Nauuna ako sa pagtakbo hanggang sa lumiko kami sa isang hallway at naaninagan si Dash na nakatayo sa labas at nakahawak sa glass.
Napatingin siya sa amin nang tuluyan na kaming makalapit.
"How is he?"
Tumingin ako doon sa glass at nakitang nakamulat na nga si Gastin pero halatang nanghihina pa siya.
Pinigilan kong maiyak habang tinitignan siya.
"H-he's awake."
Wala sa sariling usal ni Kisher. Tumulo ang luha sa mata niya at saka sunod-sunod na itong napabuhos sa tuwa.
"He's finally awake!"
Iyak ni Kisher. She's sobbing now while holding the glass like she's able to reach him.
"Did...did you call the doctors?"
Para akong nabunutan ng tinik sa loob dahil sa nakita. Kumukurap-kurap pa ng dahan-dahan si Gastin.
Tumango naman si Dash.
Wala pang dalawang minuto ay dumating na agad si Dr. Ivory at Dr. Sebastian. Pareho silang humahangos sa pagtakbo.
"We need to check his vital signs. The gear, Ivory?"
Agad na inabot ni Dr. Ivory ang gear saka naman isinuot ito ni Dr. Sebastian. Siya ang nasa loob na nakasuot ng protective gear. Sinimulan niyang icheck ang vital signs ni Gastin.
Kalaunan ay kinausap rin niya siya. Hindi namin dinig ang sinasabi nila dahil nakasoundproof ang room.
Nanghihina namang tumatango si Gastin.
"Kailangan pa niyang magpahinga para manumbalik ang lakas niya."
Napatingin kami kay Dr. Ivory dahil doon. Hindi man lang siya lumingon sa amin at nanatiling nakatingin doon sa loob.
May ilang sinabi pa si Dr. Sebastian saka itinuro ang banda kung nasaan kami kaya dahan-dahang napatingin naman si Gastin sa amin. Bahagyang umangat ang labi niya para ngumiti na para bang sinasabing okay lang siya.
Gastin please fight.
Gusto ko siyang samahan sa loob pero masyadong risky iyon at hindi rin kami papayagan ng iba. Gusto kong sabihin sa kaniyang lumaban siya sa sakit dahil magagawan pa namin ito ng paraan.
Tumakas na ang kanina ko pa pinipigilang luha.
Even though he's so close, it still feels like he's so far. Nandito nga siya pero hindi naman namin siya malapitan.
May sinabi ulit si Dr. Sebastian na dahilan para tumango at pumikit muli si Gastin. Kinuhanan siya ng dugo sa isang syringe bago tuluyang lumabas si Dr. Sebastian. Agad ko rin namang pinunasan ang luhang dumadausdos sa aking pisngi.
Nang maisara ang pinto ay tinanggal na niya ang kaniyang gear pero nanatiling nakasuot ang gloves sa kaniyang mga kamay.
"We need to test his blood again. Normal naman na ang vital signs niya at wala rin namang sign ng complication sa brain waves niya pero hindi pa rin tayo sigurado kaya mabuting may magbantay muna sa kaniya."
Usal ni Dr. Sebastian. Tinapik pa ako sa balikat ni Dr. Ivory bago nagsalita.
"Gastin's not weak. You must be strong to fight with him too."
She whispered through my ears. Tumango ako dahil doon.
Even if we can't guarantee that he'll be okay, we must still hope for him to be strong, and in able to do that, we must stand and support him in his battle.
YOU ARE READING
REMEMBER ME
Science Fiction(COMPLETED, UNEDITED) It all started with the Project Breinox. All countries were alerted of the spreading BV-18, also known as the brain virus. The government wanted to take an action immediately to prevent this from affecting people so they had co...