"The cylindrical gas tube."
Dr. Ivory asked me to get the tube on the top of the counter. Nasa kanan ko iyon kaya naman maingat ko itong kinuha gamit ang nakagloves na kamay.
Kung tutuusin ay para kaming nasa isang operasyon sa hospital. Ang kaibahan lang ay mga kemikal ang inoopera namin.
Napasok na rin namin ang madalas nilang pasukang room na palaging pinanggagalingan ng usok.
We also wore oxygen masks. Delikado raw kasing malanghap ang naghahalong kemikal sa loob lalo na at iniiwasan nila kami na iexpose sa pwedeng bawal pala sa aming ilong.
Inabot ko sa kaniya ang gas tube at kinonekta naman niya ito sa isa pang glass na may cord.
Hindi ako masyadong pamilyar doon dahil yung mga simple tubes lang naman ang ginagamit namin sa Chemistry class namin. Gaya nga ng sinabi ko noon ay hindi ko naman paborito talaga ang chemistry. I was just excelling, if I can borrow their words.
Nang dumating kami rito ay mag-a-assist daw kami sa mga kailangang gawin.
I got assigned to be Dr. Ivory's assistant. Dash and Kisher with the two scientists. Gastin with Professor Clart.
That leaves the never-ending awkward family reunion of Ereel and Dr. Sebastian. Ereel's expression slightly changed when they said he was going to assist his uncle.
Mabuti na lang at natapos na ang ginawa namin ni Dr. Ivory kaya't hinayaan niya akong lumapit para tignan ang ginagawa ng mga iba.
Pinuntahan ko sina Prof. Clart at Gastin na may pinaghahalong fluid.
When the two liquid substance came in contact, a smoke was produced and it was sucked by a cord, directing it to the machine. Sila ang pinakamalapit sa kung nasaan kami kanina kaya sila ang una kong pinuntahan.
"The chemical is dangerous to inhale, but it is harmless when ingested. This will be the first output that we'll be observing."
Narinig kong in-e-explain rin ni Prof. Clart iyon kay Gastin na matiim na nakikinig habang tinitignan ang usok na lumalabas doon sa pinaghalo nilang liquid kanina.
Napadako naman ang tingin ko sa mag-relatives na hindi ko alam kung nag-aaway o nagtatampuhan dahil mukhang wala naman silang imik sa isa't isa.
Napangiwi na lang ako sa kanila. It's not a crime to speak to your relative, you know. If I'd have the chance to hangout with my relatives, I would cherish the moment. But then again, it's Ereel that we are talking about. Sometimes I can relate to him, but most of the time, I just can't understand him.
Nakita kong gumalaw ang bibig ni Dr. Sebastian na parang may sinasabi kay Ereel. The latter just looked at him and quietly went to the stacks of leaves. Yung dahon na katulad ng tinitignan noon ng dalawang scientists.
Hinugasan niya ang dalawang dahon saka inilagay sa isang platter at inilapit sa kinaroroonan ni Dr. Sebastian.
Nagsasalita si Dr. Sebastian habang nakatingin naman si Ereel sa dalawang dahon.
Ewan ko ba kung nakikinig ito o kung naaakit siya sa dahon. Dahil ayaw kong lumapit sa kanila dahil sa nakakatakot nga ang bloodline nila, lumapit ako kina Dash at Kisher na kasama sina Sir Mark at Sir Artan.
Nagbibiruan sila. Mabuti na lamang dahil kahit ganoon ay nakapokus pa rin naman ang atensiyon nila sa ginagawa nila.
May hawak si Kisher na powder na nanggagaling sa isang tube at si Sir Artan naman ay nakatutok sa small crystallines na nafoform ng paghalo niya sa isang liquid at sa powder.
Sina Dash naman ay may hawak na notes at isinusulat doon ang sinasabi ni Sir Mark base sa observation niya doon sa tinitignan niyang crystalline na nabuo ni Sir Artan sa microscope.
YOU ARE READING
REMEMBER ME
Science Fiction(COMPLETED, UNEDITED) It all started with the Project Breinox. All countries were alerted of the spreading BV-18, also known as the brain virus. The government wanted to take an action immediately to prevent this from affecting people so they had co...