REMEMBER: Chapter 32

20 1 0
                                    

We made 5 tablets of Breinox first.

Ito yung pinakamahirap sa part namin.

Gastin is holding on to our promise by remembering him. His memory loss was creating a big impact for him. Kapag binibisita namin siya ay okay naman.

Pero kapag nagkakausap na kami ay mabilis niyang makalimutan ang mga bagay o kaya'y bigla na lang tatahimik na mistulang hindi nakikinig sa amin.

It was happening all inside him.

Hindi namin malaman kung anong nangyayari sa kaniya dahil lagi siyang nakakalimot.

"Is he going to be fine?"

I asked Ereel who's quiet beside me. Kasama rin namin sina Kisher at Dash sa kabilang gilid niya. Napalingon naman siya sa akin.

Instead of answering my question, he just shrugged and looked at the glass in Gastin's room again.

Is that a maybe? Or we don't know?

Hinayaan ko na lang siya. Today's the last treatment to cure Gastin. He's the first one who is going to taste the Breinox.

Nandoon siya sa loob habang kinakausap siya ni Dr. Sebastian kasama si Dr. Ivory. Nandito naman sa labas na nakatanaw si Professor Clart, Sir Mark and Sir Artan.

Nakita kong tumingin pa dito si Dr. Ivory kasabay ng pagtingin rin sa amin ni Gastin. Ngumiti siya sa amin kaya nginitian din namin siya pabalik.

I saw the uneasiness in Dr. Ivory's face before she turned her look away from us. Humigpit ang hawak ko sa bag na dala ko. Anong ibig sabihin ng tingin niyang iyon?

Bahagya pang kinausap ni Dr. Sebastian si Gastin bago sila lumabas. Agad naman kaming apat na napalapit sa kanila. Nakalapit na rin sina Prof. Clart at ang iba.

"He's doing good. Ang mga paunang gamot na ininom niya ang nagpabagal sa pagspread ng virus sa kaniyang katawan. By the way, he mentioned about a journal notebook. Can you elaborate what does he mean?"

Nanlamig ako sa sinabi ni Dr. Sebastian. I have no intention about telling them the journal notebook owned by Mika because I was thinking they would blame me too.

"A notebook?"

Mas lalong napahigpit ang hawak ko sa bag ko. Nagulat rin ang mga kasama ko doon. Naikwento kasi namin sa kaniya ang tungkol sa notebook pero hindi ko in-expect na mababanggit niya iyon sa kanila.

"It was that, right?"

Napatingin ako kay Dr. Ivory ng tanungin niya iyon sa akin. Alam kong tinutukoy niya ang iniwang salita sa akin ni Mika bago siya umalis.

"Basement, The Da Vinci Code. She wouldn't tell that to you if it wasn't so important."

Napayuko naman ako dahil doon. Should I give it to them? Hanggang sa narinig ko ring magsalita si Ereel sa tabi ko.

"Pristin."

Alam kong mas gusto niyang ipakita ko ito sa kanila. I even remember what he said when I told them I won't give this to anyone.

"Give that to them. If they can understand the situation, then good. I know they will. But if some will not, too bad 'coz they can't do anything about it anymore. Just remember that we don't blame you."

Huminga ako ng malalim bago buksan ang bag ko at ilahad ang notebook. Binuklat naman ito ni Ereel at ibinigay sa kanila.

Binasa nila ito at mas lalo kong naiyuko ang ulo ko ng tumingin ng bahagya sa akin si Dr. Sebastian sa kalagitnaan ng pagbabasa doon. Matapos nilang mabasa iyon ay nagkatinginan silang lima.

REMEMBER MEWhere stories live. Discover now