REMEMBER: Chapter 19

24 1 0
                                    

Two days had passed.

Mika has a different room from us. She is staying at room 315. Kasama niya roon si Dr. Ivory at Dr. Sebastian while the two scientists are in the same room with Professor Clart.

Dahil 5 rooms lang naman ang kayang i-occupy ng room namin ay wala siyang magagawa. I feel bad for her though.

Tinatawag rin naman namin siya palagi sa room namin pero may times na si Dash lang iyong mapilit. Wala naman siyang kaalam-alam kaya palihim na lang kaming apat na nagtitinginan kapag sinasabi niyang aayain niya si Mika.

Hindi naman sa ayaw namin sa kaniya. Nag-iingat lang kami. Lalo na nang may narinig kaming kausap niya sa phone.

It was a very weird conversation and we are also weird for eavesdropping.

"Wala tayong gagawin ngayon." Sabi ni Kisher habang inaabot ang notebook niya sa table saka inilagay sa bag.

Kasalukuyan kaming nagliligpit ngayon. Kakatapos lang na makita namin ang resulta ng bagong experiment.

"Rest day." Sabi naman ni Gastin at inayos na rin ang kaniyang mga gamit. Inabot ko sa kaniya ang dalawang wires na bahagyang nahulog mula sa counter.

"Thanks."

Ngumiti na lamang ako saka isinukbit ang bag sa balikat.

"Tara na! Mag games na lang tayo sa room!"

Ereel snickered on the other side. I almost did too. Para naman kasi siyang bata na mas gusto pang lalong ubusin ang energy kaysa sa matulog.

"Childish." Ereel muttered.

"Let's go! We still have plenty of time naman oh! It's still 2:30. We should relieve ourselves from stress."

Excited naman na sabi ni Mika. Kisher and Gastin raised their hands like they would pass. Kisher absolutely look tired. Ganoon rin si Gastin.

We can also notice the gap between Kisher and Dash ngayong nandito na si Mika. Mas nagkakasundo kasi sila Mika at Dash, mas close pa sila ngayon kaya hindi na rin masyadong nagbibiruan ang dalawa. Minsan lang pero lagi namang puro Mika si Dash kaya ewan ko na lang.

Mika is pretty. Kaya maaaring attracted si Dash sa kaniya. Ewan. Parang si Kisher na rin ang mismong umiiwas kapag nagbibiruan sila.

"Mga kill joy!"

Hindi pinansin ng dalawa ang usal ni Dash. Napatingin naman siya sa amin ni Ereel at alam na naming kami ang susunod niyang aayain kaya naman bago pa siya magsalita ay inunahan ko na siya.

"We have something to do and discuss."

Mabilis kong sabi kay Dash saka ko hinawakan at itinaas ang kamay ni Ereel. Iwinagayway ko pa iyon sa harapan nila.

Napatingin sa akin si Ereel at naintindihan naman agad niya ang gusto kong iparating. Tumango siya saka tumingin kay Dash.

"Yeah."

Tipid niyang sagot. There's a hint of tiredness in his voice pero alam niyang importante ang dapat naming asikasuhin.

Bigla namang umangat ang ngisi ni Dash. Loko talaga ito. Nakakainis siya pag gumanyan.

"Date?"

Sinamaan namin siya agad ng tingin. Talagang tumalim yung tingin na ipinukol ko sa kaniya. Napakamalisyoso nito. Lubog ship mo. Huwag ka nang umasa.

Itinaas naman niya ang dalawa niyang kamay.

"Ops! Wala akong sinabing masama. Nagtatanong lang kung ano bang araw ngayon!"

REMEMBER MEWhere stories live. Discover now