ang mga tao.
Cries were everywhere.
May mga medics na rin na sumalo sa mga nasugatan. Nakakagulong pangyayari.
"Why are they even doing this?"
Hindi marahil maintindihan ni Mika ang pangyayari dahil lumaki na siya sa Southwest.
Hindi na rin ang virus ang kalaban ng bansa kundi pati ang mga mamamayan. Parang nakita ko na ang ganitong senaryo dati, hindi ko lang matandaan kung saan.
Hindi pa rin kami makalabas at naghahanap na rin kami ng paraan para lumusot sa gitna ng away. Maaari kasing maisama kami sa gulo kapag nagkataon.
Muntik na akong matamaan ng bato kung hindi ko lamang nailagan ng mabilis ito. Nanginig ang aking kamay. Tiyak basag na ulo ko nun.
"M-muntik na!"
Mabilis akong lumayo at lumapit sa kabila para hindi na maulit ang nangyari kanina.
"Doon! Takbo agad tayo doon! On three!"
Itinuro ni Prof. Clart yung isang eskinitang pwedeng madaanan na hindi masyadong napapansin ng mga tao. At seryoso,
Masikip!!
Isa-isang normal na laki ng tao lang ang kakasya doon. Kung mataba ang papasok ay hindi kakasya. Kung matangkad naman ay kailangang yumuko.
"One."
Iniready ko na ang mga paa ko.
"Two."
Nakita kong sumulyap sulyap pa si Gastin sa gulo.
May nakatingin na isa dito sa pwesto namin. Gosh! Tumatagilid pa ang ulo niya na parang nagtataka kung sino kami.
May lalapit na sa kaniyang lakaki.
"Three!"
Bago pa niya maituro ang kinaroroonan namin ay kumaripas kami ng takbo papunta sa masikip na eskinita. Unang lumusot si Prof., sunod si Mika, Gastin ako at nahuli si Ereel.
Natamaan ako sa isa sa mga batong nagawi sa tinakbuhan namin. Sapul ulo ko! Hinawakan ko agad ito at nakita ko rin ang pagpansin sa amin ng ilang mga tao.
YOU ARE READING
REMEMBER ME
Science Fiction(COMPLETED, UNEDITED) It all started with the Project Breinox. All countries were alerted of the spreading BV-18, also known as the brain virus. The government wanted to take an action immediately to prevent this from affecting people so they had co...