Mabilis na binigyang lunas ng dalawang doctor si Gastin na pinahiga namin sa isang kwarto.
Namumutla siya at wala pa ring malay hanggang ngayon.
Lumapit ako sa kinaroroonan niya ng matapos na siyang asikasuhin ng mga doctor. Si Mika nasa labas ng kwarto habang si Professor Clart ay kinausap si Dr. Sebastian. Ereel stood on the other side of the room.
"What happened?"
Napatda ako ng tanungin iyon Dr. Ivory habang ginagamot ulit ang sugat ko sa gild ng noo. Ikinwento ko naman sa kaniya ang mga nangyari.
"Do you think she's involved again?"
Hinawakan ko ang kamay ni Gastin habang nakatingin sa kaniyang nakahiga sa kama.
"She's always in. Hindi naman sa tinuturo ko siya pero palagi na lang kasi siya kahina-hinala."
Umupo sa kabila si Dr. Ivory. Mabilis niyang natapos ang paglilinis sa sugat ko.
"He's alright now."
I don't know if I should be relieved or I should be angry now. I can't believe that Mika will pull to this extent. Ganon na ba siya kadesperadang itapon ang lahat ng pinaghirapan namin?
"As long as he doesn't wake up, I will never feel alright."
Biglang tumahimik ang paligid.
How can I be alright if my friend's life is on the line?
"Are we informing the others about what happened?"
Tanong ni Ereel na nakapikit habang nakasandal sa wall. Alam kong pinipigilan rin niya ang kaniyang galit. Simula ng dumating kami ay hindi na siya umimik.
Dr. Ivory shook her head.
"We shouldn't inform them since they will know about this when they come back. Baka mag-aligaga silang umuwi at may makalimutang kunin."
Tumango na lamang si Ereel saka umayos ng tayo.
"Where are you going?"
Umasta siyang lalabas sa kwarto ng tanungin ko iyon sa kaniya. Lumingon naman agad siya.
"Room."
Tumango na lang ako. Bumalik na naman ang mukha niyang walang ekspresyon.
Hinayaan ko na lang siyang tuluyang lumabas.
"May order na sa president. Kailangan makuha ang mga temperature at maitala ang condition ng mga tao. May idinistribute na ring scanners para macheck ang mga nakakuha ng virus."
Napatingin ako kay Dr. Ivory ng sabihin niya iyon.
Kung ganon sino ang magchecheck sa amin?
"We're gonna be the one who'll check on us."
Oh.
Yeah. Of course, they're doctors after all.
Maya-maya pa ay umalis na rin siya. Inaya niya pa ako na magpahinga rin ako sa kwarto namin. Odd, right? She looks so strict but she's actually caring.
Sinabi ko namang babantayan ko na lang si Gastin. Hindi na niya ako pinilit dahil alam niyang hindi rin naman ako papayag na wala siyang kasama dito.
Mahirap na kung may mangyari na namang masama.
Minutes passed and all I did was to stare at Gastin while he's sleeping peacefully. Sinabihan na rin ako ni Dr. Ivory na baka magkaroon pa siya ng masamang panaginip na maaaring epekto ng lason kahit na natanggal na ito.
Paano nga ba siya nakagat ng ahas e di naman namin nakitang lumapit ang ahas sa kaniya? I mean, really. Noong agad kaming lumapit sa kinatatayuan niya ay may enough distance pa rin naman sa pagitan nila ng ahas.
YOU ARE READING
REMEMBER ME
Science Fiction(COMPLETED, UNEDITED) It all started with the Project Breinox. All countries were alerted of the spreading BV-18, also known as the brain virus. The government wanted to take an action immediately to prevent this from affecting people so they had co...