It's almost a week since we stayed here. I probably had one of the worst nightmare yesterday. I had dreamt of people's rally against the government, screams and chaos around. Then it ended up just like that.
My sweat trickled down to my face and I wiped it with the back of my hand. I scratched my forehead trying to remember the last thing that happened in that dream but no matter how hard I tried to resurface it in my mind, the more it pushes the scene at the back of my head.
I heard a faint sound knocking through my head. It was the tiniest sound that I heard since the scream of the nightmare.
"Pristin!"
Mas lumakas ang tunog na naririnig ko. Pero mas malakas pa rin ang puwersa ng mata ko para aluhin akong matulog.
"Pristin!"
That shout snapped my mind to reality and it came along with a forceful slap through my face. Just then, out of shock, I opened my eyes.
Sinalubong ako ng nag-aalalang mukha ni Gastin at Kisher.
"Wha-what? I--what are you--?"
Naguguluhan kong tinignan ang mga nakapalibot sa akin. Unti-unti akong bumangon habang hawak hawak ang likod ng ulo ko. Is this another nightmare?
I have been getting them most of the time now.
"Here."
Inabutan ako ni Gastin ng tubig at binigyan naman ako ng towel ni Kisher. Inabot ko naman ito at ininom at nagpunas ng pawis. Ngayon ay mas naliwanagan na ang pakiramdam ko.
"I'm sorry. I needed to slap you to wake you up."
Nagi-guilty na sabi ni Kisher at kinagat pa ang kuko niya. Ngumiti ako sa kaniya at tumango.
"Thank you. It helped a lot. I'm feeling better now." I said sincerely.
Kung hindi ako agad nagising ay maaaring nakulong na ako sa panaginip na iyon. Te-teka! Ano na nga ba iyon? Hindi ko na rin maalala ang napanaginipan ko.
"Are you sure you're fine?"
Nag-aalalang nakatingin si Gastin sa akin. Tumango naman ako sa kaniya. Napadako naman ang aking tingin sa pinto at nakita sina Dash at Ereel doon. Napaiwas ako ng tingin at pilit inaalala ang panaginip ko.
There's something in there that's bothering me.
"Sigurado ba siyang okay siya? Baka kailangan niyang mauntog muna sa dingding para mabalik siya sa dati." Rinig kong bulong ni Dash kay Ereel. Hindi ko alam kung ipinaparinig niyang kusa ang kaniyang sinabi ngunit medyo napangiti ako doon.
Obviously, he's trying to make the atmosphere lighter. I'm very thankful that they're the ones who's with me right now.
Napatingin naman si Ereel sa kaniya at inilayo ang mukha ni Dash sa kaniya. Ang lapit lapit kasi ng mukha niya sa mukha ni Ereel.
"Go away. It looks like she doesn't remember her dream at all. Her forehead creased."
He's always an observant and I'm aware of it. Hindi na lamang ako sumagot at napatingin sa kisame.
"Kung hindi mo pa kaya ay mas mabuting magpahinga ka muna. You don't have to push yourself too hard."
Napatingin ako kay Gastin at umiling sa inusal niya. Maaaring hindi maganda ang naging pakiramdam ko dahil dito ngunit hindi ko hahayaang maging pabigat ako.
I also don't want to be left here. Pakiramdam ko mas lalo lang akong mananaginip ng masama kapag naidlip ko ang sarili ko rito.
"No, I'll come."
YOU ARE READING
REMEMBER ME
Science Fiction(COMPLETED, UNEDITED) It all started with the Project Breinox. All countries were alerted of the spreading BV-18, also known as the brain virus. The government wanted to take an action immediately to prevent this from affecting people so they had co...